*Abba POV*
"Yes whoooooo malapit na tayo ", masayang sigaw ni juri
"wag ka nga dyang maingay juri nakakairita ka", sabi naman ni mich
"oyy tama na yan baka mag away na kayo dyan",awat sa kanila ni tin tin
"kaya nga wag nalang kayo dyan magsalita para hindi magulo", sabi rin naman ni chesa
Tumahimik nalang yung dalawa at ako naman ay tahimik lang sa isang tabi atsaka yung iba pa naming kasama na sina james,charles,gilo,keil,lex at jace.
Tinatanaw ko ngayon yung islang aming pupuntahan,ba't dito pa gusto niyo.Meron naman daw kase ditong bahay sina juri na itinayo.Kaya pumayag nalang rin ako.
"hey okay ka lang?",tanong saken ni eca
Tumingin ako rito at tinanguhan siya,ibig sabihin nun okay lang ako.
Ayoko munang magsalita,wala pa ako sa mood makipag usap.
Naputol ang aking pag iisip ng---"Nandito na tayo,bumaba na kayo dyan!!", sigaw na naman ni juri nakita ko itong nakababa na sa bangka.
Palagi na lamang itong nasigaw kada magsasalita Tss.Bumaba na kami sa bangka at sinabi dun sa lalaki na naghatid na bukas nalang kami balikan dito.
Umuo naman siya."bilisan niyo baka abutan pa tayo ng gabi papunta sa bahay", sabi ni juri.
Sinundan lamang namin siya.Bawat dinadaanan namin ay malalamba na damo,mukhang matagal narin itong hindi tinatabas.
Kaya hinahawi na lamang namin."wahhhhhhhhhhhhh",sigaw bigla ni chesa.
Napapitlag kami sa ginawa nito."ano ba naman yan chesa,ba't ka dyan bigla nalang sumisigaw ha?",naiinis na tanong ni gilo.
Kasunod pa naman nito si chesa na ngayon ay nakataklob sa kanyang mata.
May itinuro siya kaya napilitan kaming tingnan ito."parang tanga lang chesa?baboy ramo lamang yan tss kala ko kung ano na", saad naman ni mich na nakakunot ang noo.
"pasensya na ha,baka nakana yan sa mga patibong namin dito baka nakalimutan lang alisin ng tiya ko,siya kase ang nag babantay ng aming bahay dito ", sagot ni juri.
"ahhhhhh",yun lamang naisagot nila.
Nagpatuloy na ulit kami sa paglalakad at maya maya ay nakarating na kami dito sa isang malaking bahay.Medyo naluluma na ito pero maganda parin ang pagkakatayo nito.
Pumunta si juri sa may pintuan at binuksan ito.
"oh pumasok na kayo",sabi nito
Pumasok na kami sa loob,masasabi mo talagang magaling mag alaga ng bahay ang tiya niya dito dahil nga sa linis tapos maayos pa mga kagamitan.
"tara sa taas,dun niyo ilagay ang mga gamit ",pag aya niya.
Sinundan namin siya ulet at mabilis lang rin kami nakarating sa taas.
"Dito niyo ilagay gamit niyo mich,tapos kayo naman jace diyan kayo sa kabilang kwarto",sabi ni juri.
Sumunod na lamang kami sa kanyang sinabi at inilagay na namin sa loob ang aming mga gamit.
"Maghahanda muna ako ng makakain niyo,dyan muna kayo",sabi ni juri bago umalis na at bumaba.
"Mag gagabi narin pala,ligo muna ako ",imik ni eca.
Lumabas na siya at ang natitira na lamang ay kaming apat nina mich,tin tin,at chesa.
Tahimik lang sila at ako naman ay naglibot muna dito sa kwarto.
Tiningnan ko ang mga nakadikit na picture frame.
Kalumaan narin ito at hindi ko masyadong makita ang mga mukhang nandito.Nilagpasan ko ito at di ko sinadyang natangko ang isang frame sa drawer.
Nahulog ito kaya pinulot ko.
Ng makuha ko na ito ay napatingin ako dito.
Isang batang babae,tapos nakaakbay rin ito sa isang batang babae.Mas matangkad yung isa.
Malabo rin ito kaya di ko makilala kung sino ang mga batang yun.
Matagal na siguro itong nakaistock dito,kaya di masyadong nagagalaw.
Binalik ko na ito sa itaas ng drawer bago humiga nalang sa malambot na kama at napapikit.*end of pov*
BINABASA MO ANG
Escaping Death
Paranormalғɪɴᴅ ᴍᴇ, ʏᴏᴜ'ʟʟ sᴇᴇ "ᴅᴇᴀᴛʜ ɪs ᴄᴏᴍɪɴɢ! ᴡᴀᴛᴄʜ ᴄᴀʀᴇғᴜʟʟʏ ᴄᴀᴜsᴇ ᴅᴇᴀᴛʜ ɪs ʏᴏᴜʀs"