Di ko maintindihan kung bakit dito tayo humantong
Ang sabi mo sa akin walang iwanan
Ako ang sagot sa iyong mga tanong
Pero bakit nagkaroon ng hangganAng tila napakaliwanag na kinabukasan
Na tapos lang sa isang iglap ng iyong pag tanan
Sa gitna ng akala kong walang katapusan
Bigla kang pumiglas ng walang paalamPaano na ang mga plano at pangako
Sino na ang sasalo sa nasawi kong puso
Ang lahat ng ating pangarap linagyan mo na ng dulo
Di man lang ako nakapag paalam sa bigla mong paglahoAlam mo ba ang sarap mong hatakin diyan sa langit
Gusto lang kitang muling makapiling
Nakakalungkot man itong isipin, nakakagalit
Na di ka na magawang yakapinIniisip na lang na ang pagtuyo ng mga luha sa hangin
Ay ikaw na pumapahid sa aking mga mata
Na ang pag sikip ng aking dibdib
Ay ikaw na yumayakap ng mahigpit, aking sintaTila nawalan ng gana sa atin ang tadhana
Nabulag yata sa ating kinubukasang sobrang matinang at masaya
Pero nais ko sa iyong ipaalam
Sa iyong pagpanaw, pag-ibig ko'y iyong dala◀⏮▶-✒·~〰〽.·.°·✴☪⚫❇.°·*.
BINABASA MO ANG
Haraya ng Puso
PoetryAng Haraya ng Puso ay isang koleksyon ng mga nilikha kong tula sa wikang Filipino. Ito ay tungkol sa mga damdamin na labis kong iparating sa iyong puso't isipan; mga damdaming sinasalamin ng aking kaluluwa. Sa iyong pagbuklat sa mga pahina nito, na...