Chapter 7

664 61 14
                                    





It's Friday. Today is Adrian's day—I mean schedule. Sa 'di maipaliwanag na dahilan ay kinilig ako. Maybe because I'm starting to like him? Bakit naman hindi? It's Adrian Paredes! 

Dahil nga alam kong si Adrian ang nasa katawan na 'yon, dumiretso na ako sa loob tutal nakabukas lang din naman ang gate at main door.

Pagkabukas ko ng pinto ay sinalubong niya agad ako nang may malawak na ngiti. "Akala ko 'di ka na pupunta, tanghali na e," aniya at mabilis akong hinalikan sa pisngi. Nag-init ang mukha ko sa ginawa niyang 'yon.

"Umattend pa kasi ako ng meeting do'n sa school ng kapatid ko. Miss mo naman ako agad?" Pang-aasar ko.

"Oo,syempre umuwi ka agad kahapon e."


Kahapon? So kahapon lang sa kaniya 'yung lumipas na dalawang araw? Sa mga sandaling 'to kaya nasaan sina Leander at Zedd?


"Baby?" Natauhan ako sa tawag niya.

Pareho kaming nakatigil sa sala. Siya'y napapaisip sa biglaang pagtahimik ko habang ako'y tulala lang kakaisip ng mga katanungan.

"Ha?" Nag-angat ako ng tingin sa kaniya.

"Bakit parang ang lalim naman yata ng iniisip mo?" Tanong niya at tumungga ng isang basong tubig.

"W-Wala, ano lang...may naalala lang ako," pagdadahilan ko. Humakbang ako bilang pahiwatig na magpatuloy na kami. Dinala kami ng mga paa namin sa kwarto. Heto na naman sa Netflix and chill na 'yan.

Umupo ako sa kama. Siya naman ay nagtungo sa cabinet para may kunin doon. Hinubad niya ang kanyang damit at kumuha ng pamalit. I looked away. Kahit naman nasa making out stage na kami ay may hiya pa rin ako, 'no!

Pinagmasdan ko ang pinto ng C.R na para bang 'yon ang pinakamagandang bagay na nakita ko ngayong araw.

"I'm wondering, anong ginagawa mo bilang personal nurse ko? Hindi ba nagtatanong si Uncle kung ano nang lagay ko? Hindi mo rin ba sinabi sa kaniyang wala akong sakit?"

Nakikita ko sa gilid ng mga mata ko na nakapagpalit na siya kaya ibinalik ko na sa kaniya ang tingin. "I didn't tell him anything yet."

"Bakit?" Tanong niya habang naglalakad papalapit sa akin.

"Gusto kitang kasama e?"

Hindi ko alam kung parte lang ba ng plano 'tong panlalandi ko sa kaniya o totohanan na. Hindi ko naman itatangging nagugustuhan ko na ang pagkatao nitong si Adrian. Nadadala niya nang maayos ang katawan niya. Bagay na bagay sa physical appearance ng lalaking ito ang character ni Adrian. 

Sumagi sa isipan ko ang plano namin ni Leander. Kailangan ko nga pala siyang video-han.

"Bakit hindi ka na lang dito tumira?" Tanong niya sa nang-aakit na tono sabay marahang inilapat ang daliri niya sa 'king labi. Huminga ako nang malalim nang magdulot iyon ng kakaibang sensasyon sa akin.

"Hindi ko pwedeng iwan ang kapatid ko," I firmly stated.

"Dalawa lang ba kayo?"

Why Did You Choose MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon