Day #5

8 2 0
                                    

Nagising ako nang maaga ngayong araw. Pero ang mas nakakagulat ay unang nagising sa akin si Elaine.

"Good morning babe, gutom ka na ba? Give me 10 minutes at matatapos ko ba ito"bungad niya sa akin nang bumaba ako mula sa kwarto at nadatnan ko siyang nagluluto sa kusina.

"Bakit mo ginagawa 'yan? Dapat ako ang gumagawa niyan para sa iyo?"I was about to get the pan nang bigla niya akong harangan.

"Hep! Give me this to me, babe. Gusto lang kita ipagluto. Please..."she said habang patuloy ang paghalo ng fried rice na nasa pan. Napabuntong-hininga na lang ako at wala nang nagawa. Kung matigas ang ulo ko, doble naman ang kanya. Kaya wala akong magagawa. Siya kasi yung tipo ng babae na kapag ginusto niyang gawin, gagawin niya. Walang sino man ang makakapigil sa kanya kahit ako pa.

"Okay... suko na ako. It's all yours."wika ko sabay taas ng dalawa kong kamay at nakangiti sa kanya.

"Good!"nakangiti niyang tugon at kinuha niya ang upuan sa mesa. "Kaya just seat right here and wait until I'm done."saad niya.

"Okay my queen."wika ko at nakangiting umupo sa upuan habang siya naman ay ipinagpatuloy ang kanyang pagluluto.

Ngunit sa gitna ng kanyang pagiging abala ay isang pamilyar na mukha ang natanaw ko mula sa labas ng bintana. Muli kong nakita ang lalaking nakaputi na nakaharap sa dalampasigan. Sinadya niya sigurong tumapat sa cottage kung nasaaan kami para mapansin ko siya. Ilang metro lang ang layo niya mula sa kubo namin kaya aninag ko at hindi ako maaaring magkamali sa nakikita ko. Napatayo ako sa kinauupuan ko.

"Babe, pahangin lang muna ako sa labas."pagsisinungaling ko habang abala siya sa pagluluto.

"Sige, pero huwag ka masyadong lalayo ha? Malapit na 'tong maluto."wika niya pero hindi na ako sumagot. Sa halip, nagtungo ako sa kinaroroonan ng lalaking nakaputi.

Nananatili pa rin siyang nakatingin sa dalampasigan ngunit ramdam kong alam niyang paparating ako dahil kumaway siya mula sa likuran niya upang senyasan ako na ramdam niya ang presensya ko. Napakamisteryoso niya ngunit wala akong maramdamang takot dahil mukha naman siyang mabait.

"Sino ka ba talaga?"tanong ko sa kanya.

"Lumulubog ang araw. Nalalaglag ang mga dahon sa sanga. Nauubos ang oras. Ngunit ang pag-ibig ay hindi kaagad mapapawi. Gawin mo ang lahat ng natitirang araw at oras mo upang maging masaya. Dahil bilang na lang ang mga araw na makakasama mo siya."malalim na tugon niya at napakalayo sa tanong ko kung sino siya.

"Salamat sa pagkakataong ibinigay mo. Ipinapangako ko na hinding-hindi ko siya sasaktan o bibiguin."sabi ko at sa pagkakataong iyon ay humarap na siya sa akin.

"Suotin mo ang kwintas na ito upang maalala pa ng lahat ng taong makakasalamuha mo na buhay pa si Elaine at hindi kailanman siya namatay."wika niya habang isinuot sa leeg ko ang kwintas na hugis bilog at parang kulay kape.

"Salamat. Ano po bang pwede kong itawag sa inyo?"muli kong tanong.

"Hindi mo na kailangan pang makilala ako. Basta ang bilin ko ay huwag na huwag mong huhubarin ang kwintas na iyan kahit na anong mangyari."wika niya.

"Babe!"sigaw ni Elaine mula sa likuran ko kaya napalingon ako sa kinaroroonan niya.

"Kanina pa kita hinahanap nandito ka lang pala. Let's go, nakahanda na ang breakfast."anyaya niya at hinawakan ang aking kamay. Ngunit bago pa man kami makabalik sa kubo ay muli kong nilingon ang kinaroroonan ng lalaking nakaputi ngunit laking gulat ko na wala na siya mula roon.

"Babe, wala ka bang nakita kanina na lalaking nakaputi sa harap ko? Kausap ko lang siya kanina?"nagtataka kong tanong sa kanya.

"Wala naman. Bakit?"pagtataka rin niya.

"Ah wala..."saad ko.

"Alam mo, gutom lang 'yan. 'lika na, kumain na tayo. Masarap yung niluto ko."aniya habang hinahatak ako papunta sa kubo namin. Ngunit muli ko pa ring sinulyapan ang lugar kung saan ko nakita ang misteryosong lalaki kanina.

Suotin mo ang kwintas na ito upang maalala pa ng lahat ng taong makakasalamuha mo na buhay pa si Elaine at hindi kailanman siya namatay.

Hindi pa rin maalis sa isipan ko ang sinabi ng misteryosong lalaki kanina. Kaya napahawak ako sa kwintas na binigay niya sa akin kanina habang kumakain kami.

"Ano ba 'yan, Babe? Bakit parang seryoso ka sa pagtitig sa kwintas na 'yan?"usisa niya nang mapansin niyang tinitingnan ko ang kwintas.

"Ah wala, nabili ko lang kanina sa souvenir shop kanina. Na-cute-tan lang ako kaya binili ko."maang ko sa kanya habang nagsasandok siya ng fried rice sa plato ko. Medyo naparami kasi ang kain ko ngayon dahil nagluto siya. Chef na sana si Elaine kung hindi lang sana siya nagkasakit at nawala. May nag-offer kasi sa kanya na isang restaurant na maging chef nila kaya lang umatras ang owner sa contract signing nila nang malamang may leukemia si Elaine.

"Cute ba 'yan? Parang hindi naman?"napangiti na lang ako dahil sa sinabi ni Elaine. Oo, hindi siya ganun kadali makaappreciate ng bagay pero hindi rin naman siya materialistic na tao. Para kasi sa kanya. Perfection of a thing is a must. If you want to earn that you need to work hard for that kaya mas gusto niyang nakakakita ng magagandang bagay kesa sa mga bagay na parang basta lang ginawa just like the necklace that I'm wearing right now. Oo nga naman. Parang batong buhay lang na tinalian. Pero mahalaga 'to sa akin ngayon dahil sa bilin ng misteryosong lalaki kanina. Totoo kaya na hindi maaalala ng kahit na sino na patay na siya?

"Babe, what if dalawin natin sina Keeno?"wika ko sa kanya. Susubukan ko kasi kung totoo ang sinasabi ng misteryosong lalaki na 'yon.

"Hindi magandang biro 'yan babe."wika niya na ikinagulat ang sinabi ko.

Si Dylan kasi ang best friend ko na alam na alam lahat ng nangyayari sa buhay ko. Kahit nasa London na kami ng pamilya ko. Hindi pa rin niya ako kinakalimutang kamustahin lalo na nung mamatay si Elaine.

"Babe, I'm not joking. Besides, matagal na tayong hindi nakakadalaw sa kanya."seryoso kong tugon.

"Ano ka ba?! Alam na alam ni Keeno na patay na ako. Gusto mo bang mahimatay 'yon kapag nakita ako?"sabi niya na tila naiinis na.

"No babe... ako'ng bahala. Hinding-hindi niya malalaman na namatay ka."wika ko. Pero naka-cross arms siyang nakatingin sa akin at salubong ang kilay sa inis. "Please..." muli kong pakiusap.

"Fine! Pero kapag talaga may nangyaring hindi maganda! Malilintikan ka talaga sa akin Esguerra!"bulyaw niya at alam kong inis na inis na siya dahil apelyido ko na ang binanggit pero hindi niya magawang makatanggi.

Ilang oras lang ang biyahe mula Batangas patungong Tagaytay kaya hindi kami nahirapan na puntahan si Keeno sa rest house nila. Sa Manila lumaki at nagkaisip si Keeno pero mas gusto niyang mag-stay sa rest house nila dahil tahimik dito at malayo sa toxic na mga tao sa Manila. Iyon ang dahilan niya sa akin.

Nagdoorbell ako at ilang saglit lang ay lumabas ang isang lalaki na nakahubad sa gitna ng napakalamig na klima ng Tagaytay.

"Dylan?"gulat na wika ni Keeno nang buksan niya ang pinto at makita ako.

"Kumusta pare?"nakangiti kong salubong.

"Bakit 'di mo sinabing umuwi ka pala? Sana nasundo kita!"saad niya.

"Gusto kita isurprise eh."ngisi ko sa kanya.

"Oh ehdi pumasok ka na nang makapagkwentuhan na tayo."sabik niyang wika pero napangisi ako dahil nasa likuran ko kasi si Elaine at halatang takot na takot dahil kanina pa niya pinipisil ang likod ko.

"Ah... eh... pare, may kasama pala ako."kinakabahan kong pagkakawika.

"Sino?"nagtataka niyang tanong.

Unti-unting lumapit sa akin si Elaine at dahan-dahang nasilayan si Keeno.

"Elaine?"nanlaki ang mga mata ni Keeno sa nakita at lalong lumakas ang kabog ng dibdib ko. Maalala kaya niya na patay na si Elaine?

END OF CHAPTER

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 21, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

30 Days of SummerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon