Chapter 1: The Day Where It All Began

24 0 0
                                    

Leo's POV

Simula na nang new school year. Syempre andito parin ako sa school ko. Marami ding nagtransfer dito sa school namin pero ok lang kase magkakasama parin kami nang tropa ko. Sabay sabay kaming pununta sa room namin para simulan ang unang klase namin sa umaga.

"Umm.. class, meet Ms. Pam Sanches. She is our new transferee and she will be your new classmate starting this school year. Ms. Sanches please introduce yourself."

"Okay ma'am .. Umm.. classmates my name is Pam Sanches, I am 17 years old. Galing po ako sa Graciello Academian School. Yun lang po thank you."

"Ma'am san po ako pwedeng umupo?"

"Mr. Reyes?"

"Yes po ma'am"?

"Ms. Sanches.. Dun ka sa tabi ni Mr. Reyes umupo."

"Since na malapit na ako sa dulo wala na kong choice kung hindi makatabi siya. Wala din naman akong pakialam sa ganyan tsaka tahimik naman siya kaya mabuti naman."

Recess na kaya pumunta na kami nang tropa ko sa canteen. Umorder ako nang isang sandwich at isang juice. Pagkatapos kong kumain nagpaalam ako sa tropa na mauna na ako dahil may aasikasuhin pa ko sa room.

Pag-akayat ko nang 2nd floor ay nakita ko na nilinis nanaman ung hagdan. Haysstt basa nanaman. Pag may nadulas lang na babae dito bahala sila.

"Waaahhhh!" sinalo ko ung babaeng nadulas sa hagdanan. Yan na nga ung sinasabi ko eh. Tsk!!

Nakita ko ung mukha niya. Siya ung babaeng kakapasok lang, si Pam. May hawak siyang libro at hindi ata nakita ung basang hagdanan kaya siya nadulas pero dahil pababa siya nasalo ko siya nang paharap.

"Bastos, Manyak!, Bitawan mo ko."

Mabilis siyang umalis sa pagkakahawak ko at inayos ang kaniyang sarili.

"Bastos ka ah! Bakit mo ko hinawakan?"

"E sandali lang. Ako na nga tong sinalo ka para di ka madulas tas ikaw pa ung ganyan?"

"Gusto mo lang talaga akong mahawakan! Manyak!"

Haysst umalis nalang ako. Sa isip isip ko na nga lang ako na ung tumulong nasabihan pa nang "manyak". Ibang klase talaga, di na nga nagpasalamat hinusgahan ka pa.

Pumasok na ko sa room kasunod ni Teacher Reign. Nagsimula na naman ung boring na klase.

Uwian na naman, nakita ko si Pam na inaayos ung gamit niya. Naglakas ako nang loob na humingi nang "Sorry" sa kanya.

"Hmmm.. Pam?"

"Umm.. manyak? Ano yun?"

"Sorry dun sa kanina ah. Di ko naman talaga sinasadya eh."

"Tskk! Lalaki nga naman"

"Yayain sana kita pauwi eh. Hatid na kita nang kotse ko bilang pagsosorry sayo"

"May kotse ka, seriously?"

"Meron pero di naman kagandahan"

"Sige sige payag na ko"

Pumunta kami sa car ko at dumiretso na sa bahay nila para ihatid siya.

"Pam!"

"Hmm.. Ano na naman yun?"

"Pwede ko makuha ung number mo?"

"O sige, eto oh 09** *** ****"

"Salamat Pam pede ba kitang maging kaibigan?"

"Oo naman, wala pa din naman akong kaibigan sa school naten eh."

"Sige mauna na ko ah."

Tuwang tuwa ako kase naging kaibigan ko ung babaeng kagalit ko lang kanina. Pagkauwi ko agad kong tinext ung number niya.

To Pam

"Hi Pam☺️"

From Pam

"Hello☺️"

To Pam

"Tara pasyal tayo bukas"

From Pam

"Saan?"

To Pam

"Ako nang bahala dun basta intayin mo nalang ako sa bahay niyo"

From Pam

"Sige"

To Pam

"Sige gudnight sweet dreams😴"

From Pam

"Gudnight din😙"

Napakurap ako dahil sa last emoji na sinend niya. 😙??? Haysst friendly lang talaga siya Leo. Walang malisya. Kung ano ano talagang napasok sa isip ko ngayon ah.

Inilapag ko na ung cellphone ko sa table at natulog na ako.

Bonheur SilencieuxTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon