Chapter 9

726 54 32
                                    





"L-Leander?" Nauutal kong banggit sa pangalan niya.

Naglakad siya papalapit sa akin. Sa bawat hakbang niya ay ang pagbuhol din ng utak ko. Una, nawala 'yung lagnat niya kahit na sobrang taas no'n, tapos 'eto pangalawa. Dumagdag na naman sa iisipin ko.


"Okay ka lang? Bakit parang nakakita ka ng multo?"


Dumiretso ako sa kusina, gusto kong uminom ng tubig baka sakaling mapawi 'tong katuyuan ng utak ko. Sumunod naman siya sa akin.

"Boi?" Dinig kong tawag niya pero hindi ko siya nilingon. Binuksan ko ang ref at kinuha ang water bottle at nilagyan ang basong walang laman.

"Ba't 'di ka namamansin?" Malungkot niyang tanong. Hindi ako agad nakasagot dahil umiinom ako ng tubig. Pagkalapag ko ng baso sa mesa ay diretso ko siyang tiningnan sa mga mata. Magkaharapan kami at pinapagitnaan ng mesa. Tinaas niya ang magkabilang kilay senyales na tinatanong niya ako kung anong problema ko.

"Bakit ikaw pa rin 'yung nasa katawan na 'yan?" Tanong ko.

His eyebrows furrowed. Gumusot ang kaniyang mukha. Ang kaniyang magandang mukha.

"Bakit? Hindi pa ba tatlong araw ang nakakalipas? Hindi ka pa ba galing sa bodymates ko?"

Hindi ko pa rin maiwasang matawa sa tuwing 'yon ang tawag niya kanila Adrian at Zedd. Saglit na kurba lang ang iginuhit ng aking mga labi para ipakita ang reaksiyon ko sa nakakatawang sinabi niyang 'yon. Umiling ako.

"Kahapon magkasama tayo, tapos ngayon ikaw ulit," I stated.

Umayos ang kaniyang mukha. Base sa kaniyang mga mata, napapaisip din siya, at saka mabagal na tumango. Binalik niya sa akin ang tingin. "Siguro dahil hindi ako natulog?"

"Hindi ka natulog?!"

Tumango siya. "Nanood lang ako."

"As in kahit idlip man lang?"

"Hindi nga, paulit ulit ka na naman e!" aniya at nagkamot ng ulo.

My mouth hung open as realizations struck me. Nagpapalit-palit lang sila kapag nagigising? Tapos pwede siyang mag-stay sa katawan na 'yan kahit isang linggo pa hangga't hindi siya natutulog? Gano'n ba?


"Hali ka nga rito," hinila ko siya papunta sa kwarto. Nagpupumiglas ito ngunit hindi ko binibigyang pansin. Tinulak ko siya pahiga sa kama at ganoon na lang ang kaniyang reaksyon.

"Boi anong gagawin mo sa 'kin?!" Aniya na parang batang takot na takot.

"Matulog ka!"

"Ayoko matulog! Hindi naman ako inaantok e!" Sinubukan niyang bumangon ngunit tinutulak ko siya pabalik sa kama.

"Kailangan mong matulog! Pag-eeksperimentuhan ko nga kung paano kayo nagpapalit-palitan!"

Nagmatigas siya. Hay naku, pasalamat siya wala akong dalang sleeping pills! Tinulak ko siya nang malakas dahilan para mahiga siya sa kama. Tumatawa ito habang nakatingala sa akin, nakatayo ako sa harapan niya.

Why Did You Choose MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon