chapter 13

676 11 4
                                    

Nicolo pov..

Dahil hindi tuloy ang lakad namin ako na lang magisa ang magpupunta sa tambayan may isa kotse ang humaharurot sa gilid ko kaya nilingon ko.sinundan ko at nun bigla nagpreno

"Booooogssssh"

Nakabangga nga yung kaskasero., yung sakay ng kotse na binangga ay lumabas at galit na sumugod at kinalampag yung bintana at maya maya lang din yung iniluwa ng kotse si klea??

Ibig sabihin yung mabilis magpatakbo ay si klea pala grabe parang hinahabol sya ni kamatayan sa ginagawa nya nakita ko ng maglabas ng wallet si klea at tatangkain magbigay dun na ko lumabas.

Hinawakan ko ang kamay nya para mapigilan sya kaya laking gulat nya..

"Aba't sino ka namang pakialamero ka??"sigaw nung manong sakin

"Wag mo ng bayaran"

"A-anong sinabi mo pakiulit nga"

"Wag mo ng bayaran"

"Inulit ko  tibay haha..

"Ha....naghahanap ka ba ng away gusto mo burahinn ko yung mukha mo"galit na pagkasabi ni manong

"Eh di gawin mo"

Pinapatunog ko na ang buto ko handa na kong manapak pero bigla ko hinawakan ni klea at sinenyasan na tama na.kaya kumalma ko at imbes na patulan ay naglabas na lang ako ng 20,000 para sa damage bubulong bulong pa yung manong pero sumakay na agad sa kotse nya.

Bigla kong niyakap si klea hindi naman sya nagprotesta sa halip sinilip ko yung itsura nya at napangiti ako ng nakapikit sya tila ninanamnam ang bisig ko sobrang saya ng puso ko at gusto nya na yakapin ko sya..

*dugdugdugdugdug*

Binitawan ko sya at muling tinignan.

"Wag mo na ulit gagawin yun ah ayoko mapahamak ka" tumango lang sya bilang tugon at dinampian ko ng halik yung nuo nya at muli ko ulit sya niyakap..kahit nasa gitna kami ng kalsada ay wala kong pakialam.

Kanina pa kami naghiwalay ni klea pero di maalis yung ngiti ko sa labi napansin ni mrs.orge na masaya ko kaya tinukso nya ko..

"Mukhang masaya yung binata namin ah..anong nangyari sayo bakit mukhang mapupunit na yang labi mo kakangiti"pang usyoso nya

"Kasi mrs.orge yung gusto kong babae sa tingin ko ay may gusto din sakin"

"Talaga??dapat dalhin muna dito ng makilatis"

"Wag kang magalala manang sayo ko sya unang ipapakilala sa ngayon liligawan ko palang"

"So ibig sabihin mo ba jan iho na di mo pa sya girlfriend??"umiling ako..

"Hindi pa manang pero feeling ko malapit na"

"Nga pala pinapasabi ng daddy mo na pag dumating ka ay dumeretso ka sa office nya sa taas"

"Ho ??? Bakit ho??"

"May mahalaga daw syang sasabihin sayo"

Nung pagkasabi ni manang yun dumeretso ako sa kwarto ko at nagpalit ng damit at pumunta na sa office ni daddy kumatok muna ko bago ko binuksan ang pinto..

*tok tok tok*

"Nimen hao baba"

Translator:hi daddy

"Come in"

"Zhè shì shènmè daddy"

Translator:what is this

"Bukas may pupuntahan tayong party bale masquerade mask party"

"Ano naman pong gagawin ko dun??"

"May ipapakilala ko sayo anak sya ng kaibigan ko"

"Ayoko po may nagugustuhan na kong babae"

"Talaga??son ...were is she?? I mean taga saan?? Mayaman ba yung pamilya nya--"

Pinutol ko na yung sinasabi nya dahil marami syang tanong..

"Actually dad kaschool mate ko sya i don't know if galing sya sa mayamang pamilya as far as i know hindi naman nakakapagaral sa school namin yung mahirap dahil hindi nila afford yung tuition pwera na lang kung scholar pero tingin ko naman may sinabi sa buhay"

Biglang kuminang yung mata ni daddy parang bigla sya natuwa napakamot na lang ako ng ulo dahil wala pa din syang pinagbago mahalaga pa din sa kanya ang estado  o uri ng pamumuhay materialistic pa din.

Pagkatapos namin magusap ni daddy dumiresto na ko sa kwarto ko pabagsak kong hiniga yung katawan ko sa kama at nakatingin lang sa kisame parang naiimagine ko yung mukha ni klea napakaganda mo klea..

Pagkatapos ko magimagine ay nagpasya kong maligo muna bago matulog sa higaan pabaling baling ako ng pwesto ng higa parang ayaw ako dalawin ng antok..

Kinabukasan nagising ako sa sinag ng araw medyo mahapdi sa mata kasi kakatulog ko lang hindi ako nakatulog magdamag.matamlay kong tinahak ang banyo at naligo pagkalabas agad kong tinignan yung itsura ko sa salamin pogi pa din naman.

Bumaba na ko sa dinning area naabutan ko yung kapatid kong epal na kumakain

"Anong nangyari sa kuya ko bakit parang puyat ka pa ata??"pang aasar nya

"wala kang pakialam"

hinampas bigla ni dad yung lamesa "talaga bang di nyo na kayang respetuhin yung hapag dito nyo pa napiling magaway"

napabuntong hininga na lang ako at pinunasan ang bibig ko ng table napkin at sabay tumayo.

"mauna na po ko dad"agad kong dinampot yung bag ko at isinampay sa balikat ko.

tinahak ko na ang daan patungo sa school pero may nahagip ang aking mata ang babaeng gusto ko na bumibili sa isang coffee shop agad akong bumaba at dahan dahan syang ginulat pero parang ako yung nagulat dahil isang pulgada lang ang pagitan namin sobrang lapit ..parang may kung anong magneto at inangkin ko ang labi nya pero umabot yun ng minuto hinihintay ko na itulak nya ko pero parang nagustuhan nya ang aking ginawa ako na ang kusang bumitaw at tinignan ang maamo nyang mukha ..ngumiti ako pero bakit blangko ang kanyang expresyon ..

past vs presentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon