Day #2

64 6 0
                                    

Ilang oras na rin kaming nakatanaw sa pagsikat ng araw habang nakaupo sa pinong buhangin. Lumingon ako sa kanya na may halong pagtataka at tuwa, hindi ko kasi akalain na sa isang iglap makakasama ko ulit ang babaeng pinakamamahal ko pagkatapos ng napakahabang panahon, akala ko hindi na mangyayari ang araw na 'to.

"Bakit, may dumi ba ako sa mukha?" tanong niya nang mapansing nakatitig ako sa kanya.

"Wala naman, hindi lang ako makapaniwalang kasama pa kita ngayon?"tugon ko.

"Ang arte mo ha? Haha!"natatawa niyang sabi habang patuloy pa rin akong nakatitig sa kanya.

"Sana bigyan pa ako ng extension para makasama ka."napahinto siya sa pagtawa nangmagsalita ako.

Tumingin siya sa akin ng diretso at naging seryoso ang mukha niya nang humarap sa akin. Ilang segundong katahimikan, naririnig ko lamang ay ang hampas ng alon sa dalamparigan at ang hangin kasabay ng mga ibong nagliliparan. Hinintay ko ang pagbigkas niya ng salita ngunit sa halip luha sa kanyang mga mata ang nakita ko.

"Gustuhin ko mang pahabain ang araw at patigilin ang oras, wala akong magagawa Dylan. Dahil lahat ng bagay may limitasyon."nanaig ang lungkot sa aking damdamin. Pakiramdam ko'y hinampas ako ng napakalaking alon sa mga narinig ko.

"Ang sabi nila, lahat ng bagay may limitasyon... Hindi ako naniniwala doon, kasi kahit kailan hindi nawawala ang pagmamahalan sa bawat tao--"pinunasan ko ang luha sa mga mata niya bago muling magsalita,"--kaya hangga't mahal kita hinding-hindi ako maniniwala sa salitang may limitado sa mundo." Inilapit ko ang aking mukha sa kanya.

"Promise me that you wouldn't forget me."she said.

Hinawakan ko ang magkabila niyang pisngi.

"Whatever happens, I will never forget you Elaine. NEVER..."I said with an emphasis on my last word, ngumiti ako sa kanya habang patuloy pa rin ng pagluha niya kaya sa pagkakataong 'yun yumakap na ako sa kanya ngunit nararamdaman ko pa rin ang paghikbi niya na parang hindi niya mapigilan.

"Dylan, Can I have a favor?",tanong niya kaya agad akong bumitaw sa pagkakayakap at tiningnan siya.

"Anything for you, what's that?"

"Pwede bang sa pag-alis ko humanap ka ng panibagong babae na mamahalin?"kumunot ang noo ko sa mga salitang narinig ko.

"Nagbibiro ka ba?!"mariin kong tanong sa kanya dahilan para mapatayo ako sa aking kinauupuan ko.

"Dylan hindi 'to biro, I know it's hard but we need to accept the fact na ilang araw lang ang binigay sa aking palugit para makasama ka, at kahit masakit tatanggapin ko dahil gusto kong maging masaya ka sa araw ng pag-alis ko."unti-unting namuo ang takot sa dibdib ko, takot at sakit na tanggapin ang mga sinasabi niya.

"Akala mo ba ganun lang kadali 'yon Elaine? Hindi! Ilang buwan kong pinagdasal at hiniling na bumalik ka sa akin kahit alam kong imposible tapos ngayon ito ang sasabihin mo sa akin, how dare you to say that?! Alam mo ba ang pakiramdam na hindi ako makatulog at makakain dahil alam kong patay ka na? Alam mo ba na halos gabi-gabi akong umiiyak dahil hiniling ko na sana ako na lang ang nawala at hindi ikaw, tapos ngayon hihilingin mo na magmahal ako ng iba? SA TINGIN MO BA GANUNG KADALI LANG MANGYARI 'YON HA ELAINE?"bumuhos ang mabibigat na luha sa aking mga mata, naulit ang sakit na dinadala ko.

"Pero Dylan--"naputol ang sasabihin niya nang itapat ko sa mukha niya ang palad ko senyales na ayaw kong marinig ang sasabihin niya. Kaagad akong tumalikod sa kanya at naglakad papalayo.

Hindi ko kayang gawin ang gusto niyang mangyari, ilang buwan kong pinag-aralang kalimutan siya ngunit hindi ko magawa, at ngayong nandito ulit siya sa tabi ko mukhang mas lalo pa akong mahihirapang kalimutan siya.

Dumaan ang tanghali at hapon na hindi ko siya kinakausap, kahit sabay kaming kumakain hindi ko magawang magsalita o tumingin sa kanya hindi dahil galit ako sa kanya kundi dahil hindi ko kayang tuparin ang pabor na hinihingi niya.

"Dylan, please kausapin mo naman ako oh..."pagmamakaawa niya habang kumakain kami ng hapunan.

Alas otso na ng gabi ngayon ngunit kahit isang salita sa bibig ko wala akong mailabas dahil sa sama ng loob ko.

"Magpapahangin lang ako..."mahina kong tugon sa kanya at dumiretso sa may tabing dagat, tinitigan ko ang bawat hampas ng alon na parang gustong isampal sa akin ang sakit ng pinagdadaanan ko.

"Ilang araw na nga lang ang binigay kong palugit sinasayang mo pa, sa tingin mo ba hindi din siya nasasaktan sa nangyayari?" isang pamilyar na boses ang narinig ko mula sa aking likuran ngunit hindi na ako nagtangkang lumingon dahil alam kong ang lalaking nakaputi 'yon.

"Mag-sorry ka na, habang may natitira pang araw bago mahuli ang lahat at magdesisyon siyang iwan ka bago ang nakatakdang araw." magsasalita sana ako para sagutin siya ngunit paglingon ko ay wala na siya kaya nagmadali akong bumalik sa cottage ko ngunit pagdating ko doon ay tulog na si Elaine kaya lumapit ako sa kanya.

"Sorry..."bulong ko sa kanya at hinalikan ang noo niya hanggang sa makatulog na rin ako.

__________________________________________________________________________

See you next update, sana may bumoto nito at magcomment :)

30 Days of SummerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon