Paparappappa

4 0 0
                                    

Hayst! Daming ginagawa ngayong thirdyear college. Naabutan pa ng ulan. Kaya naman hinanap ko kaagad ang payong ko.

Ay oo nga pala! Naiwan ko sa bahay.. Di ko na alam gagawin ko! Malapit na kong bumaba at maglalakad pa ko papuntang sakayan! Ano ba yan? Sira ulo talaga!

No choice! Sasayi na ko!

Pagbaba ko ng jeep, tumakbo ako ng mabilis papuntang waiting shed.. Pero waepek! Basang basa padin ako.

At sa sobrang malas ko ngayong araw, nakalimutan ko pang magdala ng panyo.. Ano ba yan Krisha!!!! Gaga mo talaga.

Pagpagpag ko ng palda ko, may biglang nagpunas sa basa kong buhok..

Pag angat ko ng ulo..

Sumalubong sakin ang napakaganda nyang ngiti.. Pantay na ngipin.. Malalim na dimples.. Mapupungay na mata..

Ang tangkad nya.. Nanliit ako.

Patuloy sya sa pagpupunas ng buhok ko.. Ako? Wala. Ayun, nakatanga lang sa kanya! Para syang anghel na pinadala ng langit..

Lord, kinukuha nyo na po ba ako? Ambilis naman po ata.

Bumalik ako sa katinuan ng magsalita sya.

''Miss, ayos ka lang ba? Basang basa ka ah? Bakit wala kang payong??''

Nawindang ako sa mga tanong nya. Tanging iling nalang ung naisagot ko..

''Ha? Di ka ayos?? Wait lang! Malapit lang naman dito ung Rosario Doctors! Tara..''

''Oy! Teka po, ang ibig kong sabihin. Wala po kong payong.''

''Ay kala ko pa naman di ka ayos eh. Hehehe. PaSan luis kaba? Tara, Sabay na tayo?Ay, teka. May tumatawag lang.''

Sinagot nya ung tawag..

Grabe toh. Andaldal nya. Di man lang ako pagsalitain!

''Hello, oh asan kana??...ha? Di ka makakasabay??...ok,sige..ingat ka..ok po boss..iloveyoutoo...bye!''

Pagkatapos ng tawag, kinaladkad na nya ko papuntang jeep. Haha.

Nagkwentuhan kame sa byahe. Grabe talaga ang daldal nya. Pero yung daldal nya, bagay sakanya..

Swerte ng bf nya sa kanya.. Tapos mukang mayaman pa.. Sana ganto din ako.. Ang taas ng self confidence nya.. Crush ko na tohng babaeng toh! Hahaha.

''Oy, teka. Malapit na kong bumaba. Wag kana magbayad, pinagbayad na kita. Tsaka oh, iyo muna tohng payong na toh. Haha. Malayo pa inyo eh. Sige....Manong!! Para!! Thankyou po!'' Sya

Parang walang pinoproblema tohng babaeng toh? Hahaha. Ancute nya talaga!

''Teka! Ateee! Anong pangalan mo nga pala!?'' Ako

''Nel.'' Sya

Thank you Ate Nel. :))

(c) AkoSiUndefined.

Dear Mr. STC..Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon