chapter 1(PEPAY and her story)

97 0 0
                                    

I'm Pepay Tan, a 4th year business administration student here sa EU(East University).Sa apat na taon ko dito sa unibersidad na ito,marami ng naganap,marami na akong naging kaibigan,marami na akong natutunan at marami na din ang dumaan para paibigin ako at ibigin ko din.

Hindi tulad ng nasa isip niyo na marami akong naging boyfriend, marami lang akong naging crush na pinaHOPIA  ako sa mga sweety sweety lines and moves nila na sa Friendzone lang naman ang bagsak.
Dahil hindi daw pedeng maging kami kasi.....

Transferee ako dito sa EU, kasi na broken hearted ako sa dati kong school.

Hindi tipikal na brokenhearted.Hindi din tipikal na lovestory.

Nainlove ako noon kay Diether, masaya naman ang naging relasyon namin.Para kami noong Marvin at Jolina.Pero bigla nalang nagbago ang lahat ng dumating sa school namin si Paolo.Si Paolo, na hindi ko alam ay ex pala ni Diether.Oo, ex siya ni Diether, bisexual si Diether at kaya siya nakipagrelasyon sa akin ay para daw magbago na siya gusto na daw niya kasing maging straight.

Ngunit ang gusto niyang mangyari ay hindi naganap. Nagbalikan sila ni Paolo dahil naramdaman niya na hindi niya kayang magbago at mahal pa rin niya si Paolo.

Hindi ko kinaya ang pangyayaring yun.Hindi ko kayang makita silang magkasama.Tatanggapin ko pa sana kung sa isang babae niya ako pinagpalit.Hindi e, sa isang bakla!Kaya lumipat ako ng school.

Ang buong akala ko pag lumipat ako ng school, magiging okay na ang lahat.Hindi pala...

First year naman ako noon dito sa EU, nakilala ko naman si Alexander. Gwapo, mabait, matalino, matipuno, sweet at caring, yan si Alexander.Yan ang dahilan kung bakit ako nainlove sakanya.Pinaramdam sa akin ni Alexander na importante ako sakanya. Tinulungan ako ni Alexander na makamove-on.Akala nga ng marami kami daw. Pero sa tuwing sasabihin nila yun, parang hindi niya nagugustuhan

Minsang tinanong ko siya, kung ano ba talagang meron kaming dalawa,at ang sagot niya "friends" lang daw kami.Ganun lang naman daw talaga siya sa mga kaclose niya na babae.At hindi pa siya ready sa relasyon, dahil naguguluhan pa siya sa kung ano ba talaga ang gusto niya, girl o boy.Another epic fail lovestory.

Hindi ko ba alam kung anong masama ang nagawa ko, at lagi nalang epic fail ang lovestory ko.Wala naman akong sinaktan, wala naman akong pinaluha.Masama ba yung before life na Pepay?.Ang tanging ginawa ko lang ay ang magmahal.Masama bang  magmahal?Kung sino pa yung nagmamahal sila pa yung nasasaktan?!Ganito ba talaga maglaro ang tadhana?

Akala ko, tama na yung dalawang epic fail na lovestory ko.Hindi pa pala, may magnet ata ako ng "bisexual magnet".

Third year naman ako dito sa Eu ng maging friend ko ang isang dancer na si JP.Kasali siya sa kultura,bayle at awit,isang organization dito sa department namin. Heartthrob siya,kasi bukod sa gwapo siya,dagdag points pa ang pagiging magaling niyang dancer.Swerte ko nga daw kasi, sa dami ng babae na naging friend ni JP sa akin siya pinaka-close,sa akin siya pinaka-nagkecare.

Nandito na naman ako sa point na, nahuhulog na ang loobko sa kasweetan at pagcare na ginagawa niya.

Madalas kaming magkasama,lumalabas,at gumigimik.

Pero ayan na naman ang sumpa, makalipas ang ilang buwan, hindi na kami masyado nagkikita.Hindi na siya masyado nagtetext.

Hanggang sa isang balita ang nalaman ko, si JP  at ang friend ko na si Tophy ay magboyfriend na.

Ginawa lang niya akong tulay para maging close si Tophy at maging sila,kaya pala laging gusto niya kasama namin si Tophy,yun pala kasi type niya ang friend ko!.

Sa pangatlong pagkakataon, umuwi akong luhaan.Sa isang bakla na naman napunta ang gusto ko.Siguro ito na ang tadhana ko.Siguro, tomboy talaga ako.Siguro sa bisexual na ang makakatuluyan ko.

Huwag naman sana.

Umaasa parin ako na isang araw makakatagpo ako ng lalaki, tunay na lalaki na mamahalin ako at mamahalin ako.

Naniniwala parin ako na hindi ganun kasamang maglaro ang tadhana.

At naniniwala parin ako na may happy ending ang lovestory ko.

Ang soulmate kong professorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon