CHAPTER 33
Umangal man ako, hindi ko na napigilan si Bryan na nagpumilit na maghatid sa akin sa bahay.
Wala pang tao sa amin nang makauwi kami ng 5:30.
"Umalis pala mga utol mo?" tanong ni Bryan nang makapasok kami sa bahay.
"Baka nagbonding sila ni Ate, sandali, i-message ko."
'Kuya, d2 kme bahay, san kayo?'
'Trinoma.' reply ni kuya 'Gusto Ate mo nood cine last full show. Order kyo take out or cook something. Be back b4 1 am.' bigla akong kinabahan.
Humigpit naman ang yakap ng loko sa likod ko.
"Uy, last full show daw, o?"
Kahit 'di ko kita, alam kong malaki at masama ang ngisi sa mukha niya.
"Uy! Paalam mo sa inyo sandali ka lang!" lumingon ako sa kanya at nakitang bitbit niya ang kanyang cell.
"Ayan, nagpaalam na akong mag o-overnight sa inyo."
Ngumisi siya sa akin.
"H-ha?!"
"Anong orderin natin take-out?" nakangisi pa rin siya.
"A-ano..."
"Gusto mo basketball muna tayo sa garahe n'yo?"
"A-ano..."
Bigla syang lumapit sa akin, at napapikit ako, iniisip na may gagawin s'ya sa akin, nang bigla n'yang halikan ang noo ko.
Muli akong napadilat.
"Pahiram na muna ng t-shirt, at shorts, itataas ko lang tong bag sa kuwarto mo."
Napatunganga ako kay Bryan na umaakyat na ng hagdan.
"Ah, sandali!" hinabol ko siya, balak sanang unahan siya, pero binuksan na niya ang pinto sa kuwarto ko at natigilan sa kanyang nakita.
"Akala ko ba, sabi mo tinapon mo yung sketch mo?" tanong niya sa akin.
Nakapatong kasi sa easle at nakatagilid sa may dulo ng kuwarto ko ang half portrait niyang kasalukuyan kong tinatapos. Nasa may bintana ko ito kung saan ako mahilig mag-paint.
Nilapitan iyon ni Bryan. Natameme naman ako, red handed sa aking pagsisinungaling.
"Ang ganda, Daryl!" sabi niya, "Ang galing mo talaga! Buhay na guhay ang kulay niya... pati ang mga mata ko..." lumingon siya sa akin, with the exact same look in his eyes. Full of longing. Full of passion.
"S-sorry... for lying..."
Lumapit siya sa akin at inangat ang aking mukha.
"Plano ko sana magtimpi para mamaya... pero..."
Bigla n'ya akong binuhat! "Ah! A-anong gagawin mo?!" kinakabahan kong tanong .
Dinala n'ya ako sa aking kama at hinagis ako doon!
"B-Bryan!"
Nagtanggal siya ng pantaas at inalis na rin ang kanyang sinturon. "Pigilan mo na lang ako kung talagang ayaw mo." sabi niya, bago niya tuluyang inalis ang kanyang pambaba!
"S-sandali... B-Bryan!" ang sinturon ko naman ang inalis niya, at sa pagbukas niya ng zipper ko ay agad itong hinatak pababa, kasama ang aking boxers!
"Ayaw mo?" tanong n'ya sa akin. Hinihingal siya, at ang kanyang mga mata...
Umiling ako.
"Anong iling yan? No na ayaw mo, o No na ayaw mo akong tumigil?"
Muli akong umiling, and this time, inangat ko ang mga braso ko.
BINABASA MO ANG
You Give Me Ulcer! (teaser)
RomanceGusto na ni Daryl magbagong buhay. Kilala siya buong highschool bilang ang 'Dambuhalang Biik,' pero matapos magka-girlfriend ang bestfriend n'ya na secret crush din niya for six years, ay inakala niyang matatapos na ang kanyang mundo. Nawalan siya...
