chapter 3 ( the meet up)

65 1 0
                                    

4:30pm na,oras na para makilala namin ang bago naming professor.Hindi ako kinakabahan ngayon,excited pa nga ako makilala kung sino man siya.Ngayon lang ako na-excite  ng ganito,di ko alam kung bakit.Pogi siguro siya,Joke

"asan na kaya si sir?" iritang tanong ng isa sa mga kaklase ko,habang nasa unahan ng classroom.

"hello guys,sorry sorry I'm late" sambit ng isang lalaki, mula sa likurang pintuan, at nagmamadaling pumunta sa unahan ng classroom namin.

"sino siya?"

" siya na ba prof natin? "

"fresh"

"cute naman"

yan ang mga bulungan ng mga kaklase namin.

" is this the class of recruitment&selection and also the traing&development?" tanong ng bago ata naming prof.

" opo! " paecho na sagot ng kaklase ko.

Habang ako naman nakayuko lang  sa lamesa,dahil inaantok na ako.

"okay!" sabi niya na mukhang pagod na pagod ang boses.

"bes kamukha siya ni bryan termulo" kinikilig na bulong ni kevin sa akin.

"ay hayai siya!"

"kamukha siya ni kio, at para din siyang si kio" bulong din naman sa akin ni Janna

Si kio isa sa mga friends namin na cute pero may pag kabisexual.

"bakla?" tanong ko sakanila

" bumangon ka kaya diyan ng makita mo, at magbibigay na pati ng classcard"  pataray na sagot ni kevin

Bumangon naman ako sa pagkakayuko, ng makita ang sinasabi nilang kamukha ni bryan termulo, na fresh na professor namin.

At...

at...

at...

Nagkaroon ng mga 10seconds na pagtigil ng mundo ko.

" pepay? pepay? yung classcard? kunin mo! tulala ka na naman." pasigaw ng sambit sa akin ni Janna

Tumawa naman ang professor namin.

"peeeepaaayy" sabi ng prof namin habang nakangiti

Pagkaalis niya sa pwesto namin, bumulong si Janna at Kevin sa akin.

" na-starstruck ka ano?cute ba? "sabay tawa, at dumiretso sa pagfifill-up ng classcard.

"sira kayo, tigilan niyo nga ako "

Siya nga ba yung nakikita ko ngayon? Totoo nga ba yung nasa en.followland.com? Di ako pedeng magkamali,ang professor namin at ang lalaki sa bar ay iisa. Siya na nga kaya ang soulmate ko?

One week ago...

May isang website na connected sa facebook, na nauuso ngayon.Doon mo malalaman ang first letter ng name ng soulmate mo at kung saan kayo magmimeet.Nagtry kami ng mga friends ko na gawin yun, wala naman kasing mawawala,kung itatry namin diba? Magkakaroon pa nga kami ng idea kung sino soulmate namin,kung totoo nga ba tong website na ito.

"bes, ako daw sa school, tapos letter B nag-iistart name niya, kayo ba?" tanong ni Janna sa amin,habang nagbabrowse sa phone niya.

"ako, sa bar ko daw mamimeet tapos letter E naman yung sa akin, hindi kaya si Edgar yun? HAHA" kinikilig naman na sagot ni Kevin.

(Si Edgar, yung long time crush ni Kevin.)

"ako naman sa bar din, pero letter P nagiistart yung sa akin"

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 18, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Ang soulmate kong professorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon