Prologue

0 0 0
                                    

Isa lamang akong simpleng dalaga na may simpleng buhay at pangarap. Bata palang ay natutunan ko ng magmahal at masaktan. Lihim kong minahal ang kababata ko ngunit isang araw ay kinailangan niyang umalis, dahil sa Manila na raw sila maninirahan.
Kahit pa bata pa ako noon ay alam kong mahal ko siya kaya nasaktan ako nong subra ng umalis siya. Naghintay at umasa ako sa kanya na babalik siya.

Pero hindi ko inaasahan na darating pala ang araw na magbabago ang lahat sa buhay ko. Marami palang nakatagong sekreto sa buhay ko.
Gaya na lamang na hindi pala ako tunay na anak ng mga magulang ko. Na isa pala akong tagapagmana ng isang mayaman at makapangyarihang tao. 
Mula pagkabata ay naniwala ako na isa akong ulilang bata na inabanduna ng mga magulang niya.
Yun pala nagbabakasyon noon ang mga magulang ko rito at nakidnap ako.
Isa taong gustong maghigante sa totoo kong pamilya ang nag-utos na kidnapin ako at ipatapon sa malayo para hindi ako mahanap ng mga magulang ko.

Ngunit labing dalawang taon na ang makalipas ng mahanap nila yung nagpakidnap sakin at natuntun na nga nila ako.

Kaya lubos ang pasasalamat ko sa mabubuting pusong mga nakilala kong mga magulang dahil kinupkop nila ako,pinalaki ng tama, minahal at tinuring na isang tunay na pamilya.

Labing tatlong taon ako nong kinuha na ako ng mga totoo kong magulang at dinala sa Amerika upang doon na manirahan.
Bago ako umalis sinigurado ko munang magiging maganda na ang buhay ng pamilyang kumupkop sakin. Tinulungan rin sila ng mga totoo kong magulang.

Nahirapan ako sa umpisa ngunit unti-unti naman akong nasanay sa bagong buhay nakakaharapin ko. Sinikap kong matutunan lahat ng bagay na dapat para sa isang tagapagmana ng isang malawak na companya. Ilang taon rin akong naghome school para lang matutunan lahat. Marami akong private tutor, mula sa music, etiquette, sports, history, language, math, science, business lessons at marami pang iba.
Hinanda at hinubog ako ng mga magulang ko para sa bagong mundo na kakaharapin ko. Dahil nasa mataas na estado ay pamumuhay ang pamilya ko kinakailangan talagang matutunan ko ang mga ito.
Isang tao ang naging kaibigan ko at tumulong sakin para makayanan ang lahat ng ito.
Naging magbestfriend kaming dalawa dahil na rin siguro mapaclose ng pamilya naming dalawa.

Limang taon rin kaming nanirahan sa America ng mapagpasyahan ng mga magulang kong bumalik sa Pilipinas upang doon na ako mag-aral. Meron kasi doong University na pagmamay-ari ng kaibigan nila na sikat sa pilipinas dahil lahat ng pumapasok dito ay pawang mga makakaangat sa lipunan lamang.

Isang bagong kabanata ang nagbukas sa buhay ko.
Ngunit anong pagsubok pa kaya ang kakaharapin ko sa bagong mundong itong papasukan ko?
Makakaya ko bang manalo sa mga laro ng tadhana sa buhay ko?
Karapat-dapat nga ba akong mahalin? O ako lang rin itong masasaktan at iiyak sa huli?





The Destiny's GameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon