You Trust, You Die

28 2 0
                                    

Work of Fiction
All rights reserved. 2019

***

This is a work of fiction. Names, characters, place and events are fictitious, unless otherwise stated. Any resemblance to real persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.

All rights reserved. No part of this story may reproduced, distributed, or transmitted in any form or by any means, without the prior permission of the author. Plagiarism is a crime.

Never Trust Someone
Xyberio

Malalim na ang gabi at nagdadagsaan na ang mga tao upang makilamay. Maraming tao, yung iba nasa loob ng bahay at ang iba naman ay nandito sa labas abala sa paglalaro ng baraha.

"Jaya, pasok ka anak mahamog na dito sa labas. Kanina ka pa rito." si tita Ruth mama ni Cataloupe.

"Mamaya na po tita." naka yuko kung sagot dahil ayaw kung makita niya ang aking namumuong luha. Umupo si tita Ruth sa aking tabi at narinig ko ang kanyang munting hikbi. Hikbi na alam mong pinipigilan n'ya lang upang 'di maipakita ang sakit na kanyang nadarama. Hinawakan niya ang aking balikat kaya napatingin ako sa kanya.

"Hindi ka pa pumapasok at 'di mo pa nakikita si Loupeng. Alam mo naka ngiti s'ya, yung ngiti na parang masaya na siya. Ngayon ko lang ulit yun nakita." nakatingin si tita sa aking mga mata. Nakangiti siya pero ang kanyang mga mata ay mugto at may mga luha nang tumutulo. Niyakap ko agad si tita Ruth rinig na rinig ko ang kanyang mga hikbi hangang pareho na naming 'di mapigilan na umiyak at mapahagulhul.

"Tita, 'di ko parin kayang tanggapin na wala na Loupeng. Hindi ko kayang makita ang kanyang mukha sa ilalim ng salamin. 'Di ko ho kayang tanggapin na hindi ko na muling masisilayan ang kanyang mga mata." sinubukan kong hindi mag crack and boses ko pero 'di ko na mapigilin dahil patuloy pa rin ako sa paghahagulhol.

Bumitaw si tita Ruth sa pagkakayakap. Umayos ako ng upo at pinunasan ko ang aking pisngi na basa ng luha. Ilang minuto rin kaming nanatili ni tita rito sa labas, wala sa aming dalawa ang nag salita muli. Tanging ang ingay ng mga tao na nag lalaro ng baraha ang nangingibabaw sa tahimik na gabi.

Abala ako kakamasid sa mga tao ng biglang humagulhol muli si tita Ruth. "Kasalanan ko to, kasalanan ko kung bakit nagpakamatay si Cataloupe. Pabaya akong ina at 'di ko inisip ang kanyang mararamadam mas inuna ko pa ang aking sarili." napa kuyom ang aking kamao.

"Tita wala po kayong kasalanan, hindi po--. Ahm tita wala naman pong dapat sisihin hindi n'yo rin naman to ginusto, wala pong may gusto." naning mapait ang mga huling salita. Wala nga bang may gusto sa mga nangyari?

Nagulat ako nang bigla nalang hawakan ng mahigpit ni tita Ruth ang aking mga balikat dahilan para masaktan ako. "Jaya, may alam ka ba!?" napangiwi ang dahil bumabaon na ang kuko ni tita sa aking balat. "Tita na sasaktan na--" "May alam ka ba!?" mahina pero alam mo agad na may diin ang bawat salita na lumalabas say kanyang bibig.

"Ano bang ginagawa mo! Nasasakatan na yung bata!" dumating si tito Mike marahas niyang inalis ang mga kamay ni tita sa aking balikat. "Hindi ko alam kung bakit pumunta ka pa rito eh matagal ka na naming kinalimutan! Ngayun babalik ka't mananakit ka pa ng bata? Anong klasing pag-iisip ang meron ka!?" unti-unting na walan ng emosyon ang mukha ni tita hanggang sa maging blangko. Parang bingi si tita dahil hindi man lang niya pinansin ang mga sinabi ni tito na parang walang narinig at mistulang kami lang dalawa ang naririto dahil nanatili lamang siyang nakatitig sakin at hindi man lang tinapunan ng tingin si tito Mike.

Never Trust Someone (One Shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon