Prologue

29 0 0
                                    

Leo's POV
             Ang dami ko nang beses na naheart broken. Simula pa lang nung highschool, lahat nang nililigawan ko lagi nalang akong binabasted, pinapaasa sa wala, iniiwan, at sinasaktan. Di ko alam kung bakit. Pogi naman ako eh, manang mana nga kay Dad. By the way, my name is Leo Reyes, 17 years old, kasalukuyang nag-aaral sa Marciello Academian School. Di ko nga ma-enjoy ung highschool life ko eh. Di pa kase ako nagkakalovelife since highschool. Ito nga pala ung ilan sa mga heartbreaks ko.

*flashback*

~Memorable highschool days~

-Grade 7-
            
             Lunchbreak na namin ngayon, iniintay kong lumabas nang room ung crush ko, si Yna. Ibibigay ko kase ung pinagpuyatan kong love letter para sa kanya. Magkaiba kase kami nang section eh. Pero ok lang naman kase magkatabi lang yung room namin.

            Agad akong tumakbo papunta sa kaniya nung makita ko sila nang friends niya palabas nang room nila.

"Um.. Yna!"

"Hmm.. Why?"

"Para sayo nga pala.." Sabay abot nang love letter sa kanya.

"Thank You!" nginitian niya ako sabay alis. Yes! One points!

             Magmula noon, lagi na kong nag-aabang sa sagot niya dun sa love letter kong ibinigay sa kanya. Almost a week na pero wala parin akong natatanggap na sagot niya. Tinry ko ulet na gumawa nang isa pang love letter pero nung time na iaabot ko na sa kanya nakita ko siya sa school ground nang campus na may kasamang ibang lalaki.

"Umm.. Yna!"

"Hmm.. Why?"

"A-ah.. Nasaan na ung sagot mo sa love letter na binigay ko sayo? Tsaka sino nga pala yang kasama mo?"

"Ah- sorry dun sa love letter mo kung di ko sinagot. By the way meet John, siya nga pala yung boyfriend ko. Magagalit kase siya kapag nalaman niyang sinagot ko yung letter mo eh. Crush din naman kita eh. Sorry talaga ha. Hmm.. sige ha maiwan ka na namin.

             Hindi sinagot kase magagalit ung boyfriend niya? Crush niya ko pero may bf siya? Hayys? Ewan? Ang gulo niya naman, para siyang ano eh. May boyfriend na pala umasa pa ko sa wala.

-Grade 8-
           
               Pumasok ako nang maaga sa school para makasabay kong pumasok nang room ung crush ko, si Avie.

"Goodmorning Avie" masayang bati ko sa kanya, nginitian niya naman ako. Sumabay ako sa kanya pagpasok nang room.

"Ba't mukhang badtrip ka? Anyare?", tanong ko sa kanya.

"Wala!"

"Alam mo mas maganda ka kapag nakangiti ka".

"Nako lakas mo mambola eh"

"La, di kaya sa totoo lang kaya nga kita nagustuhan kase ang cute mo tumawa"

"Lakas mo talaga mambola eh. Binibiro mo ba ko?"

"Hindi kita binibiro, sa totoo nga nahulog ako sayo nang dahil sa mga ngiti mo"

"Umm.. Sorry Leo, pero iba talaga ung gusto ko eh. Iba ung taong tinitibok nang puso ko."

"Ok lang, sanay na naman ako masaktan eh. Sino ba ung gusto mo?"

"Si Zap, ung katabi mo sa upuan. Actually matagal ko na siyang gusto. Hindi ba halata?"

"A-ah ganun ba? Pano ba yan edi goodluck nalang"

"Sorry talaga Leo", nauna na siyang lumakad pero nanatili ako sa kinatatayuan ko hindi na ko sumabay sa kanya kase ayoko namang ipagpilitan ung sarili ko sa taong hindi naman ako gusto. Kase baka dumating din sa point na ako lang ung masaktan. Haysssttt. Wala ba talagang forever?

-Grade 10-

              Malapit nang mag-uwian. Naglakas ako nang loob kay Anna na lumapit at tabihan siya sa upuan, habang wala pang tao.

"Anna e-eh may itatanong sana ako sayo, kung pwede"

"Ano yun?"

"Pwede ba kitang sabayan pag-uwi?"

"Oo naman, sakto wala din kase akong kasabay ngaun eh"

             Habang naglalakad kami pauwi naisip ko na yayain ko siyang maging date ko sa prom kase matagal ko na din siyang gusto.

"Umm.. Anna?

"Hm?" nanatili siyang focus sa ginagawa niya.

"Wala ka bang date sa prom? Yayayain sana kita maging date sa prom kung pwede eh"

"Date? Gusto mo kong maging date sa prom? Tanong niya ulit. So it means na wala pa siyang date sa prom? I hope so.

" Leo, Sorry to say this but may kadate na ko sa prom."

"A-ah ok. Basta pag nagbago ung isip mo sabihin mo lang sakin ah. Alam mo kase matagal na kitang gusto pero nahihiya ako na sabihin sayo kase wala akong lakas nang loob."

"Thank you for liking me pero may boyfriend na ko at siya ung kadate ko sa prom."

"Ok.. Thank you nalang sa time." nginitian ko siya bago ako pumasok nang bahay namin.

             Ayoko na.. Tama na.. Ayoko na nang isa pang heart break. Wala lang talag sigurong forever.

*end of flashback*

             Ang saklap noh. Kaya siguro ngayong Senior High hindi na ko nagconfess at nanligaw. Hindi na rin kase ako nagkagusto sa babae eh.

             Siguro dahil din sa heartbreaks ko noon kaya naging cold na ko sa mga babae. Kaya ngayon di ko na inisip at hinangad na magkalovelife at wala na kong inintindi kundi ung studies ko.

    

Bonheur SilencieuxTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon