SimulaMay mga bagay na aksidente nating nagagawa at atin namang agad na napagsisihan. Pero minsan nga matagal mawala ang pagsisisi. Madalas umaabot ng ilang taon tuluyang mawala ang pagsisising nararamdaman natin.
Pero kahit na anong gawin nating pagsisisi, hindi na maibabalik ang dati, ang nagyari. Kahit na umiyak ako ng dugo, hindi na maibabalik ang dati. Kahit na tumalon ako at magpakamatay, hinding hindi na maibabalik ang lahat.
Gusto kong balikan ang araw na masaya pa ako. Na nagagawa ko pang ngumiti ng hindi pilit. Nakakapagod pa lang ngumiti, lalo na't iyong ngiting pinipilit mo lang maipakita sa mga tao na okay ka.
Nagsisisi ako. Sobra. Hanggang sa pagtanda ko ay dala dala ko pa rin ang pagsisisi. Kung sana ay hindi ako naging pabaya. Kung sana hindi ko siya sinaktan. Kung sana tinanggap ko na lang ang paliwanag niya. Edi sana...sana nandito pa siya.
Edi sana hindi pa siya nawala.
Edi sana kasama niya pa rin ang mga mahal niya sa buhay.
Oo. Kasalanan ko. Kasalanan ko lahat. Sa akin niyo lahat isisi. Dahil tatanggipin ko ito. Kung hindi lang sana ako nagpakaselfish. Kung hindi lang sana ako nagpakaestupida.
Masakit. Sobra. Sobrang sakit. Sa sobrang sakit parang gusto ko na lang mawala. Pero alam kong hindi ako kukunin agad. Dahil masamang damo ako.
"Lumayas ka dito! Ang kapal ng mukha mong magpakita pagkatapos ng ginawa mo?!" nangangalaiting sigaw ng mama ni Harold at itinulak ako ng sobrang lakas.
Natumba agad ako at tumama pa ang balakang ko sa kahoy at matibay na mesa. Nakagat ko ang labi ko at ininda ang sakit. Kulang pa ito.
"I'm s-sorry po, Mama-"
"Aba't! Ang lakas ng loob mong tawagin akong Mama matapos ng ginawa mo?! Ang kapal naman ng mukha mong babae ka? Lumayas ka dito! Wala ka nang karapatan pa! Alis! Layas!" sigaw niya at muli akong tinulak.
Unti-unting tumulo ang luha sa aking mga mata. Okay lang. Kasalanan ko naman kasi talaga. Kaya okay lang. Kulang pa nga ito, sa totoo lang.
"Sana p-po mapatawad niyo p-po ako-"
"Hinding hindi kita mapapatawad kahit kailan! Lumayas ka na dito!!!"
Napapitlag ako sa sobrang lakas ng sigaw ni Tita Milene. Agad na lumapit sa Myla at dinaluhan ang kaniyang Mama.
"Mama, tama na 'yan. Huminahon ka." aniya habang masama ang tingin sa akin.
Napayuko ako at pinahid ang luhang patuloy na naglalandas. Kahit si Myla na naging close at kaibigan ko ay namumuhi na rin sa akin. Hindi ko mapigilang masaktan. Lahat sila ay galit at namumuhi sa akin. Alam kong gusto nila akong mamatay na. Alam kong hinihiling nila na ako na lang ang dapat na nawala hindi si Harold.
"Umalis ka na, Sheinna, please! Umalis ka na!" sigaw sa akin ni Myla.
Dahan-dahan akong tumango at umatras. Pinahid ko muli ang luha sa aking mata bago nag-angat ng tingin sa pamilyang sobra kong nasaktan.
"P-pasensiya na po...hindi k-ko po gusto ang n-nangyari.. Sana po mapatawad-d niyo ako..."
Hindi na ako nagdalawang isip na tumalikod at tumakbo. Tumakbo ako ng tumakbo kahit na wala akong patutunguhan. Tumkbo ako habang punong puno ng luha ang mga mata. Tumakbo ako habang patuloy na sumasakit ang puso ko. Tumakbo ako at patuloy na nananalangin sa Kaniya na sana kunin na lang niya ako.
Ayoko na. Gusto ko nang mawala. Ayoko na...Mama, Papa, Ate, Kuya, kunin niyo na ako, please...Ayoko na. Sobra na akong nasasaktan. Hindi ko na kaya ang sakit. Ang daya-daya niyo naman kasi eh. Iniwan niyo akong nag-iisa...na walang kasama. Ang daya daya niyo. Iniwan niyo ako lahat.