Part 28

971 24 1
                                    

Masakit kay Abby ang nangyari. Ilang araw din itong hindi makakain sa sobrang lungkot. Matagal niya itong pinangarap pero sa isang iglap ay mawawala ito.

Laging nakaalalay sakanya si Andrey hindi siya iniwan nito hanggang makalabas ng ospital. Gusto niya itong sisihin sa nangyari pero alam naman niyang hindi nito ginusto ang pangyayari.

"I'm sorry,..."

"Wala na tayong magagawa...we just have to finish what we have started."

"Hindi mo na ba ako talaga kayang patawarin.."

"Pinatawad na kita,..dahil hindi mo din naman ginusto na maipit sa sitwasyon, palayain na natin ang isa't isa...palakihin mong mabuting bata si Andrea at ang magiging baby nyo ni Shiela"

Ngumiti ito ng pilit.

"I'll do that!,wag mo pababayaan ang sarili mo?!,"

Tumango siya at yumakap sa huling pagkakataon. Hindi niya akalaing ganito ang ending ng love story nila. Dinama niya ang yakap nito. At tama nga siya wala na ang bigat sakanyang nararamdaman.

Ilang buwan pa ang lumipas nang maapprove ang annulment case nila. Hinati ang conjugal properties at nagpaalam ng maayos sa isa't isa.

"Pano ba yan?.Mr. Lopez? Thank you ang goodbye..."

Tumawa ito.

"Yes Ms. Arellano..."

Nagkatawanan sila.

"Masyado naman tayong pormal,Andrey and Abby nalang"

Sumang-ayon naman ang kausap.
Para rin maliwanag ang lahat ay kinausap din nila ang kanyang ninong. Humingi din ito ng tawad sa kanila. Naging maginhawa din ang pakiramdam ni Abby.

Magiging busy na naman sila dahil ang kasal naman ng kanyang kaibigan ang kanilang paghahandaan. Limang buwan pa lang ang relasyon nito sa bagong boyfriend pero gusto na agad magpakasal.

Binigyan nya ng paalala ang kaibigan. Ayaw niyang matulad ito sakanya. Nangako naman siya na susuportahan pa dn kahit ano mangyari.

Beach wedding ang gustong tema ni Charice. Mahilig kasi ang kanyang boyfriend mag surf. Maganda ang lokasyon na napili nila. Doon ay makakapagbakasyon din siya.

Samantalang sa kabilang banda naman....

"You look very irritated, whats the problem??"tanong ni Mrs. Dela Vega.

"Wala naman po lola, may namimiss lang"sagot naman ni James.

"Then, bakit di mo bisitahin if na mimiss mo??"

"Ang tanong, kung na mimiss din ba niya ako??"

"James..apo..walang hindi makakamiss sayo,..maniwala ka na mimiss ka din kung sino man yon!"

"Lola,.."

"Why don't you try?If hindi ka naman na miss okay lang yon..i-arrange nalang kita ng wedding kay Joan, I think she likes you..."

"Okay,. okay..."

Nagpaalam siya sa lola na mag stay muna siya sa Manila para sa babaing gusto niya. At wala namang tutol dito ang lola niya. Ito pa nga ang nagmamadaling makapag asawa siya.

You're still the one (COMPLETED)Where stories live. Discover now