CHAPTER 10 (Kaikai)

174 15 0
                                    

Hello readers :* Kamusta na kayo nyihihi super pagod pero mag uupdate parin ako . Pasensya na sa mga maling grammar more reads please :) Vote and Comment nalang mga Mahals :*

Kamsa♥

Nagmamahal,

Magandang Otor ☻♥

---

Chapter 10

Franz Pov

Goodmorning wala kaming pasok ngayon super thankyou dahil hindi ko makakasama ang ulupong kong pinsan nakakabanas ang arte arte hindi ko alam saan pinaglihi yung babaeng yun napaka ligalig akala mong kitikiti sa sobrang liksi napagkamalan tuloy na girlfriend ko. Hayy kapag naaalala ko yang girlfriend na yan hindi parin mawala sa isip ko yung batang nakilala ko 9 years ago. At lalong hindi ko makakalimutan ang ginawang pang iiwan sakin ng Mommy ko.

FLASHBACK

Ano Joven Lasing ka nanaman impakto ka wala ka ng ginawa kung hindi mambabae at maglasing hindi kana nga nagtatrabaho, napakawalang silbi mo, hindi mo manlang nagagawang alagaan ang anak mo, kapag ako nabwisit sayo lalayasan ko kayo

Edi Lumayas kang malandi ka, akala mo ba hindi ko alam ang mga pinanggagagawa mong malandi ka diba nakikipagtalik ka sa ibang lalaki, nagkakaganito ako ng dahil sayo napaka walang kwenta mong ina sige lumayas ka! wag na wag ka ng babalik dito at wag na wag mona ring lalapitan ang anak ko ako ang magpapalaki ng maayos sa kanya hindi ka nya kailangan!

Habang nagaaway ang dalawang magasawa hindi nila alam na nakikinig pala ang batang si Franz habang umiiyak hindi nya alam na may ibang lalaki ang mommy nya at ganun din ang daddy nya, Mahal na mahal nya pareho ang magulang nya lalo na ang mommy nya sapagkat ito lagi ang gumagabay sa kanya habang wala ang papa nya na akala nya nagtatrabaho sa Company na pagmamayari nila.

Talaga lalayas ako hinding hindi mo na ako makikita!

Mommy Daddy! what's happening here bat nag aaway kayo hindi niyo na ba ko love? tanong ng kaawa awang bata

Baby dont worry hindi kami nagaaway ng daddy mo may inaayos lang kami! habang sinasabi niya iyon natulo ang mga luha nya

No mommy! nagaaway kayo naririnig ko lahat.

Bakit Nadine ayaw mong sabihin ang mga pinaggagagawa mo sa anak natin? Nahihiya kaba na malaman nya na nakikipagtalik ka sa ibang lalaki at isa kang two timer! Tumahimik ka Joven bata pa ang anak natin hindi nya pa alam ang mga nangyayari sa paligid natin!

Mommy dont leave me please! Pagmamakaawa ng batang si Franz sa kanyang mommy.

Baby kailangan ni mommy ayusin muna yung sarili ko sorry baby basta tandaan mo love na love ka ni mommy antayin mo ko huh?

Mommy dont leave me please , pagmamakaawa ni Franz

Ano pang hinihintay mo Nadine Lumayas kana sa pamamahay ko nakabukas na ang gate sa labas ikaw nalang ang hinintay kaya umalis kana NGAYON NA!

Habang papaalis ang mommy ni Franz hinabol nya ito ngunit kasabay ng pagtakbo nya ay umulan ng malakas , nadapa sya at umiyak ng umiyak hindi dahil sa sugat nya kundi dahil sa sakit na nararamdaman niya sa pag alis ng mommy nya, hindi nya na naabutan ito at pumunta nalang sya sa isang playground kung saan dati lagi siyang dinadala ng mommy nya upang mag enjoy. sa bawat sulok ng lugar mommy nya ang nakikita nya napaiyak nalang sya ng todo habang sinasabayan ng ulan.

Oy bata! Naulan na baka magkasakit ka wala ka pang dalang payong , naiyak kaba ?

Eh ano bang pakialam mo umalis kana nga hindi kita kilala sabi ni mommy sakin wag daw ako makipagusap sa stranger!

Eh hindi naman ako stranger ee ako nga pala si kaikai ? ikaw anong pangalang mo ?

Hmmmm ako naman si Franz bakit mo natanong!

Ah wala lang hihi gusto ko sanang makipagkaibigan pwede ba ?

Oo naman walang problema so friends na tayo?

OO ba hehe salamat . alam mo ba ikaw palang nagiging friend ko kase sabi nung ibang bata dyan ang pangit pangit ko daw kaya ayaw nila ako lapitan. hindi kaba napapangitan sakin?

Hindi naman ayos lang , wag ka magalala kapag may nangaway sayo tawagin mo lang ako reresbakan natin kase friends nanaman tayo :)

Nga pala Franz bakit ka naiyak tsaka basang basa kana oh baka magkasakit ka ?

Ah yun ba iniwan kase ako ni mommy ee , ang sabi naman sakin ni daddy may ibang lalaki na daw si mommy kaya umalis sa bahay.

Aw! ganun ba wag ka ng malungkot Franz andito lang ako sa tabi mo hinding hindi kita iiwan promise.

Salamat kaikai sana hindi modin ako iiwan , promise yan huh salamat sige balik na ko sa bahay baka hinahanap na ko ni Daddy kita nalang ulit tayo dito byebye . biglang takbo

Nagulat si Kaikai ng halikan sya ni Franz sa labi hindi nya akalaing gagawin iyon ni Franz .

Lumipas ang 1 linggo mas nagiging close sila kaikai at Franz kapag may nang bubully kay kaikai ay nireresbakan agad ito ni Franz sapagkat ayaw niyang nakikita si kaikai na sinasaktan ng ibang bata. Sobrang close na close na sila at laging nagpupunta ng playground.

Lumipas ang 1 buwan hindi alam ni Franz na aalis sila Kaikai sapagkat namatay ang Daddy nya hindi sya nakapagpaalam ng maayos kay Franz . Ayaw nya mapalayo kay Franz sapagkat nangako sila na walang iwanan, At sa nangyari ngayon siya agad ang bumitaw sa pangako nya kay Franz naaawa sya sa kaibigan nya sapagkat sya nalang at ang daddy ang meron si franz tapos umalis pa siya lalong nawalan ng pagasa si Franz na maging masaya.

Nagkulong si Franz sa kwarto at wala laging ganang kumain, Hindi nya alam kung magagalit ba sya kay kaikai o hindi sapagkat hindi nito tinupad ang pangako na hindi sya iiwan, Hindi nadin sya nakakapasok sapagkat wala ng nagaasikaso sa kanya dahil ang daddy nya ay laging nasa company at hindi sya masyado napapansin . Lagi siyang umiiyak at nagmumukmok akala nya wala ng nagmamahal sa kanya akala nya lagi nalang may kulang sa kanya , hindi nya alam na puro pagsubok lang ang dumarating sa kanya kahit bata pa lang siya . Hanggang sa isang araw nagising na sya sa katotohanan na hindi na babalik ang kaibigan nya at ang mommy nya , nagaral sya ng mabuti at natutong tumayo sa mga sariling niyang paa :3

--

Ngayon alam nyo na kung bakit ayaw ko sa mga babae, lahat sila mangiiwan at manggagamit lang walang dahilan para mahalin sila mga sinungaling lahat sila! Kaya naman hanggang ngayon wala padin ako Girlfriend dahil ayoko sa mga babae at alam kong iiwan at iiwan den nila ako!

***

Aw! kaya naman pala ganun si Franz ee iniwan pala sya ni kaikai at mommy nya how sad dont ya worry franz im here naman ee haha :) Haba ng update today bukas ulit :) tenki sa lahat ng sumusuporta Loveyou:*

Vote and Comment ♥

Kamsa ♥

Nagmamahal,

Magandang Otor ~

Ang Crush Kong Manhid (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon