PREFACE

392 9 3
                                    

 

            This book designed to cover the financial accounting standards and disclosure requirements relative to cash and cash equivalent… De joke lang! -_- Binabasa ko lang kasi yung nasa unahang page ng bago kong libro. Pinakaimportanteng libro sa buhay ko ngayong Second year. Nakikita ko pa lang kung gaano kakapal tong libro na to, feeling ko lahat ng buhok ko sa katawan ay kumukulot na sa stress. Juice colored. Wag naman po sana.

Andito ko ngayon sa room C301. Chill chill lang, hinihintay mag 6:30 ng gabi para makita kung sino bang magiging prof namin ngayon. Kinakabahan? Sus. Hindi naman. Feeling ko, hindi naman nakakapressure to. Feeling ko nga isang happy-go-lucky lang yung prof naming eh. Major lang kaya namin to!

           

Lahat ng blockmates ko nagkukwentuhan, daldalan, kung ano ano pa at napakagulo talaga ng room. Samantalang ako, eto oh! Kaheadset lang, relax kasama ng phone ko. Now playing Safe and sound by Taylor Swift. Oh ano? Match na match yung kanta sa kaguluhan ng blockmates ko noh?

Infairness, medyo matagal yung prof. Wish ko lang, wag maging katulad ni Sir Tulio yung ngayon. Nako! Baka tuluyan ng mabura yung pangalan ko sa listahan ng mga accounting student dito sa Columban pag nagkataon!

Nakayuko lang ako pero napansin kong medyo tumahimik ata yung mga blockmates ko? Inangat ko yung ulo ko para i-check kung anong kaganapan na. At pag-angat ng ulo ko may nakita akong isang lalakeng nakatayo sa harap ng lamesa. Naka-salamin, may balbas at bigoteng kaunti. Tingin ko medyo bata pa to at naka-green na varsity jacket! The eff! Bat may jejemong nakapasok sa room namin? Lahat ng mga kaklase ko nakatingin sa lalakeng nakatayo sa harap. May hawak siyang parang folder ng mga nurse, yung matigas na pwede mong iipit yung mga papel sa loob? Basta yun! Alam niyo na yun. Sa tingin ko, S.A. (Student Assistant) lang to. Baka mag-a-announce na wala yung prof namin at pwede na kaming umuwe? Dyahe naman kasi sched namin eh! 6:30 to 9:30 ng gabi? Wooh! Wag sana kong makatulog nun.

Kanya-kanyang bulungan na naman yung mga blockmates ko. Feeling ko, hindi lang ako yung nakakaramdam na S.A. yung lalake sa harap, sila rin siguro? Napalingon ako sa kanan ko, nakita ko yung isa kong kaklaseng babae na medyo nakakunot yun noo at parang ang lalim ng iniisip. Nakatingin siya sa lalakeng nasa harap ngayon at para bang kilala niya yun. Si Faith ang tinutukoy kong kaklase ko. Hay bahala siya! Yuyuko na sana ako ulit at makikinig ng music nang biglang tumikhim yung lalake sa harap.

“Ehem, Good Evening Class! I am Mike Anthony Gloria. Your Accounting Professor.”

Hinawakan ko yung mata ko at chineck kung nasa eye socket pa rin ba yung eyeballs ko. Baka kasi nalaglag na sa sobrang pagkabigla ko. Seryoso? Sigurado? Seriously? As in? Yang lalake sa harap ang prof namin? Ang liit niya kaya! Hindi siya halatang prof. Pft. Hahaha

I think this semester is gonna be awesome. Mukhang walang pressure at stress na bitbit tong isang to ah! Puro coolness ang nakikita ko lang sa aura niya. Feeling ko nga, mahilig mag-yolo tong si bagong Sir eh! Feeling ko rin, mahilig uminom at nagyoyosi to. Paano ko na-feel? Di niyo alam? Di ko rin alam eh! Hahaha :D

Ako ay natutuwa sa nakikita ko ngayon. Feeling ko talaga mabait at di strict tong isang to! Well, tingnan natin…

---

[A/N] Ang mga pangalang mababanggit dito ay pawang kathang-isip lamang xD pero sa totoo lang, totoo ang mga names na nilagay ko dito. Kung sino man ang nakakakilala sa isa sa mga tauhan dito, utang na loob! Wag ka ng magtangkang magsabi-sabi jan! Gigilitan ko leeg mo, sige ka! Yun lang :) Love yah~

Kinakabahan ako dito! Hahaha Mystery and General Fiction ang genre nito! Kaloka! Kayanin ko kaya? Haha tulungan niyo ko mga friends kong nakakakilala sakin jan! Yoohoo! ^o^/*

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 16, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Our Accounting Professor [Very Slow Update]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon