- Part oneSeryosong nakikinig ang lahat ng estudyante sa discussion ng kanilang communications professor at kasama na doon si Dowoon na pilit nilalabanan ang antok. Gustuhin man niyang umabsent sa araw na ito ay hindi niya magagawa dahil na rin sa mga sunod sunod na exams niya this week. Pilit man niyang magseryoso sa klaseng 'to ngunit wala talagang pumapasok sa utak niya, blangko dahil iisang salita lang ang nasa utak niya. Tulog.
"Mr. Yoon, are you listening?" Sigaw ng professor niya na masama ang tingin sakanya. Agad naman siyang tumayo kaya natawa yung mga kaklase niya.
Oo, wala siyang alam sa nangyayare.
"Can you repeat the question ma'am?" Nagseseryosong sabi ni Dowoon. Konti nalang talaga at matutumba na ito dahil sa antok, pinipilit nalang talaga niya eh.
"My question is, what am I discussing right now?" At nakacross arm pa ang professor niya, sigurado siyang hindi masasagot ng maayos ni Dowoon ng maayos ang sagot niya.
At mukhang tama nga siya, tsk.
"About asking me a question ma'am." Ayun nga, nagtawanan ang buong klase dahil sa sagot niya. Totoo naman na hindi niya alam anong kinekwento ng prof niya kanina kaya sinasabi lang niya ang naririnig niya ngayon.
Halos umusok ang ulo ng prof niya dahil sa sagot ni Dowoon at sa ingay ng klase. Dahil sa init ng ulo ay handa na niyang itapon ang libro na hawak hawak niya, pero natigilan nanaman siya.
*Tok*tok*tok*
"What.do.you.want?!" Sigaw ng professor sa kung sino man ang kumatok sa pintuan. Natigilan naman ang lahat sa pagtatawa dahil sa sigaw niya, samantalang palihim na napangiti si Dowoon dahil alam naman niya kung sino ang kumakatok.
'ganda talaga ng timing nila, tsk.' sabi ng isip niya.
"Can we excuse Mr. Yoon Dowoon from your class? May ididiscuss lang po kame sakanya." Litanya ng kaibigan niyang si Brian at nakangiti pa talaga siya, kaya ayan nagtilian ang mga babaeng kaklase ni Dowoon.
"NO. Buti nga at nakikinig siya sa mga discussion niyo, pwede ba at pakisabihan niyo yang kaibigan niyo na----"
"Gusto ko rin po ipa-excuse ni Dean. May conference meeting daw po kayo in 30 minutes." Litanya naman ni Sungjin, na kahit nagbibiro ay paniniwalaan mo parin. Ayon, napangiti agad ang prof. Nag gagalit galitan siya pero kinikilig yung mukha niya kaya mas natawa si Dowoon sa isip niya.
Huminga ng malalim ang prof at kinuha ang mga gamit niya. Nakatingin lang siya ng masama kay Dowoon pero agad agad din siyang umalis, senyas iyon na tapos na ang klase. At gaya ng mga ordinaryong estudyante, nag hiyawan sila hanggang sa makalabas ng room. Nagbubunyagi dahil natapos ng maaga ang klase.
Si Dowoon naman ay bumagsak sa kanyang kinatatayuan at agad na umupo, gusto na talaga niyang matulog at nagpapasalamat talaga siya sa mga gung gong niyang barkada na nililigtas siya sa kapahamakan.
"Matapos ka namin iligtas sa terror mo na prof. tutulugan mo kame? Oy gising may gig mamayang alas siyete!" Litanya ni Jae na niyuyugyog ang desk na tinutulugan ni Dowoon, ginugulo naman ni Wonpil ang buhok niya at kumakanta ng lullaby si Brian.
BINABASA MO ANG
The Book of Us: Gravity
FanfictionDay6 "The book of us: Gravity" fanfiction story ®️Nobodystranger, 2020