Chapter 5- Meet My Sister

43 1 0
                                    

DREXTER'S POV

Ang sarap nya talagang asarin. Hahaha!

Pero ang lakas ng loob nyang sigawan at pagsabihan ako ng ganun sa madaming tao. Iba sya sa mga babaeng mga nakikilala ko. Yung mga babaeng kilala ko patay na patay saakin eh. Syempre naman kaya sila patay na patay saakin kasi pogi ako.

Nakakainis sya tawagin ba naman nya akong potato boy. Pero bakit kaya sya kinausap ni Audrey? Magkakilala kaya sila?

Si Audrey kasi snobber yan eh. Hindi ka nya kakausapin kung hindi ka nya kilala. At yung pag uusap nila makikita mo na sa mukha nila na matagal na silang magkakilala.

Nagulat nga ako eh. Bumalik na sya tas dun pa sya mag aaral. Isa pa kaklase ko din sya. Parang ang Awkward naman nun.

Sila kaya ni Enzo okay na? Pero malaki ang galit sakanya ni Enzo. Siguro hindi pa sila magka ayos.

Tas nagulat pa ako kanina kasi kinausap nya ako. Pero ang ganda ganda nya pa rin. Mas lalo nga ata syang gumanda ngayun eh.

"HOY DREXTER"

"Anong ginagawa nyo dito james at karl?"

"Wala lang. Bawal ba?" Sabay nilang sinabi saakin.

"Pwede"

"Tara gala tayo"Sabi saakin ni karl.

"Ayoko. Wala ako sa mood ngayun" Sabi ko sakanila.

"Bakit?" Tanong ni james at napakamot sya sa ulo nya.

"Eh pano ba kasi bumalik na si Audrey" Sabi ni karl habang tinatawanan ako. Kung maka tawa sya parang wala ng bukas!

"Hndi dahil dun!"Pano ba kaya ang aga aga nyong nang bubulabog. Inaantok pa ako"

"Weh?" Sabi ni james.

"Palusot ka pa dyan" Sabi ni karl saakin habang pinapalo yung ulo ko.

Maka sapok sya ah. Ano ako? Drums? Tsss.

"Ang kulit nyo naman! Atsaka wag mo nga akong gawing drums karl. Kung may bayad lang yung isang palo sa ulo ko siguro millionaire na ako ngayun!"

Wala naman talaga ako sa mood kasi baging gising lang ako. Loko talaga sila.

"Oh baka naman iniisip mo si Addisson"

Ano daw? Loko talaga si james. Kahit kelan hindi ko iisipin yung babaeng yun. Sayang lang ang oras ko pag inisip ko pa sya. Haha!

"Inlove ka na ba sakanya Mr. Bad boy? Hahaha!" Sabi ni karl habang tumatawa na napaka lakas.

Baliw ata yung mga to eh. Kung ano ano yung pinag iisip.

"Baka kayo yung nakaka isip sakanya. Wag nyo akong idamay"

"Sus kunyare ka pa Drexter"

Ba't ba ang kulit nitong james nato -.- Sarap ibitin eh.

Pinabayaan ko na lang sila na mang inis saakin. Bahala sila magsasawa rin sila kakainis saakin. Lakas ng trip nila eh. Trip nila ako.

Umalis na rim sila sa wakas. Baka na bored sila. Kasi hindi ko sila kinakausap.

Wala ng mga malas sa buhay ko. Umalis na sila. Hahaha! Loko sila eh.

"KUYA DREXTER"

Ang lakas naman ng boses nitong babaeng to! Nakalunok ata to ng sampung speaker eh.

"Napano ka Jessica?"

Kapatid ko si Jessica. Oo mataray sya pero kahit ganyan yan mahal ko pa rin sya.

"Ba't hindi mo sinabi saakin na nandyan kanina si james!?"

Adik talaga si Jessica. Baliw na balaiw sya kay james.

"Malay ko ba. Hindi ko naman alam na gusto mo syang makita. At lalong hindi ko naman trabahong tawagin ka tuwing nandito sya."

"Ewan sayo! Alam mo naman na gusto ko syang nakikita eh!"

Sabi ng evil sis ko habang nag tataray.

Atsaka, Okay lang ba sya? May lagnat ata to eh! Lagi lagi naman silang nagkikita sa school eh.

"Bahala ka sa buhay mo" Sabi ko sakanya habang nag bebelat.

Halatang halata sa mukha nya na naiinis sya saakin. Sarap nyang inisin kasi pikon sya. hahaha! Para syang tigre

"K. Whatever" Sabi nya saakin habang nag walk out at padabog na sinara yung pintuan.

Ang kulit talaga ni Jessica! Gusto nya lahat ng hiling nya nakukuha nya.

Meet My lovely Evil Sister, Jessica Chapman. :)

T^T

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 06, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Days of loving YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon