*Mich POV*

Nakaupo na kaming lahat ngayon sa mahabang mesa na may mga nakahanda ng mga kakainin maliban lang kay abba.
Hindi na namin ginising kaya hinayaan na lang namin,baka pagod pa yun.
Pero hindi parin talaga ako makamove on kanina dahil dun sa pananakot ko tapos mukhang nakarma agad ako dahil sa kakaibang nangyari rin.

*Flashback*

"Ayy tulog na siya", salita ni chesa habang nakatingin kay abba na ngayon ay mahimbing na natutulog.

"haha nahihili ka?matulog karin",ngising saad ni tin tin kay chesa.

"hmmp wag na haha pagtripan niyo pa ako tss kilala ko na kayo",tugon naman ni chesa.

At ako naman ay walang magawa kaya naisipan kong takutin sila.

"tin tin,na-nakikita n-yo ba yun?",manginig nginig kong sabi habang nakaturo sa may labas ng bintana.

Napatayo naman sila sa sinabi ko at pumunta sa pwesto ko.

"g*g* yata ito,ano ba yung nakikita mo?",naiinis na sabi ni chesa

Pinipigilan ko parin ang sarili ko na wag matawa dahil sa mga itsura nila.
Epic naman.
Hinawakan ko kamay nilang dalawa na pinapanginig ko parin katawan ko.

"N-nandun sa m-may gilid,t-tingnan niyo", kunwaring takot kong sabi.

Maya maya pa ay hinigit nila ako para tumakbo,nang mabuksan na namin ang pinto ay biglang may nahulog na kung ano kaya napasigaw sila pati narin ako.
Nakita kong may kulay pula dun sa parang tela  na bilog.Hindi ko mawari kung ano.Dugo ba yun?
Nacurious ako kaya tinanggal ko pagkakahawak saken nina tin tin at chesa.

Unti unti ko itong nilapitan at nang hahawakan ko ay ---

"wag mong hawakan!",napapitlag ako sa nagsalita.
Napatingin ako kung sino yun.

Isang matandang babae na ngayon ay nakatayo na sa aking gilid,matalim itong nakatitig saken.
At nagulat ako dahil hawak hawak na niya ngayon yung kaninang mabilog na tela.
Bilis naman niya.
Nanginginig akong humarap sa kanya.
Totoo na ngayon itong ginagawa ko at hindi na biro ko.
Kinilabutan kase ako.

"p-pasensya na po",tugon ko rito habang ramdam ko ang takot tapos yumuko pa ako,may nararamdaman akong mali dun sa tela.

"okay lang yun basta sa susunod wag kayo masyadong magtakutan mga iha ",biglang mahinahon nitong sabi at iniangat ko ang tingin dito na ngayon ay nakangiti na,hindi katulad kanina na parang mangangain nang buhay na tao.

Nawawalan narin ako ng konting kaba.

"tiya anong meron?",biglang sulpot ni juri, na kasama na niya ngayon si eca tsaka sina jace na walang alam sa nangyari.

"wala naman pamangkin,tiningnan ko lang sila kung okay lang kase narinig kong nagtatakbuhan sila  dito sa kwarto.",mahinahon nitong sagot kay juri.

" ah ganon po ba,hayaan mo na sila tiya ganyan talaga yang mga yan,",tugon naman ni juri.
Tumango nalang sa kanya ang tiya niya at bumaba na ito pero nakita ko itong tumingin muna samen bago tuluyang bumaba.

"oyy tara na kakain na tayo,nagugutom na kase kami",biglang yaya ni jace.

"oo nga,nakapaghanda na ako ano ba yang mga itsura niyo parang nakakita ng multo,umayos nga kayo",pang aasar ni juri

"gumawa na naman siguro ng mga kalokohan itong mga to",pag hada naman ni eca habang pinupunasan ang kanyang buhok bago pumasok sa loob ng kwarto at inayos ang sarili.

"eto kase si mich,tinakot kami kanina",naaasar na sabi ni chesa

"kaya nga, pero natakot rin naman si mich kanina sa tiya ni juri haha",nakangisi nang saad ni tin tin

Wow parang kanina lang takot na takot,hindi maitsurahan.

"hayst mamaya na yang kwentuhan,lalamig na yung kanin at ulam dun sa baba", pagputol ni gilo sa mga pinag uusapan namin.

"tara nanga lang",pag yaya ko narin.

Sakto lang ang paglabas ni eca kaya nagsimula narin kaming bumaba sa hagdan.

"si abba?",tanong ni james

"ayun di ko magising,hinayaan ko na lamang matulog,mamaya nalang siya kumain,pagod pa yun",sagot na ni eca kay james.

Nakababa na kami kaya naman pumwesto na kami sa bawat upuan.

*end of flashback*

So yun nanga ang nangyari kanina hayst.Pinagsisihan ko tuloy ang manakot sa kanila.
Pero iniisip ko talaga yung kanina na mabilog na tela,creepy eh dugo yata talaga yung nakita ko,hindi ako maaaring magkamali dun.

"Tulala ka dyan mich?",nawala ako sa aking pag iisip ng magsalita si eca na katabi ko.

"ah hehehe wala iniisip ko lang si abba",palusot ko sa kanya.

Tinaas ni eca ang kanyang kilay at tiningnan ako sa aking mga mata na parang sinusuri kung nagbubulaan ako o hindi.
Well magaling ako dyan.

"oh mamaya na yang kwentuhan niyo,kumain na muna kayo bago yan",salita naman ni james sa amin.

Hindi nalang kami nagsalita at nagkanya kanya na kaming sandok ng makakain.

<<<fast forward >>>>

Nakahiga na kami ngayon sa isa pang kama, kase dalawa itong kama tapos malawak pa space sa kwarto kaya luwag kami.
Sa kabilang kama,sina tin tin,eca,at chesa,samantalang dito naman kami nina juri at abba sa isang kama.
Tulog mantika talaga ito si abba,baka bukas pa to magising.

"Naboboring ako,wala ba tayong gagawin?",pagsisimula ni eca bago umupo ito at nagkakamot sa kanyang ulo.

"matulog nalang ,bukas nalang tayo maglibang tss mag iingay pa kayo ",tugon ni juri.

"ehh gusto ko ngang maglibang muna,dali na maglaro tayo kahit ano",makulet na sabi talaga ni eca.

"bukas nanga lang eca,gabi na tsaka may natutulog sa kabilang kwarto na kasama rin naten,wag na tayong mang istorbo",wika naman ni chesa.

"hayst bahala nga kayo dyan",pagdadabog ni eca at lumabas ng kwarto.
"makababa ng muna at makainom ng tubig",sunod pa nitong sabi.

Hinayaan nalang namin siya na lumabas ng kwarto at kami naman ay nag ngisihan lamang.

"Kahit kelan talaga yun si eca,kung ano gustong maisipan na gawin",nangiti ngiting saad ni tin tin.

"hindi na kayo nasanay dun,gonggong yun eh",tugon rin ni juri

Tumawa nalang kaming dalawa ni chesa sa sinabi nina tin tin at juri.

"aaaaahhhhhhhhhhh tulong!!!",napatayo kaming tatlo at napatakbo sa labas ng kwarto ng marinig ang boses ni eca na sumisigaw.

"anong nangyari?",sulpot nina charles at sila rin ay nasa labas ng kwarto.

"tara puntahan naten",pagmamadali ni jace at sinundan narin namin ito pababa papunta sa kinaroroonan ni eca.

*End of POV*



Escaping DeathTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon