Chapter 4

0 0 0
                                    

Ashen Laine Summers POV

Ilang araw narin mula nong huli kong makita si Phil at hanggang ngayon ay hindi ko pa siya nakikita. Mabuti naman at hindi niya na ako ginulo pa dahil hindi ko rin naman alam ang gagawin ko sa kanya. Araw-araw pa rin kaming magkasamang pumasok at umuwi ni Sky dahil doon na nga siya nakatira sa amin.
Nandoon pa rin ang weird na nararamdaman ko sa tuwing kasama ko siya at hanggang ngayon ay hindi ko pa rin alam kong ano ito. Pilit ko rin itong tinatanggi sa sarili ko at binabaliwala na lang. Kapag napapatulala ako sa kanya ay tinatawanan ko lang siya bigla o mag-iisip ng pwedeng palusot dito.

"Nandyan ba si Sky?"- tanong ko sa isang varsity player na kakalabas ng gym.

"Oo nandyan. Nagpapractice pa."- sabi naman niya.

"Hmm thank you."- sabi ko sa kanya at pumasok na sa loob ng gym.

Nakita kong naglalaro pa sila kaya umupo muna ako sa bleacher at pinanuod sila.
Nandito rin si Phil pero hindi ko na ito pinagtutuunan ng pansin.
Nakita ako ni Sky nong nagdidrible siya ng bola at suminyas ito sakin na maghintay muna sandali.

"Okay, five minutes break."- sabi nong couch nila pagkatapos nitong pumito. Agad naman tumakbo si Sky sakin.
Kita ko ang pagod sa mukha nito at pawis na pawis ito.
Kinuha ko ang bottle water sa bag ko saka ang extrang panyo ko.
Binigay ko yung tubig sa kanya at agad niya naman itong ininom. Kinuha ko sa kanya yung bottle na wala ng laman at pinunasan ko ang noo at pisngi niya.

"Thank you."- nakangiting sabi nito pero bigla rin itong lumungkot.
"Sorry may practice pa kami. Hindi kita mahahatid ngayon. Tatawagan ko si Wil para sunduin ka. I'll just get my phone."- sabi nito at akmang aalis na pero pinigilan ko ito sa kamay.

"No. Magcocommute na lang ako. May bibilhin pa kasi ako para sa report na gagawin ko."- sabi ko.

"No. Delikado ang pagcocommute. Lalo na at mag-isa ka lang."- sabi nito at bakas sa boses niya ang pag-aalala.

"Mag-iingat ako, promise."-  hinawakan ang kamay niya.
"Please?"- paglalambing ko sa kanya.

"Okay. But please be safe. Tawagan mo ako pag nakauwi kana at kapag may kahina-hinalang tao kang napapansin. Take care Princess."- he said with so much concern and he patted my head.

"Okay po. Promise I'll be safe."- sabi ko sa kanya.
Bigla namang pumito ang couch nila na tinatawag na sila.

"Sige na. Tinatawag na kayo. Mag-ingat ka rin dito lalo na sa pag-uwi mo."- sabi ko at tinulak siya pabalik doon sa court.

"Payakap muna."- sabi niya at bumuka ng mga braso para yakapin ako.

"Growssss! Ang pawis pawis mo."- sabi ko at lumayo sa kanya ng kunti. Nakangisi lang itong lumalapit pa sakin habang ako paatras rin sa kanya.

"Sige na bumalik kana doon. Hinahanap kana ng couch mo."- sabi ko.

Ngumiti lang siya sakin at ginulo ang buhok ko.
"Okay. Ingat ka ha? See you later."- sabi niya saka unti-unti ng lumakad ng paatras  dahil nakatingin pa ito sakin.

"Babye!"- kaway ko sa kanya at lumalikod na para umalis.
Napangiti na lang ako habang naglalakad palabas ng school.
Si Sky talaga napakakulit kahit kailan.



Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 29, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Destiny's GameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon