Day #3

57 4 0
                                    

5am

Sinadya ko talagang gumising ng maaga para ipagluto si Elaine, YES... Marunong akong magluto because before she died tinuruan ako ni Elaine how to cook. Hindi ko nga alam kung ano 'yung bagay na nagtulak kay Elaine para pilitin niya akong matutong magluto, siguro inihanda na niya ako sa oras na mawala siya kaya ko nang magluto mag-isa para sa sarili ko, but this time ako 'yung magluluto for her.

After few hours natapos ko na rin 'yung niluluto ko, nilagyan ko pa ng flower ang tray tapos umakyat na ako patungo sa kwarto, nakita ko siya na mahimbing pa ang tulog kaya inilapag ko muna sa side table yung tray na may pagkain at tumabi sa kanya. Nakatalikod ang puwesto niya kaya dahan-dahan kong inilapit ang mukha ko sa tenga niya at bumulong...

"Good morning my princess, time for breakfast."bulong ko sa kanya at naramdaman kong gumalaw siya at humarap sa'kin.

"Good morning..."mahina niyang tugon dala na rin dahil siguro ay inaantok pa siya.

"Bangon ka na, pinagluto kita ng breakfast kaya kumain ka na?"alok ko sa kanyang nang bigla siyang mapabalikwas ng bangon.

"WHAT?! Bakit hindi mo ako ginising?!"bulyaw niya na akma siyang tatayo ngunit nahawakan ko agad siya dahilan para mapaupo ulit siya sa kama.

"Hep! Hep! Saan ka pupunta?" tanong ko.

"Sa kusina, maghahain!"

"Umupo ka lang diyan at dito ka na kumain."kinuha ko ang tray sa side table at ipinatong sa harap niya"--breakfast in bed para sa pinakamamahal kong prinsesa."saad ko.

"Aaaah, ang sweet naman ng prinsipe ko."sabi niya with matching puppy eyes."--halika nga dito iki-kiss kita."dugtong niya.

"Pinaghanda na nga kita ng breakfast pati ako gusto mo pa papakin??"biro ko sa kanya.

"Ayaw mo? Owedi 'wag!" pagbabanta niya.

"Joke lang, syempre gusto!"

"Huwag na, nagbago na isip ko!"

"Eiiii... Sige na, please..."pakiusap ko sa kanya na parang bata. Tumingin naman siya sa akin at ngumiti.

"Halika nga dito..."anyaya niya at inilapit ko ang mukha ko sa kanya, hinawakan niya ang magkabila kong pisngi at hinalikan ako sa ilong."I love you..."dugtong niya na lalong nagpalundag sa puso ko pagkatapos niyang halikan ang ilong ko.

"I love you more baby..."malambing kong tugon at hinawakan ang baba niya sabay halik sa noo then after that magkapatong ang aming noo habang nagtititigan."I'm so sorry about yesterday, naging insensitive ako sa nararamdaman mo."dugtong ko sa kanya.

"It's okay, alam ko namang hindi magiging ganung kadali 'yun para sa'yo pero 'yun lang ang naiisip kong paraan para sumaya ka. Pero kung 'di mo kayang gawin, hindi na kita pipilitin, time will come at makikita mo rin 'yung babaeng dapat mong mahalin, soon."paliwanag niya na nakapagpaluwag ng aking kalooban.

"Ipagawa mo na sa akin ang lahat, pero huwag lang ang kalimutan ka."

"Sino bang may sabi na kalimutan mo ako? Kapag ginawa mo 'yun mumultuhin talaga kita..."bulong niya na may halong pagbabanta ngunit nakangiti pa rin.

"Hinding-hindi ko talaga gagawin 'yun dahil mahal kita."dahan-dahan kong inilapit ang mukha ko sa kanya hanggang sa maramdaman kong naglapat ang aming mga labi. Ilang segundo ko ring naramdaman na para akong lumulutang sa halik niya.

"Sabayan mo akong kumain."alok niya sa akin kaya hindi ko na nagawang tumanggi nang makita kong isusubo niya sa akin ang kutsarang may lamang pagkain.

After breakfast, nagyaya siyang sumimba at habang nasa simbahan kami tinititigan ko lang siya habang nagdadasal, ilang minuto din 'yun kaya nagkaroon din ako ng pagkakataong magdasal para magpasalamat.

"Anong hiniling mo?"tanong niya habang nakaupo kaming magkatabi sa loob ng simbahan.

"Wala!"kibit-balikat kong sagot.

"Wala? Eh mas matagal ka ngang nagdasal kesa sa'kin?"nagtataka niyang tanong.

"Hindi ko na kailangang hilingin ang kahit na anong bagay dahil natupad na ang hiling ko, at 'yun ay ang makasama kang muli."seryoso kong tugon.

"Eh ano lang 'yung ginawa mo kanina?"

"Nagpasalamat ako sa kanya sa pagtupad ng matagal ko nang ipinagdadasal."sabi ko kaya wala na siyang naisagot sa akin.

Inabot na kami ng gabi sa pamamasyal sa buong bayan kaya nagdesisyon na kaming umuwi.

"Did you enjoy this day?"tanong ko sa kanya nang makauwi kami.

"Sobra..."sagot niya.

"Promise ko sa'yo na bawat araw na ilalagi mo dito sa mundo hinding-hindi ka malulungkot."sabi ko sa kanya habang nakayakap sa likuran niya at nakapatong aking mukha sa balikat niya.

"Promise???"

"Honest 'to! PRAMIS!"biro ko sa kanya at napatawa naman siya kahit papaano.

Nandito ulit kami sa may dalampasigan, nakayakap pa rin ako sa likurang bahagi niya habang hawak ang mga kamay niya at nakapatong ang ulo ko sa kanyang balikat.

"Sana hindi na sumikat ang araw..."bulong ko.

"Bakit naman?"tanong niya.

"Para hindi na tayo magkahiwalay."

"Sana nga."pagsang-ayon niya.

Sa bawat oras na magkasama kami, walang segundo na hindi ko hiniling na sana tumigil ang oras. Pero kahit anong gawin ko alam ko na hinding-hindi mangyayari ang bagay na 'yun, kaya masakit man kailangan ko pa ring tanggapin.

30 Days of SummerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon