anim

5 0 0
                                    

"maghiwa-hiwalay tayo, sa basement na ko titingin" suhestyon ko para mapabilis ang paghahanap

"sa taas na kami ni doyoung" sabi ni yuta

"okay. ikaw buddy ko ngayon" sabi ko kay jaehyun at dumiretso na pababa ng hagdan.

sa totoo lang kinakabahan ako, may kutob kasi ako na wala dito si sam. negative man yung iniisip ko pero wala akong magagawa, di ko maalis sa isip ko na sa iba dinala ng primary suspect si sam o kaya may kasabwat pa siya.

pagkababa ko ng hagdan ay binuksan ko na ang flashlight. puro cable wires lang yung nakita namin at isang pintuan. shit! please lang sam, sana mali ang kutob ko.

binuksan ni jaehyun ang pintuan at mukhang tama ako, walang bakas ni isa ni sam dito. puro lumang box lang na nakatambak ang nadatnan namin.

"putangina" mura ni jaehyun na may kasamang paghawak sa sintido nya. binuksan ko ang in-ear ko para magbakasakaling nakita nila yuta si sam

"yuta, nakita nyo ba si sam?"

"hindi bossing"

"pero any evidence?"

"meron bossing, yung computer nya. kung mabubuksan natin yun baka may ituro satin papunta kay sam"

"okay, papuntahin mo na si mark"

"andito na nga siya, sakto!"

"okay, aakyat na kami"

"hey, jaehyun. i promise na mahahanap natin kapatid mo ngayong araw" sabi ko kay jaehyun. wala naman akong ibang masabi kundi ang mga salita na yan. he needs to think wisely, hindi gagana ang utak mo kapag nagpadala ka lang sa takot.

"let's go? nandon na si mark, baka maopen nila yung computer" pagayaya ko sa kanya na umakyat na agad rin naman nyang sinunod. pagkaakyat sa kwarto nung suspect ay nadatnan kong frustrated si mark.

"anong nangyari? mukha kayong pinagbagsakan ng langit at lupa" tanong ni jaehyun, which is true

"hindi namin mahack yung computer, mukhang tinindihan nya yung security nito. plus we have no choice kundi hulaan ang password"  pagpapaliwanag ni mark

"but here's the catch, 5 tries lang ang pwede" sabi ni doyoung, and literally right after he said that, lahat kami napasapo sa mga ulo namin. 

"ano na mga natry nyo?"

"syempre una yung pangalan nya pero wala eh, we even tried yung birthday at plate number ng sasakyan pero wala rin" saad ni yuta na may hawak ng pusa

"hoy hapon! kaninong pusa yan?" tanong kasi out of nowhere may pusa dito?

"ah eto ba? baka alaga nung suspect. dito ko lang rin nahanap eh" di sure na sagot ni yuta. well cute nga naman nung pusa kaya pati ako napa-pet na rin sa kanya.

tiningnan ko yung colar nya dahil mukhang nandon nakalagay yung pangalan nya

"filia? as in daughter in latin?" takang tanong ko

"try it baka gumana bilang password" sabi ni jaehyun kay mark. agad rin naman nagtipa si mark sa keyboard

"pucha bossing!" sigaw ni mark habang nakatitig sa screen ng computer kaya lahat kami napatingin rin, napapanood namin ngayon ay isang babae na nakakulong sa isang hawla at gustong makawala. hindi na makatao yung gumagawa nito!

"is that sam?" tanong ko kay jaehyun

"yes, it's her" may halong galit na sagot nya. okay, relax rosie. think straight! wag ka magpanic!

"okay, mark track everything. lalo na kung saan nila dinala si sam. isend mo lahat ng malalaman mo kay haechan, especially this. babalik na muna kami sa basement. yuta stay here and doyoung, jaehyun tara na" at hinatak na yung dalawa kong kasama papunta sa sasakyan

"i'll drive, doyoung give me the keys" sabi ko dahil masyadong maingat magdrive si doyoung and we need to work fast

"bossing ako na, mabilis na ko magmaneho!" angal ni doyoung

"mabagal ka pa din kaysa sa akin, kaya akin na" pagpupumilit ko kaya nakumbinsi ko na rin sya. sumakay na ko sa driver seat at binuksan ang makina ng sasakyan

"seatbelt pls" paalala ko habang binubuksan yung sirena at nilagay sa bubong ng sasakyan. tiningnan ko yung rear-view mirror at nakita kong di pa nakaseat belt si jaehyun

"yow, buddy sabi ko seat belt" sabi ko habang tinitignan ko sya sa salamin. dali dali nya naman nilagay yung seatbelt nya at pinaandar ko na yung sasakyan pabalik ng basement.

marunong at mabilis akong magdrive pero i suck at parking kaya binigay ko kay doyoung yung susi ng sasakyan para sya na yung magpark at dumiretso ako papunta sa meeting place ng defenders. right, defenders yung tawag samin.

"kuya, have you seen it?" bungad ko kay taeyong.

"yes and look what we saw sa sinend ni mark" sabay turo nya sa screen at zinoom naman ni haechan para makita namin ng maayos

8:10 :03:08.. 03:07... :03:06... :03:05... :03:04...

"ano yan?! countdown?! timer?!" patanong kong sigaw

"mukhang ito yung oras bago nila patayin yung mga naging biktima nya" sabi ni johnny

"asan sya?" mahinahon ngunit bakas yung galit sa tanong ni jaehyun

"he's being interrogated by sicheng" pagsagot ni taeil

Defenders {jaerosé}Where stories live. Discover now