Day 1

19 0 0
                                    

Day 1 of pretending...

"Mr Palejo you have thirty days left in your life..."

Halos gumuho ang mundo ko ng marinig ko iyon at mukang wala na talagang pag-asa na maalala ako ni Thalia dahil 30 days nalang ay mamamatay nako

I think kailangan ko ng gawin ung pinaplano ko iyon ay magpanggap bilang anak sa hinaharap ni Thalia

Kung iyon ay magiging daan upang makasama ko sya ay ok na kahit hindi nya na ako maalala basta makasama ko lang sya

Wala akong ibang minahal kung hindi sya lang

Simula bata pa lamang kami ay magkaibigan nakami hanggang sa nag highschool nakami at sinagot nya ang tanong na inaasam ko

Naging kami ngunit totoo ang sabi nilang ang bawat saya ay may bahid na kalungkutan...

Flashback...

Balak kong mag propose kay Thalia at ngayon ay handa na ako...dito kami sa park kung saan nagsimula ang lahat sa amin sa park kung saan puno ng kasiyahan sa park kung saan kami nagkakilala at ngayon sa park kung saan ako nag propose sakanya...

I can see her now in her beautiful white dress,ang ngiti nyang nakakahawa,ang mala anghel nyang muka,at...at...

Nasagasaan sya...

Ten months syang coma at posible din daw syang magkaroon ng amnesia

At duon na nagsimula ang lahat...nawala ang lahat ng parang bula...mga ala-ala,at higit sa lahat ay ako...

Kasalukuyan...

Heto nanaman ako at naluluha naalala ko kase kung paano nya ako nakalimutan ng mga oras na gumising sya

After ng checkup na iyon ay dumeretso na ako sa school para puntahan si Thalia. Magkahiwalay na kami ng school simula ng maaksidente sya sa St.Mary's University na sya habang ako ay sa Planford University. Mabuti nalang at pinapasok ako kilala na kase ako ng mga guwardya at tita ko ang principal dito. Di ako pumasok ngayon dahil ok lang naman iyon dahil si daddy ang may ari ng planford. Hayun at sakto recess nila agad akong pumunta sa rooftop dahil duon madalas pumunta si Thalia kapag gusto nyang maging mapag-isa. Swerte ko dahil andun nga sya. Nilapitan ko sya at gulat na gulat ang reaksyon nya marahil ay bigla nalang akong sumulpot sa harapan nya

Thalia

Umakyat muna ako dito sa rooftop para makapag muni muni trip ko kase ngayong mapag isa at sinasariwa ko ang aking mga ala ala na gusto kong maalala

Naaksidente kase ako at simula nun nagka amnesia ako nakalimutan kona ang lahat ng mga ala ala ko kaya naguguluhan parin ako kung ano nga ba ang ugali ko noon at ano ngaba ang mga nangyari noon. Kung may boyfriend ba ako o kung sino ang mga kaibigan ko noon.

Habang iniisip ko ang mga iyon bigla na lamang may sumulpot na lalaki sa harapan ko

"Hi ako nga pala si Istha your future son"nakangiting sambit nito nakalabas tuloy ang mapuputi nitong ngipin at mas lalo syang nagmukang anghel,nakakainlab!

Hoy thalia! Gaga ka talaga kung ano ano pinag iisip mo!

"Ha?"

"Future na anak mong lalaki"

"Eh kung future son nga kita. Sige nga sino ang magiging asawa ko?"

May tinignan sya mula sa palad nya na tila ba screen at muli itong nagsalita

"Nay,base po sa aking digital screen na naka attach sa aking palad mapapangasawa nyo po si Yukie Relaño"

Oh my siya yung crush ko!!!!

Thirty Days of PretendingWhere stories live. Discover now