*Charles POV*

Nakatayo parin ako ngayon sa isang tabi at pinapanood lamang sina jace sa may sala.
Hindi ko lubos na maisip na may masasaktan akong tao.
Inuna ko talaga ang galit kesa sa pasensya.
Nakaramdam ako ng pagsisisi kaya naisipan kong lumayo muna saglit para makapag isa at makapag isip.

Lumabas na ako sa bahay at kahit malalim na ang gabi, hindi ako nakaramdam ng takot kahit na may nangyayari na.
Nag ikot ako sa paligid, gamit ang flashlight ng aking cp.
Medyo nakakalayo narin ako sa bahay kaya naisipan kong bumalik, ngunit  napagawi ang aking tingin sa gilid kaya may nakita akong parang isang bodega, kalumaan narin ito, natatakluban ito ng ibang malalagong halaman kaya hindi rin ito masyadong pansin.
Dahil nanga sa linaw ng mata ko, nakita ko parin ito.
Nacurious ako kaya imbis na bumalik na sa bahay ay ibang gawi ako pumunta.
Parang may nagtutulak saken na pasukin ito.
Mga ilang minuto sa paglalakad ay nakarating na ako sa lumang bodega.
Dahan dahan akong pumasok sa loob.
Ng makapasok na ako, pinagmasdan ko itong looban,may mga halaman naring tumutubo sa mga gilid tapos maalikabok pa, may nakita akong susunod na lagusan kaya dumiretso na ako dito.
Pagkapasok ko pa lang, may masangsang ako na naamoy, amoy patay na kung ano.
Nagpatuloy lang ako sa pag iikot, may konting kalawakan ito, kaso madilim talaga ngayon kaya di ko masyadong kita ang lahat kahit na may flashlight ng cp ako na gamit.
Palobat narin cp ko at alam kong magshashutdown na toh mamaya.
Napansin ko ang isang lumang upuan sa harapan ko na hindi ko pala napansin agad kanina.
May tali sa baba ng paanan nito.
Nakita kong may bahid ng dugo sa paligid nito.

"Mukhang medyo sariwa pa toh", mahina kong sambit
Nakita ko na parang may iba pang tulo ng dugo sa ibang pwesto kaya lumakad ako, napatigil ako sa may pinakagilid at napaluhod ako sa aking nakita.
Putol putol na parte ng mga katawan ang nakita ko.
Puno ng kaba  at hindi maipaliwanag ang aking nararamdaman, parang bumabaliktad ang aking sikmura sa mga parteng katawan na aking nakikita ngayon.
Sumasakit ang ulo ko dito.
Gusto kong tumayo at umalis dito ngunit hindi ako makagalaw.
Pero pinilit ko paring tumayo kahit na nanginginig narin ako.
Ng tuluyan na akong makatayo ay lumakad muna ako ng dahan dahan at medyo natutumba ako kaya naman may nahawakan ako at nanlaki ang aking mga mata hindi dahil sa putol na kamay na nakita ko kundi sa bracelet na nakalagay dito, kilala ko kung kaninong bracelet ito...

"H-hindi hind-di maaari, kay tin tin i-ito"

Nauutal kong sabi.

*clap* *clapp* *clap*

"hindi ko alam na makakapunta ka pala sa lugar na ito?"

Isang malamig na boses ang aking narinig, na nagpabilis ng tibok ng puso ko.
Hindi ako makaimik.

"masyado ka naman yatang nagmamadali sa buhay mo"

Mas lalo akong nahintatakutan sa kanyang sinabi, halo halong takot at kaba ang aking nararamdaman, kaya napalingon ako sa nagsalita na iyun.
Pagkalingon ko palang ay isang pigura ng isang tao ang nakatayo ngunit hindi ko makita ang mukha nito dahil narin sa naka coat ito na black tapos nakamask pa.
Masyado niyang iniingatan ang kanyang katauhan.

"sino ka ba talaga!!!!?", pasigaw kong tanong sa kanya

Humagalpak lamang ito ng malademonyong tawa at unti unting lumakad papalapit saken.
Hindi ko alam pero parang may nag uudyok saken na kailangan kong malaman kung sino talaga siya, gusto kong tapusin na ito para wala nang mapahamak pang iba.

"hindi mo ba talaga ako nakikilala? O sadyang nagtatanga tangahan ka lang talaga?sabagay pano mo nga naman ako makikilala eh wala ka naman talagang  pakealam sa mga taong nakapaligid sayo dba? ",
pabalik niyang tanong saken ngunit sa bawat salita parang may gusto siyang ipahiwatig.
Naging mahinahon na ang pagsasalita niya pero hindi nawawala ang lamig ng kanyang boses.

Hindi ko siya sinagot pero tinamaan ako sa sinabi niya.
Medyo nasaktan ako sa sinabi niya.
Napatayo ako ng maayos sa aking kinatatayuan ngayon.
May plano ako, kailangan kong gawin ito.

"patayin mo nalang kaya ako? Ganyan naman ang gusto mo bakit hindi mo agad ako patayin ngayon?wala naring silbi itong buhay ko dahil nawala na saken ang taong mahal na mahal ko, isunod mo na ako, sige na para makasama ko narin siya", matapang kong saad sa kanya.

Napahinto siya sa paglalakad palapit saken dahil sa mga sinabi ko.

"bakit ka huminto?", tanong ko tapos ako naman ang unti unting lumapit sa kanya.

"wag kang lumapit", bigla niyang inilabas ang isang baril at itinapat ito saken kaya napahinto ako dito.
Anong klaseng tao ito.

"umalis ka na, hanggat may oras ka pa", sabi nito.

"bakit? Bakit aya--"

*bang*

Hindi ko na naituloy ang aking sasabihin ng nagpaputok siya ng isa ngunit hindi niya ito pinatama saken.
Nagulat ako sa ginawa niya.

"Umalis ka na sabi!!!!!! Bilisan mo na!!!", galit na sigaw niya saken.

Nataranta ako sa kanya kaya nagmadali narin akong tumakbo palabas sa sinabi niya.Kung ano man ang rason niya kung bakit niya ako hinayaang makatakas, isa itong katanungan saken
Pero bago ako makalayo sa kanya, tiningnan ko siya at nakita kong nagtanggal ito ng mask na nagpahinto sa aking pagtakbo.

"paano---------- *bang* *bang*

Hindi ko natapos ang aking sasabihin ng bigla akong napaluhod at naramdaman kong may likidong dumadaloy sa aking likod.
Nanlalabo ang aking mga mata pero nakita kong napalingon siya saken, nagulat rin ito at tumakbo papunta saken.
Hindi ako nagsisising napapunta ako sa lugar na ito.
Masaya ako dahil sa isa pang pagkakataon ay nakaramdam ako ng konting saya ngunit may halong sakit ngayon.
Napapaluha ako hindi dahil sa tama ng bala ng baril saken kundi dahil sa taong tumatakbo papunta ngayon saken.

"CHARLES!!!!!!!!!!!", sigaw niya.

Nakalapit na ito saken.
Dito na tuluyang pumatak ang aking mga luha, kaya pala kanina nakaramdam ako ng iba sa kanya.
Ngunit nanghihina na talaga ako, unti unti ng lumalabo ang aking mga mata.
Sa bawat saglit na napapamulat ang aking mga mata, nakikita kong may sinasabi siya ngunit hindi ko na ito maintindihan dahil narin sa nanghihina na ako at hindi ko na kaya.
Kahit malabo na aking paningin, nakita ko paring may biglang sumipa sa kanya palayo saken.
Kahit nahihirapan na akong huminga, na bumibigat na ang aking pakiramdam ngayon.
Hinawakan ko ang paa ng taong sumipa sa kanya para hindi ito makalapit sa kanya.
Pero madali lang rin akong nasipa nito.
Ang hina hina ko, kung sinunod ko lang sana ang sinabi niya, kung tuluyan lang sana ako nakaalis sa lugar na ito edi sana may nagawa pa ako, may naitulong rin sana ako sa mga kasama ko.

"w-ag mo s-iyang s-aktan", nanghihina ko ng pagmamakaawa dito.
Napahinto ito sa kanyang ginagawa, hinila niya ang taong iyun papalayo saken at umalis sila.
Nagpupumiglas siya ngunit wala itong magawa kaya napilitan siyang sumama dito.
Nakatingin parin siya saken pero kahit sa huling sandali ay masasabi ko ito.

"S-alamat"

***********************************

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 04, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Escaping DeathTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon