Ikasampu na Kabanata

10 18 0
                                    


Kahit kulang sa tulog si Maria maaga pa din  siyang nagising. Ginawa niya muna ang ritwal na ginagawa niya tuwing gumigising siya tuwing maaga. Nakabihis na si Maria ng uniform niya bago siya bumaba para mag agahan. Naabutan ni Maria na naghuhugas na si Aling Dolor ng mga ginamit niya sa pagluluto. Magandang umaga Aling Dolor bati ni Maria. Magandang Umaga din iha; pagbati din ni Aling Dolor .Gusto mo bang magkape? dagdag na tanong ng matanda sa dalaga. Sige po;sagot ni Maria sa matanda. Pero ako na lang po magtitimpla. Teka lang po! gising na po ba si sir Nathan; tanong ng dalaga. Ah oo gising na siya. Pakitawag nga don iha na kakain na ng agahan. Ako na bahala magtimpla ng kape niyong dalawa.;sabi ng matanda sa dalaga. Pinuntahan na ni Maria si Nathan sa kanyang kwarto. Nagdadalawang isip si Maria kjung kakatok ba siya o hindi. Parang nahihiya si Maria dahil sa pag uusap nila ng kanyang amop kahapon. Hay naku Maria! wag kang mahiya. hindi naman nakakahiya yun e. tok! tok! tok! Sino yan? Narinig niyang tanong ng amo niya. Si Maria po ito sir. Okey Maria. Pasok! Binuksan ni Maria ang pinto ng opisina ng kanyang amo at nakita niya na may inaayos itong mga papeles na dadalhin sa opisina.  Kakain na pa daw po sir sabi ni Aling Dolor; sabi Maria. Ganun ba Maria. sige tatapusin ko lang muna ito at susunod na ako. Wait, naka pag decide ka na ba?dagdag na tanong nito sa kanya. Opo sir Nathan. Pumapayag na po ako. sagot ni Maria sa amo niya. sa sobrang saya dahil sa narinig na sagot ni Maria, bigla niyang pinuntahan ang dalaga na nakatayo sa pinto at iniyakap ito. salamat Maria. hulog ka talaga ng langit. Di ko alam kung paano malulusutan ang problema na to. Pakiramdam ni Maria na parang sasabog sa tibok ng puso si Maria. Hindi niya alam kung anong nararamdaman sa biglang pagyakap sa kanya ng amo niya. masaya, masarap sa pakiramdam pero nahihiya siya dahil abot langit ang agwat niya sa amo niya. Sir, parang hindi ako makahinga; sabi ni Maria para pagtakpan ang hiya niya. ay sorry Maria sabi ni Nathan. Sorry sa pagyakap ko sayo. Masaya lang ako. malaking tulong ito sa akn.

Summer LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon