ACKM 33

203 14 5
                                    

Annyeong Chingu ilang chapters nalang huehue 😂😂😂

Chapter 33

Akiela Pov

Andaming pumapasok sa isip. Gusto ko ng aminin kay Kaila na may sakit ako at napakalubha. Siguro yun na lang talaga yung paraan na kailangan kong gawin napakasakit man para sa akin pero kailangan ko paring tanggapin. Ni hindi ko pa nga kayang makita sya dahil sa sakit ko. Sabi ng doktor kumalat na daw sa buong katawan ko yung sakit ko. Hindi ko magawang icomfort si mommy dahil sobrang hina ko na .Hindi ko sya kayang makitang naiyak at lalong nahihirapan mahal na mahal ko si mommy. Kaya lang siguro yun na yung tadhana ko ang iwanan ko agad siya. Alam kong napakabata ko pa para sa mundo wala akong magawa. Nilalakasan ko man ang loob ko pero hindi na kaya ng katawan ko.

Nagdecide si Mommy na hindi na ko papasukin. Uuwi nalang kami ng States at dun na titira hanggat nabubuhay ako. Sabi din ni mommy na wag ko na lang daw ipaalam kay Kaila na mawawala na ako kasi lalo lang daw si Kaila masasaktan. Sa tuwing maiisip ko na iiwan ko sya hindi ko kakayanin. Sobrang sakit para sakin ang makitang syang malungkot.Hindi ko na sya makikita. yung mga magaganda nyang ngiti, yung mga banat nya sakin ng pick up lines, yung panlilibre nya sakin, yung mga moments na ginagawa namin hindi ko na ulit magagawa. Naiiyak ako kapag naiisip ko lahat ng bagay na naging masayang memories saming dalawa ni Kaila. Mahal na mahal ko sya higit sa buhay ko kaya lang kailangan ko na talaga siyang iwanan.

" baby nakaayos na lahat ng gamit natin bukas ng umaga where going to states so take a rest na baby" Mommy

"Yes mommy take a rest to i know pagod kadin iloveyou mom always andforever" Naiiyak kong sabi kay mommy

"Stop crying baby. Mommy loves you so much so be strong okay i know you can do it i know you a strong person. Take a rest baby alam kong makakayan mo yang sakit mo wag mo munang iiwan si Mommy huh" Naiyak na tugon ni Mommy

"Yes mommy kakayanin ko para sayo at kay Kaila" humiga na ako at pinilit kong makatulog.

Umalis na si Mommy at ako heto padin hindi makatulog. So eto na talaga aalis nanaman ako iiwan ko nanaman ang babaeng mahal na mahal ko!Gusto ko siyang makita, gusto kong syang mayakap ng mahigpit, gusto ko syang halikan sa noo, gusto ko ulit gumawa ng memories sa kanya. Kaya lang natatakot akong magpakita sa kanya. Alam kong marami na syang itatanong sa akin at ayoko ng malaman nya pa.

Biglang naisip ko si Franz. Alam ko na ang gagawin ko.

Tiririringtiririring tiririringtiririring
(Ringtone huehue pasensya na hindi ko alam ee)

"Hello sino to" franz na nagtataka kung sino ang tumawag ng disoras na ng gabi

"He-hello franz si Akiela to" Kinakabahan na tugon ko

"Oh! Bat napatawag ka gabing gabi na huh? Kanino mo nakuha yung number ko" nagtatakang tanong nya sakin

" Pwede ba kitang makausap Franz kahit saglit lang promise hindi naman magtatagal may kailangan akong sabihin sayo eto yung address ko 123 Kalayaan Street Makati City"Aki

"Okay saglit lang magbibihis lang ako"

Kinakabahan ako dahil hindi ko naman masyadong kinakausap si Franz hays alam kong makakayanan kong sabihin sa kanya lahat lahat.

---

Opppps bitin ba? Haha bukas nalang yung kasunod magvote naman kayo guys huehue😂😂😂 Konte nalang matatapos ko ma sya 😊 salamat sainyong lahat guys kamsamnida ❤️

-- Kaila❤️

Ang Crush Kong Manhid (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon