Chapter 1- First day of school

99 4 0
                                    

Prologue: Naranasan mo na bang malayo sa taong mahal mo? At biglang nag bago ang ihip ng hangin at na inlove sa iba?

ADDISSON'S POV

"MATULOG KA NA MAY PASOK KA NA BUKAS!"

Hayyy! Si kuya enzo naman eh! Matulog daw ako eh kamusta naman sya? Pinapa tulog nya ako eh sya hindi natutulog eh may pasok din naman sya bukas ah. Ang daya! Oo nga pala first day of school na bukas. What's new? I'm not excited. Konti lng.

Oo nga pala. Let Me introduce myself. Ako nga pala si Addssion santiago. 15 years old at 3rd year highschool. Medyo nerd. Yun lang. Too much to tell!

"Hoy isip bata! Gumising ka na dyan ayaw ko ma late. Tulog mantika ka. Dalian mo"

"Kuya naman eh! Nag mamadali! Sige na eto na. Lumabas ka na ng kwaro ko. Shoooo!" Kahit kelan talaga oh! Isip bata daw. Wow ah wow! Nag mamadali pa sya para namang may hinahabol sya na date. Kainis naman eh. inaantok pa naman ako.

Nag madali na akong mag shower si kuya naman kasi eh nag mamadali. Binilisan ko na rin kumain gutom pa naman ako. Hindi ko man lamang na enjoy ang pagkain ko. Nakakainis naman oh!

"Bye po mommy Sarah and daddy jerome. Papasok na po kami ni kuya"

sabay na kaming nag lakad ni kuya papuntang school. Malapit lapit lang din dito ang new school ko. si kuya dati pa nag aaral dito since 1st year. At sana lang mag enjoy ako sa new school ko na ito.

"Hello new school!" Ayy napalakas ata pagka sabi ko nun. Nag tinginan kasi sila saakin eh. Nakakahiya naman! Hayysss. Naman kasi etong bibig ko eh napaka lakas! Hahaha. Tas parang pinag bubulungan pa nila ako. Pake ba nila? Buhay ko to!

"Hi I'm Ashley willims At ikaw naman?" Nakaka gulat nman etong babaeng to. Bigla bigla na lng sumusulpot.

"I'm Addisson santiago"

*Ring ring*

"Ay Ashley sige mamaya na lng nag ring na eh. Sige pasok na ako"

"Okay sige. Bye!"

"Ayyy wait! San pala dito ang 3rd year highschool section 1?"

"Kaklase mo pala ako eh! Tara sabay ka na saakin"

Wow naman! May kaibigan na ako at kaklase ko pa. Okay na yun para may kausap. Para hindi medyo loner. Hahaha!

"Okay class, Ako nga pala si  Mrs. Lea Rivera. Ako ang inyong magiging class adviser para sa year na ito. I hope magustuhan nyo ako as class adviser nyo. Now let's begin magpapa kilala kayo isa isa dito sa harapan.

Nagulat naman ako sakanya ang lakas ng boses nya. Mukha pa syang mataray.

Lahat sila naka pagpakilala na except saakin at sa side ko sa right. Lalake sya. Halatang maangas na bad boy.

"Ikaw naman" Sabay turo dun sa lalakeng nasa right side ko.

"I'm drexter Chapman" Nakooo! Yung mga babae kung maka tili eh natalo na nila ang baboy. Pero sabagay pogi naman sya. Ang dami nyang fan girls. Halatang famous sya sa school na ito. So what? I Don't care.

"You" Sabay turo saakin. Anak ng sampung kabayo! Nagulat nanaman ako. Eto pinaka ayaw ko eh yung magpa kilala sa harapan.

"I'm Addssion santiago. I'm new here. Nice to meet you all" Okay tapos na rin sa wakas! Bwahahaha!

Pagka upo ko may mga narinig nanaman akong mga bulungan.

"Sya yung kapatid ni enzo"

"Kapatid pala sya ni enzo"

Puro naman ganyan naririnig ko. puro kapatid kapatid.

Okayyy! Lunch na din! Gutom na ako. Teka saan ba dito ang canteen. Napaka laki naman kasi ng school na ito kumpara sa dati kung school.

"Ashley"

"Oh kuya?"

"Halika sumabay ka na saakin kumain"

"Ah ok sige" Hindi na ako naka tanggi kay kuya. Okay lang naman saakin eh.Wag lang nya akong asarin sa harapan ng mga kaibigan nya!

Habang papunta kami sa canteen may mga nag bubulungan eh rinig na rinig naman.

"Kapatid pala sya ni papa enzo"

"Omg! May kapatid pala si enzo"

"Sya pala ang kapatid ni enzo"

Puro ganyan ang naririnig ko sa mga fan girls ni kuya hanggang maka punta kami sa canteen. Ang OA naman nilang lahat. Wow ah! Wow lang talaga. Sikat pala si kuya. Andito na kami sa canteen.

"Hey bro" At nag bro fist sina kuya sa dalawa nyang kaibigan.

"Sino yan bro" Tanong ng kaibigan nya. Nako naman ang pogi nilang 2.

"Kapatid ko pala. Si Addisson"

"Hi Addisson Ako nga pala si sean"

"Hi din ako naman si Mark"

"Ah. Nice to meet you"

Kumain na kami at nag kwentuhan. Aba mababait din pala ang mga kaibigan ni kuya. At kalaban pa nila ang group nila drexter. Naman! Hahaha. At ang pogi pa nila mark at sean. At ang pangalan pa ng group nila kuya ay the falcons sina drexter naman daw ay mohawks.

*After class*

"Bye Addisson" Sabi saakin ni ashley.

"Bye din ashley. See you tom"

Okayy! Uwian na rin. Okay din pala eh. Masaya din naman.

"Addisson" Nagulat ako at kinausap ako ni sean. Ang pogi nya talaga. Ang hot nya pa!

"Sean..."

"Halika na sasabay kami ni mark sa kuya mo mag lakad pauwi. Pinapa tawag ka na ng kuya mo nandun na rin si mark"

Omg! Sasabay daw sila. Nako naman may makaka sabay akong pogi. Hahaha! I'm so lucky. Feeler ko no?

Nag lalakad na kami pauwi ng bahay. Nagulat na lang ako sa sinabi ni kuya.

"Wag nyo papatulan si Addisson ah. Bawal ang kapatid ko"

"Sayang naman enzo type ko pa naman kapatid mo eh" Whutt? Ano sabi ni sean? Ako? Type nya? Nananaginip ba ako?

"Joke lang. Hahaha! Nagagandahan lang ako sakanya"

Pshhh! Joke lang pala eh. But wait. Nagagandahan sya saakin? Omg! Ang feeler ko naman! Hahaha.

"Abnormal ka talaga sean"

"Osige Enzo at addisson una na kami bye"

"Sige. Bye" Sabay naming sinabi ni kuya.

Pumasok na agad ako sa bahay at nag madaling pumunta sa kwarto. Inaantok na kasi ako.

"Yehey! I'm Home! I miss my bed" Sinigaw ko yan sa kwarto ko at biglang humiga sa kama. Antok na antok na ako.

.

.

.

.

.

Thankyou readers! ♥ Hope you like the first chapter :)

Days of loving YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon