Leo's POV
Isang buwan na nag lumipas, may transferee na naman na pumasok.
"Um.. class, you have a new classmate. He is Jeffrey, he will be your classmate starting today. Jeffrey please introduce yourself."
"Okay ma'am. Classmates, my name is Jeffrey, "Jeff" for short. I am a student from Jovian Academian School. I am 17 years old.
"Ang gwapo" classmate 1
"Oo nga pati boses niya" classmate 2
Mga babae talaga, mahilig sa gwapo. Ewan ko ba, yun nalang kase ung basehan nila sa panahon ngayon.
Umupo siya sa tabi ni Pam at nagsimula na ung lesson. Nakinig na sila nang lesson, siyempre ako rin.
Recess time na, iniintay ko si Pam sa labas nang room dahil inaayos pa niya ung gamit niya sa bag niya.
"Um.. Leo, pwede bang sumabay satin si Jeff?" Tinignan ko si Jeff na nasa likod niya. Hindi ko alam pero ayoko talaga sa kanya.
"Please" tumingin ako sa kanya.
"Sige, ano pa nga bang magagawa ko" sagot ko.
"Yays.. Salamat Leo" nginitian ko siya sabay kapit ko sa kamay niya.
Isang buwan na din since naging kaklase namin si Jeff. Hindi ko alam pero I smell something fishy dun sa dalawa. Hindi ko na madalas nakakasama si Pam pero nagtetext parin naman siya sakin.
Kinabukasan, pagbaba ko sa kotse ko, nakita ko si Pam at Si Jeff. Tinignan ko sila nang maigi. Magkaholding hands sila, at ang tamis nang titigan at ngiti nila.
Ayoko na, doon ko naramdaman ung labis na sakit, na mahal ko pala si Pam pero torpe ako kaya wala akong nagawa para aminin sa kanya ung nararamdaman ko.
Nasaksihan ko ung di ko dapat masaksihan. Hinalikan ni Jeff si labi si Pam. Isang mabilis na halik lang iyon ngunit tila sinaksak ako nang paulit ulit ung puso ko nang makita ko iyon.
"Pam" biglang nasambit ng bibig ko.
"L-eo?" gulat na dabi niya.
"Anong ibig sabihin nito? Wala ka bang balak sabihin sakin? Magkaibigan tayo diba?" Siguro hanggang dun nalang talaga. Kelangan ko nalang talaga siguro na tanggapin na lahat nabg minamahal ko, hindi ako mahal.
"Leo naman" hinawakan niya ung braso ko pero tinanggal ko.
"Ano!? Anong ipapaliwanag mo? Na kayo na? Kayo na ni Jeff pero para akong tanga na wala man lang kaalam alam?!"
"Sorry Leo.. pero kaibigan naman kita sana maintindihan mo ko."
"Yun na nga eh kaibigankita Pam. KAIBIGAN. MO. LANG. AKO. Ang sakit nun Pam. Alam mo ung pakiramdam na dinudurog ung puso mo?!"
"Bakit lase hindi mo sinabi saken? Bakit di ka naging honest sakin? Sakin na una mong naging kaibigan at pinagkatiwalaan sa School na to."
"Natatakot kasi ako Leo.. Natatakot ako."
"Bakit ka natatakot?"
"Kasi- baka isipin mo na madali akong mafall at ang babaw babaw ko."
"Yun na nga eh, bakit kase ngayon ko lang narealiza na mahal kita kung kelan meron ka nang iba? Akala ko kase gusto lang kita pero t*ng *na mahal na kita!" tumingala ako para pigilan ang luhang unti unting pumapatak sa aking mga mata.
"Sorry" sabi ko at tumakbo ako papalayo sa kanya at pumunta nang rooftop para doon ilabas ang lahat nang sakit na nararamdaman ko.
Pam's POV
Nung nalaman kanina ni Leo ang lahat tungkol sa amin ni Jeff, bigla akong naguilty.
Hindi ko siya gustong saktan, ngayong nalaman ko na mahal niya pala ako. Ba't di niya sinabi?
Ayokong makasakit nang kaibigan kase ngayon lang ulet ako nagkaroon non. Pero di ko man lang siya nagawang pahalagan. Ang T-A-N-G-A ko kase, sobra.
BINABASA MO ANG
Bonheur Silencieux
RomanceBy the way, my name is Leo. I'm a typical guy na nakaexperience nang many heartbreaks since highschool then I meet Pam. It became hard for me to confess my feelings for her because I don't want to experience another heartbreak again.