Part 27

951 23 1
                                    

Maaga nakadating si Abby sa kanilang shop. Nauna na sakanya doon si Erika. Nagpaalam kasi si Charice na makikipagdate sa bago nitong boyfriend.

Kakabukas lang niya ng computer nang dumating si James. May dala itong paper bag na hula niyang pagkain ang laman.

"Good morning!"bati nito.

"Good morning, sir James!"bati din naman ni Erika.

"Good morning Abby!?"baling naman nito sakanya.

Ngumiti siya ng bahagya.
Inabot nito sakanya ang paper bag.

"Sana magustuhan mo, ako mismo nag bake nyan ha,"

Cookies ang laman niyon. Sa mga oras na iyon ay gusto na niyang kainin ang cookies. Pero ayaw naman nya ipahalata dito na gusto niya iyon. Kunyari ay itinabi niya ang bag at sinabing hindi pa sya nagugutom.

Nagpaalam naman si James na aalis na dahil may aasikasuhin pa ito. Nasagi naman sa isip niya na baka makikipagkita ito kay Joan.

Makalipas ang ilang oras ay dumating naman si Andrey. Lumapit ito sakanya na waring nagaalala.

"Abby, okay ka lang ba?kamusta si baby??"

"Anong baby??"pagkukunyari niya.

"Wag mong itago sakin ang anak natin, alam ko na buntis ka!"

Napapailing nalang sya sa ginawi nito.

"What do you care?!,wala na tayo di ba?!,..maging masaya ka na kasama si Shiela at ang mga anak nyo!"

Totoo sa kanyang damdamin ang kanyang binitiwang salita.

"Please...let's just give another try...."

"I accepted the fact na hindi na tayo magiging okay ulit, wag ka magalala hindi ko naman ipagkakait sayo ang anak natin..just let go...!"

Hindi matanggap ng lalaki ang nangyayari. Alam niya sa sarili niya na mahal nya si Abby. At hindi niya iyo kayang mawala.

"Hindi ko kayang wala ka sakin..."

"Mali ka, hindi ka lang sanay..."

Tumayo ito at pinipilit siyang sabihin na mahal pa rin siya nito.

"Ano ba??nasasaktan na ako!"

Sinusubukan itong pigilin ng kanyang mga kasama pero ayaw magpaawat nito.

"Let her go!!"

Napalingon ito sa pinanggalingan ng malakas na boses.

"At sino ka naman para makialam sa aming magasawa??"

"Concerned lang ako,..buntis siya, hindi mo siya dapat sinasaktan..."

"Kaya nga gusto ko na maayos ito, para mabuo na kami!"

"Wala ng mabubuo sa inyo, dahil matagal mo na yong sinira!"

Lumapit si Andrey kay James.

"Mahal ako ni Abby,..ako palang ang minahal nya...at wala na siyang ibang mamahalin bukod sa akin!"

"Makasarili ka!"

"I broke up with Shiela, and promise to support our child..Masama bang umasa na mapatawad niya ako ulit?"

Nabigla si Abby sa narinig at dahil na rin sa paghila sakanya ng asawa ay nakaramdam siya ng pananakit ng tiyan.

Agad naman siyang binuhat ni Andrey nang makitang may tumatagas nang dugo sa may binti nito. Hanggang sa mawalan ito ng malay.

Ipinasok agad siya sa emergency room upang masuri. Maya-maya pa ay lumabas na ang doktor.

"Doc, how is she??how's the baby?"tanong ni Andrey.

Nasa isang gilid lang si James.

"I'm sorry Mr.Lopez,..wala na ang baby"malungkot nitong balita.

Nanlambot ito sa narinig. Gayon din si James.

"Please doc, baka kaya pa i-save ,..!"pakiusap niya sa doktor.

Umiling na lang ito.

Nakalipat na ng private room si Abby. Wala pa din itong malay. Maya-maya ay dumating na si Charice.Nalungkot ito sa nabalitaan. Nagpaalam naman si James na aalis na muna. Si Andrey pa din ang asawa. Kaya't wala siyang karapatan na makisali pa doon.





You're still the one (COMPLETED)Where stories live. Discover now