Kabanata 1

7 0 0
                                    

Kabanata 1

Stupid

Nagtagal ang relasyon naming dalawa. Kahit na minsan ay away-bati kami palagi. At sa tuwing nag-aaway kami at kahit na ako ang may kasalanan, siya ang unang mag sosorry at manunuyo. Masaya ako. Masayang masaya.

Pero isang araw, galing akong paaralan, Grade 9 na ako nun at Grade 10 naman si Harold. Pagkatapos ng klase ay umuwi agad ako dahil sa isang tawag. Tumawag sa akin si Aling Nena at hindi na ako nag dalawang isip na umuwi sa aming bahay.

Sa malayo pa lang ay kitang kita ko na ang maraming lalaki na labas masok sa aming bahay habang dala-dala ang mga gamit namin. Kumalabog ang dibdib ko.

"T-teka lang po! Ano pong gagawin niyo sa mga gamit namin?" natataranta kong sinabi.

Walang pumapansin sa akin. Lahat sila ay busy sa pagkuha ng mga gamit namin sa bahay. Pati ang mga gamit na paborito ni mama ay kinukuha nila.

"Sandali lang po!"

Gulong gulo ako. Litong lito. Bakit ganito nananaman? Ano nananaman ang nangyayayari?

Isang lalaki ang lumabas sa aming bahay dala ang malaki naming TV. Agad ko siyang hinarangan at kulang na lang ay lumuhod ako sa kaniyang harapan.

"K-kuya! Kuya! Teka lang po! Huwag n-niyo pong kunin ang mga g-gamit namin. N-nagmamamakaawa po ako!" umiiyak kong sinabi.

"Pasensya na, Ma'am. Utos lang po ito sa amin."

Isang matanda at mukhang masungit na babae ang lumabas kasama ang mga lalaking dala-dala pa rin ang aming mga gamit. Nagtama ang paningin namin at agad niya akong inirapan.

"Oh. Mabuti at dumating ka na, Nene. Binigyan ko na kayo ng ilang taon na palugit pero ako naman ngayon ang nawawalan ng pera-"

"Po? Ano pong ibig niyong sabihin?" taka kong tanong at lumapit sa kaniya.

"Nene, malaki ang utang ng magulang mo sa akin. Kung hindi lang ako naaawa sa iyo ay noong isang taon pa kita siningil pero wala na rin akong pera! Kaya kukunin ko na lang ang mga gamit niyo sa bahay."

Umiiling-iling ako at para akong pinagsakluban ng langit at lupa sa narinig. Agad akong lumuhod sa kaniyang harapan bago pa niya ako talikuran.

"Ma'am! Ma'am! Teka lang po! Huwag niyo pong kunin ang mga gamit namin, sige na po! Babayaran na lang po kita! Magtatrabaho po ako. Please po!" pagmamakaawa ko pero hindi niya ako pinansin.

Halos lahat ng gamit sa aming bahay ay nawala. Pati ang mga paintings ay hindi nila pinatawad. Halos manlumo ako at ang tangi ko na lang na nagawa ay umiyak ng umiyak. Wala na rin ang kama namin. Kaya sa sahig ako natulog ng gabing iyon.

At hindi lang iyon ang pinakamalalang nangyari sa akin. Dahil kinabukasan lang ay nagising ako dahil sa isang matinis na sigaw galing sa labas ng aming bahay.

"Maricar! Lorenzo! Lumabas kayo!"

Hinahanap niya si Mama at Papa ko! Nagmadali ako sa pagbaba at nakita ko ang isang babae sa labas ng aming bahay na kulang na lang ay magwala.

"S-sino po sila?" napapaos kong tanong.

"Nasaan ang mga magulang mo?" galit niyang tanong.

"W-wala na po sila. Matagal n-na-"

"Sinungaling kang bata ka! Ilabas mo ang mga magulang mo! Maricar!"

Kahit kailan ay hindi ako nagsinungaling. Tinuruan ako ni Mama at Papa na huwag magsisinungaling dahil hindi iyon maganda.

"Umalis na po kayo. Patay na po sila mama at papa." umiiyak kong sinabi.

Sana (ON-GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon