Kaila Pov
Nandito ako ngayon sa kwarto ko. Magisa lang ako dahil umuwi ang mga bestfriend ko saglit sa kanilang mga bahay. Ilang araw nakong tuliro simula nung bumalik si Aki. Hindi ko alam kung ano ang nangyayare sakanya. Ayaw naman nyang sabihin sakin kung may nararamdaman man sya o kaya problema. Ilang araw naden sumasakit ang ulo ko minsan hindi ko kinakaya nanlalabo nadin ang mata ko natatakot naman ako sabihin kay mommy dahil ayaw kong mag alala sya. Napagdesisyunan ko na magpacheck up na sa doctor. Buti nalang at wala ang mga kaibigan ko ayoko den naman silang magalala katulad lang den kay mommy masyado silang mahalaga sakin ayoko sila pagalalahanin.
Nandito na ako ngayon sa ospital. Nakapaglog in na rin ako at konteng oras nalang ang hihintayin ko. Kinakabahan ako hindi ko alam kung good or bad ba kakalabasan ng resulta.
Maya maya lang ay tinawag na ng nurse ang pangalan ko.
'Miss Fuentabelle? Kayo na po ang next!'
Parang tinatambol ng malakas ang puso ko! Hindi ko alam bakit pero kinakabahan talaga ako.
'Hello goodmorning mam fuentabelle have a seat' sabi ng doctor'.
'Goodmorning din po doc! Magpapacheck up po sana ako. Lately po kase sobrang sumasakit po yung ulo ko at nanlalabo po yung mga mata ko and worst nawawalan po ako ng malay. Natatakot po ako doc baka kung ano na po ito' mangitak ngiyak na sabi ko sakanya.
'Calm down mam! Wag po kayong magisip ng ganyan. Hali na po kayo at ichecheck na po natin'.
Kinakabahan ako pero agad den akong sumunod sakanya. Buong katawan ko ang inexamin ng mga doctor at ang panghuli ang maga mata ko. Inabot ng 30 minutes bago matapos lahat. Pinalabas muna ako ng doctor at umupo muna ako sa waiting area. Naiiyak nako kung nandito lang sana ang kaibigan ko siguro lalong lalakas ang loob ko pero mas gugustuhin ko nalang na wag na silang magalala.
Di ko na namalayan ang oras maya maya lang ay tinawag nanaman ako ng nurse. Eto na talaga malalaman kona ang resulta kinakabahan ako sana maging ayos ang lahat!
Door Open....
'Have a sit ms fuentabelle. Nakuha na namin lahat ng results mo. Sad to say may nakita kaming GLAUCOMA ,
Glaucoma Is a group of eye conditions that damages the optic nerve. This damage is often caused by an abnormally high pressure in your eye. Sa madaling salita ito ay magcacause ng pagkabulag.'Bigla nalang akong nanlumo! Di parin nagsisink in sa akin lahat! At ang alam ko lang ay mabubulag ako :(((((. Bakit sakin pa? Bakit sa lahat ako pa ang makakaranas ng ganito. Napaiyak nalang ako sa harapan ng doctor.
Maya maya lang nung naging okay nako napagpasyahan kona umuwi na. Bitbit ko ang mga resulta at ang mga gamot na binigay ng doktor sakin sa tuwing sasakit ang ulo ko. Pagkarating ng pagkarating ko ng bahay umakyat ako agad sa kwarto ko at iniyak ko nanaman ang lahat. Sobrang sakit na ng mata ko pero wala akong magawa sa ngayon kundi ang iiyak lahat ng ito. Ayoko iparating sa mga kaibigan ko lalong lalo na sa mommy ko. Aki nasan kana ba? Kailangan kita ngayon wala ako masasabihan ng lahat ng problema ko bumalik kana pleaseeeee! Napahagulgol nanaman ako sa tuwing iisipin kong mabubulag ako di na nakayanan ng katawan ko at mata kaya nakatulog na ako.....
----
After so many years nakapagupdate nadin! Sorry guyssss kung napatagal babawi ako sainyo. Kakatapos ko lang iedit tong story na to! Puro kajejehan kase hahahaha. Hope you like it guys😘