*No one's POV*

*bogshhh....blaggggg..Boghshhhh*

"Kasalanan niyo ito eh kung hindi nalang sana tayo pumunta sa islang ito edi walang ganitong nangyayari",galit na galit na sabi ni kiel sa kanyang mga kasama habang pinagtatapon ang mga vase na katabi niya.

"kumalma ka naman kiel,wag mong pairalin yang galit mo ngayon,hanapin nalang naten sina tin tin",malumanay na saad sa kanya ni juri.

"paanong hindi siya kakalma juri?eh nawawala nga sina tin tin at iba pa nating kasama,wala ka ba talagang pakealam sa kanila?oh baka naman gusto mo talaga silang mamatay kaya ka ganyan",seryosong sabi sa kanya ni jace

Napatingin naman si juri sa kanya at may lungkot sa mga mata nito.

"Wala ba talaga kayong tiwala saken?",naiiyak na tanong ni juri at napaupo ito.

"Tumayo ka dyan juri,wag kang mag iyak dyan,hindi ko alam kung pagkakatiwalaan ka namin dahil ikaw lang naman ang nakakaalam sa lugar na ito pero bakit wala kang ginagawa para mahanap ang taong pumatay sa kasama natin,hindi kaya ikaw ang pumatay sa kanila",mahabang pahayag naman ni james.

Napahinto sa pag iyak si juri at iniangat niya ang kanyang tingin kay james.
Nalulungkot siya dahil wala silang tiwala sa kanya.
Nagulat si juri ng hinigit siya bigla ni charles at hinawakan sa magkabilang braso na mahigpit.
Nasaktan siya sa ginawa nito.

"charles ano ba,masakit yang ginagawa mo bitiwan mo nga ako",pagsusumamo ni juri at pinipinigilan nitong mapaiyak

"ikaw nga yata talaga ang killer,umamin ka na kase hindi yung pinapaikot mo pa ang mga ulo namin at pinaglalaruan lang kami",galit na galit na sabi ni charles

"nasasaktan ako charles plsss,tama na bitiwan mo ako",naiiyak ng saad ni juri at nagpupumilit na kumawala sa pagkakahawak sa kanya ni charles.

"pre tama na yan,nasasaktan siya",pag awat ni jace sa kay charles

Ngunit hindi parin ito pinakinggan ni charles sa halip ay mas lalo lang niyang hinigpitan ang pagkakahawak sa magkabilang balikat ni juri.

"tama na sabi *boggshhh*",sinuntok ni jace si charles at naalis ang pagkakahawak kay juri.
Napaupo sa sahig at napasapo si charles sa kanyang pisngi, pinahid niya ang kanyang dugo sa gilid nang kanyang bibig bago mabilis ring tumayo at inindahan rin ng suntok si jace.
Parehas lang sila nagpapalitan ng mga suntok sa bawat isa.

"hoyyy tumigil na kayo,wag na kayong magsuntukan mga pre",pag awat sa kanila ni kiel,hindi siya pinansin ng mga ito at patuloy parin sila na nagsusuntukan.

"Jace!Charles! Tigil niyo na yan,wag kayong magsuntukan!!",sigaw na ni juri at lumapit sa pwesto nila.
Nagpumilit rin siyang awatin ang dalawa ngunit naitulak siya ng malakas ni charles kaya napatama siya sa pader at napatama ang ulo nito.

"JURI!!!",sigaw ni Gilo.Tumakbo ito papunta kay juri na ngayon ay nawalan ng malay.

Napatigil sa suntukan sina jace at charles.
Ito namang si jace ay napatakbo narin sa pwesto ni gilo na ngayon ay buhat buhat si juri papunta sa sala.
Samantalang si charles ay nakatayo lamang at nakatingin sa kanila.

"damn", ang nasabi na lamang ni jace.

Nailapag na ni gilo si juri..

"nawalan lang siya ng malay, mamaya gigising narin yan, medyo napuruhan lang siya sa pag untog", saad ni gilo at umupo sa isang tabi

"Nakakatanga na, puro kase galit pinapairal niyo, mga tanga rin kayo", galit nang wika ni james.

"Palampasin niyo muna yang mga galit niyo, nagkakasakitan na tayo dito eh", tugon naman ni gilo

Tumahimik naman ang paligid at walang nagsalita ni isa sa kanila.

*Sa kabilang banda*

Nagkamalay si chesa at napatingin sa kanyang paligid, pero nanlalabo parin ang kanyang mata.
Dahan-dahan siyang tumayo habang hawak ang kanyang ulo.

"Ano ba nangyari! Ba't ako napapunta dito", mahina niyang saad at nakita niyang nasa pwesto siya ng mga sirang gamit o kaya naman mga appliances , ibig sabihin nasa dulong kwarto siya kung saan dito talaga ang tambakan.

"c-chesa"

Napatingin ito sa tumawag sa kanya.

"abba!", gulat niyang sabi at tumakbo papunta sa pwesto ni abba na ngayon ay nakahiga parin at pinipilit na bumangon.

"tulungan na kita, anong nangyari sayo bakit may mga sugat ka?",inalalayan niya si abba na tumayo

"hindi ko alam, nagising nalang ako ng ganto, parang may sumaksak saken", nanghihina nitong sagot

"ako rin, nagkamalay nalang tapos ang sakit sakit ng ulo ko", tugon ni chesa sa kanya.

"Umalis na tayo dito, bilisan na naten", sabi ulet ni chesa na kinakabahan.

Nagsimula na silang lumakad..

Ngunit may nasipang bagay si abba kaya napahinto sila sa paglalakad
Napatingin sila sa bagay na nasipa,isa itong kahon, naisipan nilang lapitan.

"tingnan mo kaya kung anu yan", salita ni abba kay chesa.
Sumunod naman si chesa dito.
Kinuha niya ang kahon at unti unti itong binuksan.

"AHHHHHHHHHHHHHHHHHHH", napasigaw si chesa sa kanyang nakita.
At naitapon niya yung kahon, hinigit niya si abba kahit may sugat pa ito para tumakbo.

"teka chesa, ba't ka natakot? Ano ba laman nung kahon", pagtatanong sa kanya ni abba habang iniinda nito ang sakit sa katawan kahit natakbo na sila.

"w-wag m-o n-ang tanungin, b-asta umalis na tayo dito", nanginginig at natatakot nitong sagot.

Hindi nalang nagtanong pa si abba, at nagmadali nalang sila tumakbo.

***********************************

Escaping DeathTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon