Maaga akong nagising para mag handa ng breakfast namin ni Jane.
Pancakes,eggs,tocino,rice and hot chocolate lang kami sa breakfast.
I am not like other teenagers out there na hindi kumakain ng rice and kahit na performer ako hindi rin ako strict sa diet ko. Okay lang naman kasi umaga pa. At importante yung kumain tayo sa morning before going to school or sa work."Good morning Skyleigh Akina Nyah Corpuz" pa kanta na sabi ni Jane sa hagdan pa lang. Actually it's not sabi kasi ang lakas ng boses netong babaeng ito.
"Good morning din Elise Jane Fuego,breakfast is served" natatawang sabi ko sa kanya.
"Wow! Hindi naman halata na excited ka pumasok ano." may pagka amaze na sabi niya
"Lage na man akong ganito ah kahit walang pasok eh"
Sabay kaming umupo ni Jane nasa harap ko siya.
"Diba mamaya pang 10:30 am ang first class mo? Eh 8 am pa lang eh" sabi niya sabay kuha ng pancake at tocino.
"Ayy Jane naka limutan ko ang maple syrup andun sa ref pwede ikaw na kumuha?"
"Oh sure"
"Ayaw ko kasing ma late today kaya mas mabuti na ang mas maaga diba? Ikaw ano ang plans mo for today?"
Wala kasi siyang class for today,bukas pa kaya chill na chill lang siya.
"I will check my schedule later baka kasi may students ako all of a sudden.Alam mo naman ang work ko diba. Out of nowhere yung ibang students.At kung in case na wala akong students for today magpapasama lang ako kay Brylle na bumili ng gagamitin ko para sa klase ko.Ikaw naka bili kana ba?"
"Actually hindi pa,plano ko bumili mamaya pagkatapos ng class ko" actually 10:30 hanggang 3:30 ang class ko today at walang break yun kaya kailangan ko rin kumain.
"Gusto mo sabay ka na lang sa amin ni Brylle bumili?"
"NO WAY! Ayoko maging third wheel no" sabay make face ko
"Tsss arte neto para namang iba siya sa amin" sabay bato niya ng tissue sakin
"Eh sa trip ko eh. Tapos kana kumain?" nag nod lang siya.
"Leigh ako bahala dito mag ready kana." wow bait ah
"Sige,thank you Jane"
"Thank you din sa masarap na breakfast Leigh"
Tumawa lang ako then umakyat na sa kwarto ko. Binuksan ko agad ang cabinet at naghanap kung ano ang isusuot ko.
"Hmmmm dress? Jeans?" naguguluhan ako kung ano ang susuotin ko? Humarap na lang ako sa salamin. Siguro eto nalang yellow dress na may kwelyo na white then siguro 1 inch na white sandal ang pair ko dito.
Sinuot ko na ang dress at nag ayos ng kunti sa salamin. Pulbo,kilay at tint lang okay na ako. Kinuha ko na ang bag ko at sinuot ang sandal ko.
"Hmmm okay na." sabi ko na tiningnan ang reflection ko sa salamin.Pagbaba ko tapos na si Jane na hugasan at linisin ang mesa,nanonood na rin siya ng TV. and guess what? Fairytail po ang pinapanood niya.
"Jane aalis na ako" tiningnan niya ako biglang tumayo
"Wow Leigh super pretty ha" at pina ikot niya pa ako. Natawa nalng ako sa sinabi niya.
"Hmmp napaka unfair mo talaga.Kahit ano suotin mo bagay talaga sa iyo." naka pout na sabi niya.
"Psh nambola pa.Oh sige siya una na ako ha. Ayaw ko talaga ma late eh."
"Gamitin mo nalang ang sasakyan Leigh,wala pa kasi yung sayo. Ako na ang kukuha nun"
"Talaga? Thank you Jane ah and please take good care of my Cloud"
hindi ko na narinig ang response ni Jane kasi umalis na ako. If you are wondering who's Cloud,yun po ang name ng sasakyan ko. At ito namang sasakyan ni Jane ang name ay Thunder haha. Weird right? Pero yun talaga trip namin eh.
Hindi ko namalayan nandito na pala ako sa university namin. Wala pa masyadong tao kaya madali akong naka park. Pumunta muna ako sa university ground namin kasi isa yun sa pinaka gusto kong place dito. Na e-enjoy ko na ang view ng may marinig akong mga babae na nag tatawanan.
"OMG girl mas gumanda ka this school year" sabi nung girl na naka red dress na super ikli.
"At kailan naman ako pumangit ha Nica? " sagot nung naka purple na dress na super fit.Well ang ganda niya naman talaga eh.
"Hay naku Nica hindi ka talaga nag bago super tangers mo parin sabi nung girl na naka jeans at naka crop top.
Pansin ko lang ano,bakit napak sexy ata nila? Eh nandito lang namin kami sa school. Diba bawal yun? Ahhhh kilala ko na kung sinong tong tatlo. Walang iba kundi ang mga bratinela ng school namin. Yung naka red dress ay si Nica,yung naka jeans at naka crop top naman ay si Vickie at yung magandang babae na naka purple na fit na dress ay ang queen bee ng university namin na si Margaux. Hindi ko nalang sila pinansin baka kasi akalain nila na interesado ako sa kanila. Tumahimik na ang ground kaya feel ko wala na sila. Tatayo na sana ako ng maramdaman ko na may tao salikuran ko.
"Hmm who are you?" tanong ni Margaux sa akin
Deymn akala ko umalis na sila nandito lang pala silang tatlo sa likuran ko. And bakit naman sila nandito?
"Bingi ka ba? Tinatanong ka ni Queen Margaux oh" naiiritang sabi ni Vickie sa akin.
"Hmm sorry mejo nagulat lang ako. Skyleigh Akina Nyah Corpuz" sabi ko na naka ngiti ng slight. Ayaw ko naman kasi ng may kaaway sa school kaya I smiled.
"Eh?Ano daw?" tanong ni Nica na naka harap kina Margaux at Vickie
"Hmm you can call me Leigh" baka kasi mahirapan pa sila
"Are you new here?" tanong ni Nica
"Ahh hindi" hindi lang talaga ako masyadong nag gagala dito sa school.
"K. Whatever. Let's go girls" sabi ni Margaux na may pa flip ng hair bago sila umalis.
Weh? Meganon? Maka punta na nga lang ng room ko.
Sa 6th floor pa kasi ang ang first class ko,2nd floor and second,4th floor ang third,2nd floor ang fourth class and 6th floor ulit ang last class ko. Kaya hindi ako nag di-diet dahil dito lang sa school may exercise na ako.
Nasa 6th floor na ako at nakapasok na ako sa room namin. You know what kung ano ang isa sa pinaka ayaw ko sa ibang college classmates ko? Yung pagka social climber nila,nag uusap lang naman sila na galing daw sila sa Hongkong,Paris,Malaysia blah blah blah. Kailangan ba talaga eh shout out yan? Pa sosyalan lang talaga tong mga ito haay. Nasa university na nga ako.
BINABASA MO ANG
She
FanfictionNa experience niyo na bang maloko? Eh yung mapaglaruan? Yung pag tawanan? Pagtulungan? Pinahiya? Lahat yan na experience ko na. Saklap lang dahil di ako lumaban. Punong puno ng galit ang puso at isipan ko. Forgive and forget? Or forget then forgive...