Part 34

1K 19 1
                                    

"Bata pa kasi siya, and baka mamaya tulad din siya ni Andrey?!"

"Pwede ba? stop comparing to Andrey magakaibang tao sila..."

Natahimik na lang si Abby. Sinabi niya sa kanyang sarili na hindi na ulit sya mabibigo. Titiisin na lang niya ang presensya ni James habang inaasikaso ang kasal nito.

Napansin din niya na wala ng nagdedeliver ng coffee sa kanya tuwing umaga. Malamang ay napagod na din ito sa kanya.

"Nakakapagod ba akong mahalin?? bakit parang wala man lang isang tao na kaya akong panindigan...hmmp!!"

Makailang araw ay nagbyahe na muli sila patungo sa Camsur.

Sinalubong naman sila ng matandang kliyente.

"Hija...how was your trip?!" tanong agad nito sa kanya.

"Okay lang naman po...medyo nakakapagod lang,"

"Ok, mabuti pa mag pahinga na muna kayo para mamaya sa dinner"

"Sige po salamat..."

Doon ulit sa dati niyang kwarto nagpahinga si Abby. Wala iyong pinagbago maliban sa mga bagong lagay na rosas sa paligid.
Naalala pa niya ang unang araw na dumating siya dito. At ang unang tagpo ng pagkikita nila ni James.

Gusto niyang matawa sa sarili dahil akalain ba naman niya sa edad niya ang kiligin habang nagbabalik-tanaw. Madami pa sana siyang gustong alalahanin nang kumatok si Charice sa kanyang kwarto.

"Oh, bez..okay kana ba?, magsisimula na ang dinner.."

"oo nga pala!wait lang hindi pa ako nakakapagpalit"

Dali-dali siyang nagbihis at sumama pababa sa kaibigan. Inabutan nilang nagsisimula na ang dinner.

Masayang nagkukwento si Mrs.Dela Vega habang kumakain. Kanina pa sya palinga-linga ngunit di niya pa nakikita si James.
Napansin naman ito ng matanda.

"James, is not yet here...sinundo pa kasi niya si Joan."

Ewan ba niya pero parang alam nito na 'yon ang gusto niyang malaman. Nagkatinginan naman silang magkaibigan. Sa isip niya ay mabuti nga nang di niya ito masyadong makita.

Pinilit muna niyang iwaglit ang isip sa lalaki. Sa halip ay nakipagkwentuhan pa sya sa matanda.

"Hija..balita ko..medyo nagdaan ka sa isang marital problem?are you okay now?!"

"Ahh..yeah I'm okay now...actually our annulment is granted and I am free now, free from pain!"

"Pero bakit parang hindi ka pa din masaya??"

"huh??"

"I can see through your eyes..I am old enough to know a person's feeling..by looking in their eyes!"

Bigla ay binawi niya ang tingin dito. Natawa naman ang matandang ginang. Nagtawanan na din ang iba pa nilang kasalo.
Masaya ang buong gabi niya. Presko at komportable din ang kaniyang pagtulog.

You're still the one (COMPLETED)Where stories live. Discover now