Chapter 6

1.2K 56 4
                                    

Chapter 6

Hindi ko na kinausap si Bryan after that. Pumunta kami sa sumunod na klase na puro tango lang at iling ang sinasagot ko sa kanya. Nang matapos ang klase, nag text na ako kay kuya para magpasundo.

"Uy, kunin ko nga pala ang number mo!" biglang sabi sa akin ni Bryan na naglabas din ng cellphone. "May FB ka ba at IG? Invite mo naman ako."

"IG?" tanong ko

"Insta-Graph, pwede ka mag-post doon ng mga pics at artworks mo." sabi n'ya sa akin.

"FB lang..."

"Okay, anong username mo, add kita?"

Wala na nga akong nagawa kung 'di ibigay sa kanya ang account at cell number ko.

"Ano, alis na tayo?" aya n'ya sa akin, sabay kapit sa aking kamay!

Kumalabog ang dibdib ko!

"M-m-may... s-sundo ako!" pautal-utal kong sinabi habang hatak n'ya ko sa kamay.

"Ah, saan ka maghihintay?"

"D-dito lang..."

"Sige, samahan na muna kita."

Umupo s'ya sa bench na malapit sa amin, at tinapik ang tabi niya. Tinitigan ko siya. Nakangiti lang siya sa akin. Nagbuntong hininga ako at umupo sa kabilang dulo ng bench.

"Ano pa'ng forte mo sa art?" tanong n'ya habang umuurong palapit sa akin.

"P-painting..." sagot ko.

Natawa siya. "Alam ko, pero ano ang style mo? Ako caricatures ang forte ko, mahilig din ako sa art nouveau, balak ko maging 3d artist pagdating ng araw. Ikaw?

"Realism... gusto ko yung mga renaissance art."

"Oo, ang ganda nga ng mga drawing mo eh..." may kinuha s'ya sa kanyang bag. "Gusto mong makita ang akin?" inabot niya sa akin ang isang makapad na sketch pad.

Nakakatuwa ang mga drawing dito! Kitang-kita sa mukha ng mga characters niya ang kanilang nararamdaman. May masaya, malungkot, galit, naiinggit, natatae. Natawa ako sa isang picture ng sikat na politiko na may buntot ng tuta at nililinis ang back-side ng isang baboy na may bituin sa pigi.

"Ayos 'to ha?" tumingala ako sa kanya at nakita siyang nakatitig sa akin. Ang ganda ng ngiti sa mga labi niya.

Umiwas ako ng tingin, inilipat ang pahina, pero ramdam ko pa rin ang titig niya. Hanggang sa maabot ko ang dulo.

Pero hindi ko masyadong nakita ang gawa n'ya. Hindi pa rin kasi naaalis ang tingin n'ya sa akin, at feeling ko, nalulusaw na ko na parang ice-cream sa init ng kanyang titig.

"Bakit ba ang tagal ni kuya Brent?!" sabi ko sa sarili.

"Daryl..."

Sa wakas nag-vibrate din ang phone ko!

"Ah, si kuya!" kinuha ko ang cell ko. "Hello? Okay, palabas na ko agad! Bye!"

"Uuwi ka na?"

"Oo, sige, bukas na lang ha! Bye!"

"Sandali!" hinawakan uli ako ni Bryan sa kamay, at pakiramdam ko ay hihimatayin na ko sa nerbiyos!

"Sabay na tayong lumabas." sabi niya.

"A-ang kamay ko..."

"Hm?" ngumiti s'ya sa akin. Binitawan n'ya ang kamay ko, tapos ay umakbay naman sa balikat ko at hinatak ako palapit! "Lika, baka naghihintay na kuya mo."

Syet! Ano ba ito? Kung kailan ko pilit pinipigilan ang sarili ko, s'ya naman itong lapit ng lapit!

"Daryl!" kinawayan ako ni kuya na nakasandal sa kotse. "O, sino naman to?"

You Give Me Ulcer! (teaser)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon