"Goodmorning everyone" Maaga akong nagising ngayun. Himala no? Antok na antok kasi ako kagabi eh kaya maaga akong natulog Hindi na ako nag puyat pa.
"Goodmorning Addisson. May sasabihin pala ako. Mamaya na ang flight ko papuntang korea at hindi mo na ako ma aabutan mamaya. Kailangan ko ng bumalik dun for our business"
Nagulat ako sa sinabi ni dad. Mamimiss ko sya!
"Ganun po ba. Ma mimiss kita dad!" Sabay yakap sakanya.
"Mamimiss rin kita. Kayo ng mama at kuya mo"
"Ingat po kayo dun"
"Sige na Addisson kumain ka na. Hinihintay ka na ng kuya mo"
"Sige po ma. Dad, Ingat po kayo sa byahe"
"Sige anak. Sige na. Pumasok ka na sa school"
"Opo" Bago ako lumabas ng bahay syempre niyakap ko muna si daddy. At pagka labas ko nakita ko si kuya may kausap at si sean yun.
"Kuya halika na"
"Oo ayan na! Sasabay si sean saatin"
"Ah okay sige" Sasabay nanaman pala si sean saamin ni kuya.
Nandito na kami sa school. At syempre pagka pasok nila kuya sa school maririnig mo na ang mga tili ng mga kinakatay na baboy. Ayy mga tili pala ng mga fan girls nila. hahaha!
"Excuse me. I said excuse me!" Hala! Nakaharang pala ako sa daan. Hindi ko na narinig na may nag excuse me. Ang ingay kasi eh.
"Sorry hindi kita narinig ang ingay kasi eh"
"Sorry? Hindi ako tumatanggap ng sorry. Wag ka kasi haharang harang sa gitna. At dapat pag nakita mo ako umalis ka na sa daan hindi ko na kailangan mag excuse. Okay!?"
"Okay" Okay na lng sinabi ko ayaw ko ng makipag away kahit naiinis na ako sakanya hindi naman kasi ako war freak eh. Pero Kung maka asta sya ah. Pareho lang naman kaming nag babayad at nag aaral dito.
"Woyyy Addisson! Okay ka lang ba?"
"Oo ayos lang ako" Ayos lang naman saakin eh. Kahit pinahiya nya ako! Tsss.
"Mag ingat ka lang dyan kay Amber. Pati na rin sa mga bestfriend nya na si Anna at ella"
"Bakit naman?"
"Malaki mga ulo nun kasi sikat sila dito sa school. Matataray sila gusto nila sila ang nasusunod."
"Ah kaya naman pala kung maka asta parang sila ang may ari ng school"
"Pabayaan mo na lng sila. Halika na mag sisimula na ang class"
"Sige susunod na lng ako sayo kailangan ko mag cr"
Papunta na ako ng cr ng biglang nag banggaan kami. At nadapa ako. Swerte nya na hindi sya nadapa.
Ibinigay nya ang kamay nya saakin para maka tayo ako. Aba! Mabait din naman pala sya eh. Pero konti lang. Haha!
"Salamat drexter" Sabi ko sakanya.
"Sige. Bastat sa susunod wag kang lalampa lampa. Hahahaha!" Aba? Ano daw? Paki ulit nga? Ako? Lalampa lampa? Nakakainis sya. Tumawa pa sya ng nakaka loka!
Inirapan ko na lang sya. At nag walk out. Nakakainis naman kasi sya eh. Ako daw lalampa lampa. Hayy nako!
Pag pasok ko nag tuturo na ang teacher. Sinabi ko na galing akong cr kaya late ako. Wala pa dito si drexter. Baka naman nag cutting classes sya. Ayyy! Pake ko ba dun. Pabayaan mo na lang sya Addisson.
Naka ilang subjects na rin kami at malapit ng mag lunch pero wala pa rin si drexter. Nako naman! Ba't ko ba sya inaalala wala naman akong pake dun sa lalakeng yun.
BINABASA MO ANG
Days of loving You
Teen FictionSi Addisson lang naman ay simpleng babae, Medyo nerd at na inlove sya sa lalakeng sikat, pogi, hot talented etc. At kung minamalas nga naman sya nalayo sya sa lalakeng yun. At na inlove sa iba. Hindi nya ma explain ang feelings nya. Makakayanan nya...