Kabanata 2

8 0 0
                                    

Kabanata 2

Better

Sobrang sakit ng ulo. Halos mapangiwi ako lalo na nang maramdaman ko ang pananakit ng aking buong katawan.

Anong nangyari?

Unti-unti kong iminulat ang aking mga mata at agad akong nasilaw sa liwanag na nanggagaling sa itaas. Napaungol ako at muling napapikit.

N-nasaan ako? Nasa langit na ba ako?

Gusto kong gumalaw pero tila'y kay hirap gawin iyon. Sobrang sakit ng ulo ko at nang buo kong katawan. Ano ba kasi ang nangyari sa akin? Bakit ako nandirito?

Bukod sa pananakit ng katawan, ramdam ko rin ang pagod, pakiramdam ko ay sobrang hina ko ngayon. Ni hindi ko magalaw ang mga kamay ko.

Ilang minuto ang nakalipas ay binuksan ko muli ang mata ko. Medyo nakapag adjust na ang mata ko sa liwanag kaya hindi na ako ganoong nasisilawan. Inilibot ko ang mata ko sa loob at natantong nasa loob ako ng isang kwarto.

Puti. Puting kwarto.

Hospital?

Pero bakit anong ginagawa ko dito? Bakit ako napunta dito?

Marahan kong iginalaw ang ulo ko sa may gilid at doon ko nakita ang mga aparatus na nakakabit sa akin. Tunog ng mga machine at tunog ng aircon ang tanging naririnig ko sa loob.

T-teka...

Sinubukan kong umupo pero hindi pa talaga kaya ng katawan ko. Napabuntong hininga ako at inisip kung paano at bakit ako napunta dito.

Anong pangalan ko?

Sino ba ako?

T-teka! Sino ba ako?

Namilog ang mga mata ko at naramdaman ko ang unti-unting pag-agos ng luha sa aking mga mata. Sino ba ako? Anong pangalan ko?

Wala akong maintindihan! Wala akong maalala! Sino ba ako? B-bakit...Bakit ako nandito?

Nagsimula na akong mataranta. Iba ang nararamdaman ko ngayon. Parang gusto kong sumigaw. Parang gusto kong umiyak at magwala kahit hindi ko alam kung bakit!

Sa natitirang lakas, tinanggal ko ang nakakabit na karayom sa aking kamay. Agad na dumugo iyon. Nanlaki ang mata ko at gamit ang suot na damit ay marahas kong pinahid ang dugo sa aking kamay. Naiiyak ako. Sumasakit na rin ang ulo ko! Gusto kong sumigaw!

"Arrrgggghhhh!"

Namuo muli ang luha sa aking mga mata at unti-unting sumasakit ang dibdib ko. Nanginginig ang mga kamay ko at pinanlalamigan ako.

Sino ako? Anong pangalan ko? Bakit ako nandito?

"Arrrgh!" sumigaw ako muli.

Hinawakan ko ang buhok ko at marahas iyong ginulo. At doon ko naramdaman na may nakalagay palang gauze sa aking noo. Walang pag-aalinlangan ko iyong tinanggal at ibinato sa sahig.

Nasaan ako? Nasaan ako?!

May naramdaman akong dumaloy sa aking kamay at nakita ko doon ang aking dugo mula sa tinanggal kong karayom.

"Ayoko nang dugo! Ayoko!!!" sigaw ko.

Tinanggal ko ang kumot ko at pinilit ang sarili na bumaba sa kama. Napangiwi ako nang maramdaman ko ang pananakit ng balakang ko.

"A-aray..." umiiyak kong sinabi.

Ginulo ko ulit ang buhok ko. Hindi pa tumatama ang paa ko sa sahig ay nahulog na ako. Malakas ang pagkakahulog ko kaya halos hindi ako agad nakatayo. Sinikap ko lang ang sarili kong makatayo dahil kailangan kong makaalis dito. Uuwi na ako. Gusto ko nang umuwi.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 25, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Sana (ON-GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon