Pangsiyam na kabanata

19 17 3
                                    

Hindi makatulog si Maria dahil sa sinabi Ng kanyang Boss na si Nathan. Pinag isipan niyang mabuti abgo siya gumawa Ng desisyon. Kakausapin niya muna Ang kanyang Ina at mga kapatid  total bukas Wala siyang pasok dahil sabado. Medyo tanghali nagising si Maria, per nakaramdam parin siya Ng pagod. Hindi pa siya sanay sa bagong trabaho Niya. Habang nakaupo sa Kama at nagmuni Muni, biglang may narinig siyang kumakatok sa pinto Ng kanyang kwarto. Ate! Kakain na daw PO tayo ng agahan! Ang Sabi Ng bunsong kapatid. Bunso sige mag aayos Lang muna ako Ang sagot ni Maria sa kanyang bunsong kapatid. Dumulog sa hapag kainan si Maria para kumain. habang kumukuha siya Ng kanin at ulam, sinabi niya na sa kanyang Ina na Doon na daw muna siya titira sa bahay Ng kanyang amo tuwing weekdays at uuwi na Lang siya tuwing sabado at balik sa bahay Ng amo niya lunes Ng umaga. Pumayag Ang kanyang Ina sa sinabi Ng kanyang boss para makapagpahinga din si Maria Ng maayos. Alam niya din marami silang gagawin at mahirap makasakay sa sasakyan papunta sa kanila paggabi. Delikado sa daan. Mas mabuti na Doon na magstay Ang kanyang anak sa kanyang amo at every weekends Lang uuwi si Maria sa kanila.
Dumating na Ang araw Ng linggo, nagsimba muna sima Maria kasama Ang buong pamilya sa kanilang lugar. Mayroong kapilya Ng Aglipay sa lugar nila. Nagsisimba Lang sila sa bayan Kung may mga event sa kanilang simbahan Doon. Pagkatapos magsimba, nagdesisyon si Maria na itreat niya muna Ang kanyang pamilya sa isang kainan sa kanilang baryo. Pagkatapos sila kumain, napagpasyahan na nilang umuwi dahil mag aayos pa siya Ng kanyang gamit na dadalhin Niya mamaya sa pag alis niy papunta sa bahay Ng kanyang Mao dahil don na siya nag iistay. Habang nagliligpit si Maria Ng kanyang gamit, pumasok sa kanyang isip na pagnakaipon na siya Ng malaki pwede Niya Ng iparenovate ang kanilang bahay. Gusto niyang kumportable nag kanyang Ina at mga kapatid. Malapit na din siyang makatapos. After summer vacation balik eskwela na Naman Kaya magiging kayod kalabaw na siya dahil mag aaral siya sa umaga magtratrabaho siya sa hapon hanggang alas 8 Ng Gabi. Ganun Ang napag usapan nila Ng kanyang amo noon habang pumirma siya Ng kanyang kontrata. Alam Naman ni Maria likas na mabait at may mabuting puso Ang pamilya Ng kanyang amo. Marami na silang tinulugan na mga estudyante at lahat ng iyon ay nakapagtapos at may magandang trabaho, syempre doon sila nagtratrabaho sa mga negosyo ng kanyang amo. Nakarating na si Maria sa bahay na kanyang amo na si Nathan. Habang papasok si Maria sa kusina para uminom ng tubig, nakita niya ang kanyang amo na mag isang umiinom sa bar. Nakita din siya ng kanyang amo. Oh Maria dumating ka na pala. sabi ni Nathan. Opo sir Nathan. Bumalik agad ako para hindi na po akong mahirapan po bukas; sagot naman ni Maria. Sir may problema po ba kayo? tanong ni Maria. Hmmm. Huminga ng malalim si Nathan bago niya sumagot sa tanong ni Maria. Hmmm. Medyo; sagot naman ni Nathan. Medyo lang po pero nakaubos na kayo ng isang boteng rum; sabay joke ni maria. Baka po may maitutulong po ako sainyo? ang dagdag na sagot ni Maria. Hm. Nag-isip muna ng maisasagot si Nathan. Napag isipan niya na may maitutulong si Maria sa kanya. Malaki ang problema niya. Tumawag kaninang umaga ang kanyang sekretarya na pupunta daw si Mayu dito para makipagbalikan sa kanya. Nakamove on na siya pero alam ni Nathan na hindi maniniwala si Mayu na hindi niya na mahal ang babae. Napag isip isip niya mula kanina na kailangan niyang magkaruon ng fake gf at wala siyang maisip kung sino pwede niyang gawing fake gf. Nang makita niya si Maria, desidido na siyang kausapin ito na pwede ba siyang maging fake gf niya. Hm. Maria, may sasabihin sana ako sayo. Sana pag isipan mo muna ang inaalok kung business proposal sayo. Di ba gusto mo magkaipon?tanong ni Nathan kay Maria. Opo sir Nathan gusto ko pong magkaipon para po sa pamilya ko at makapagpagawa ng bahay namin; sagot naman ni Maria. Basta wag lang po ilegal po huh! biro ni Maria sa boss niya. Biglang tumawa si Nathan dahil sa biro ni Maria. Maria pwede ka bang magpanggap na gilfriend ko?tanong ni Nathan. Nabigla si Maria sa tanong ni Nathan sa kanya. Bakit po sir? Ano pong dahilan? ang tanong din ni Maria kay Nathan. Kasi darating daw dito bukas ang ex ko naniloko ako. Gusto kong magpanggap tayo na may relasyon para hindi na siya ditop magtatagal. Alam ko kasi na maghahabol sa akin ang ex ko. Ayaw ko na makipagbalikan sa kanya. Please Maria, tulungan mo ako. Isipin m na lang na trabaho to. Sayang din ang kikitain mo dito. Bibigyan kita ng 20,000 pesos per month maliban sa sweldo m bilang Personal assistant ko. Please Maria. Sir baka nabibigla ka lang po ang sagot naman ni Maria. Pag isipan mo Maria. May panahon ka pa mag-isip.  Bukas mo na lang ibigay ang sagot mo kung ano desisyon mo sa sinabi ko. Parang wala sa sarili si Maria pagkatapos marinig sa mga sinasabi ng amo niya. Sir papasok po muna ako sa kwarto. Pag iisipan ko po muna; sabi ni Maria. Sige Maria salamat. Sana papayag ka. Pumasok na si Maria sa loob ng kanyang kwarto. Habang nakahiga iniisip niya ang sinabi ng kanyang amo sa proposal niya. Napag isip- isip niya na makakaipon siya ng malaki at walang mawawala sa kanya kung papayag siya. Aminado si Maria na masaya siya at mas lalong maging makilala niya nag kanyang amo. Pangarap niyang aasikasuhin din siya ng isang Nathan at matatawag niya ding bf ang tao kahit pagpapanggap lang ang lahat.At dahil doon madaling araw na natulog si Maria at  Buo na ang desisyon ni Maria papayag siya.

Summer LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon