Chapter 4

778 58 9
                                    





Kinalkal ko ang envelope na binigay sa akin ni Doc Alvarez na naglalaman daw ng mga information tungkol kay Adrian. Teka hindi ko alam kung anong itatawag ko sa kaniya, kung Adrian ba or Leander? Paredes na nga lang!


Ang tanging information na nakalagay rito patungkol kay Paredes ay ang address niya lang. Bakit naman ganito si Doc? Mag-iiwan na nga lang ng assignment, kulang-kulang pa sa instructions at details



Binuksan ko ang laptop at nagpunta sa google. Hindi ako sure kung tama ba 'tong binabalak ko pero wala naman sigurong masama kung susubukan ko.


Multiple personalities

'Yan ang una kong sinearch. Magdamag ko kasing inisip ang kakaibang mga inaasta ni Mr. Paredes. Ang rare ng case pero baka kasi literal na may sakit talaga siya sa pag-iisip.


Dissociative Identity Disorder, formerly referred to as multiple personality disorder, is characterized by a person's identity fragmenting into two or more distinct personality states. People with this condition are often victims of severe abuse.


Napaisip ako sa nabasa. Parang gano'n si Paredes! Minsan si Adrian siya, 'yung una kong nakilala na naka-make out ko. Tapos minsan naman si Leander siya, 'yung mahilig sa Spongebob at patatas. Tapos 'yung isa pa, hindi ko alam ang pangalan niya pero siya 'yung misteryosong lalaki na sinigaw-sigawan ako.


So far, 'yon pa lang ang nakikilala ko. Marami pa kaya siyang ibang personalities? Tiningnan ko muli ang laptop at nagbasa ng ibang information.


Dissociative identity disorder (DID) is a rare condition in which two or more distinct identities, or personality states, are present in—and alternately take control of—an individual. Some people describe this as an experience of possession. The person also experiences memory loss that is too extensive to be explained by ordinary forgetfulness.


Teka, teka, memory loss? Binalikan ko ang unang statement. People with this condition are often victims of severe abuse. Ibig sabihin ba no'n ay baka naaksidente siya dati or may napagdaanan siyang nag-traumatize sa kaniya kaya siya nagkakagano'n ngayon?


Kung gano'n, dapat palang pamilya niya ang kausapin ko? Pero sabi ni Leander ay wala siyang pamilya. Hindi kaya naaksidente tapos namatay at may kinalaman 'yon sa kung bakit siya nagka-trauma? Napabuntong-hininga ako.


Wala akong mahahanap na sagot kung manghuhula lang ako magdamag. E 'di si Doc pala talaga ang dapat kong makausap? Siya lang kasi ang nag-iisang taong may koneksyon kay Paredes e. Kaso nga lang ay hindi siya ma-contact at wala pang balita kung kailan siya uuwi. Kung aantayin ko pa siya, uugatin na 'tong assignment ko.


"Anong gagawin ko?" naiinis kong tanong sa kawalan.


E, kung si Paredes kaya mismo ang tanungin ko? Maganda sana kung si Adrian para madaling kausap. Wait, si Adrian 'yung nadatnan ko kanina roon. Ibig sabihin kaya no'n ay si Adrian ang naka-schedule sa araw na 'to? Wow may pag-schedule na nalalaman.


The very first day, si Adrian ang pakilala niya sa akin. Parang normal na lalaki lang siya na magaling mang-romansa at natural na nakakakilig.


Then the next day, sabi niya naman ay Leander ang pangalan niya. Isang lalaking may kakaibang trip kumpara sa normal na si Adrian. Sa edad niya ay nanonood pa rin siya ng Spongebob na parang isang batang tuwang-tuwa habang may hawak na isang pinggang fries.


Why Did You Choose MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon