Nandito na ako sa school ng may biglang naka bangga nanaman saakin. At bigla akong nagulat nung sya nanaman ang naka bangga saakin.
"Lampa ka na nga hindi ka pa tumitingin sa dinadaanan mo" Sabi ni drexter saakin. Aba!? Namumuro na sya ah.
"Ano ba problema mo saakin!? Maka lampa ka dyan ah! Eh hindi ka rin naman tumitingin sa dinadaanan mo"
"Wag mo akong sigawan. Kilala mo ba kung sino ang sinasigawan mo? Hindi sinisigawan ang mga poging katulad ko"
"Oo kilala kita. Ikaw lang naman si drexter chapman! Ang napaka yabang na lalake dito sa school. Mapang bully, Mataas ang tingin sa sarili kasi sikat. Hindi porket pogi ka at sikat ka sa school gaganyan ganyanin mo na lang ako!"
Sinabi ko yan sakanya at nagulat sya. Buti nga sakanya. Akala nya kasi lahat ng babae mauuto uto nya sa kapogian nya! At mapapasunod. Pwes, Ibahin nya ako. Hindi ako ganun. Hindi porket pogi sya at sikat sa school hindi ko na sya papatulan!"
"Manahimik ka panget" Sabi saakin ni drexter. Ano daw? Panget? Aba loko talaga to ah! Oo hindi ako ganun kaganda pero hindi ako panget noh! Hahaha.
Inirapan ko na lang sya at nag lakad na ako palayo. At syempre may naririnig nanaman akong mga bulungan.
"Ang kapal naman ng mukha nyang sabihan ng ganun si drexter"
"Hindi na ba sya nahihiya sa ginawa nya?"
"Feeling close sya kay drexter ah. Nagawa nya pang sigawan si drexter"
Pinabayaan ko na lang yung mga sinasabi nila tungkol saakin. At bigla na lang may humarang na babae. Kung minamalas nga naman sya pa!
"Hoy Addisson"
"Anong kailangan mo saakin Amber?"
"Bakit mo sinabihan ng ganun si drexter? At bakit mo sya sinigawan?"
"Kasalanan nya yun. Buti lang yun sakanya"
"Ang kapal nga naman ng mukha mo no? Hindi mo ba sya nakikilala si drexter? Ang sikat dito sa school! Nagawa mong ganyanin"
"Wala akong pake. Pareho lang kaming nag aaral dito"
"Aba! Makapal nga tlaga ang mukha mo!"
"Walang taong manipis ang mukha" Sabi ko sakanya habang nag evil smile.
"Wag mo akong sinasagot sagot. Wag mo akong sinusubukan Addisson"
Nilayasan ko na lang sya doon. Masyado syang warfreak. Sayang ang oras ko kung makikipag away pa ako sakanya. Sayang ang ganda nya kung ganyan ang ugali nya. Hayss!
Habang naglalakad ako biglang may humawak sa likod ko. Laking gulat ko na sya pala ang humawak sa likod ko.
"Audrey?"
"Kamusta ka na Addisson?"
"Okay lang. Anong ginagawa mo dito?"
"Dito na ako mag aaral"
Hala dito na daw sya mag aaral.
"Oh Ba't nagulat ka Addisson? Mukhang magiging masaya ito. Mag kaklase tayo eh"
Nako naman! Mag kaklase pa kami. Ano ba naman yan. Simula pa lang nung naging sila ni kuya enzo ayaw ko na sakanya. Ang arte arte nya kasi tas mataray pa. Tas nung nag taksil sya kay kuya galit na galit ako sakanya. Mahal na mahal sya ni kuya enzo. At ayaw kung nakikitang nasasaktan si kuya. Pero sinaktan ni Audrey si kuya.
"Mauna na ako Addisson. Bye"
Umalis na sya at mukhang natawa sya saakin kasi nagulat ako sakanya.
BINABASA MO ANG
Days of loving You
Teen FictionSi Addisson lang naman ay simpleng babae, Medyo nerd at na inlove sya sa lalakeng sikat, pogi, hot talented etc. At kung minamalas nga naman sya nalayo sya sa lalakeng yun. At na inlove sa iba. Hindi nya ma explain ang feelings nya. Makakayanan nya...