Sa pag tingin sa iyong mga mata
Ako'y natutulala
Ganda mo'y nakakabighani
Mahahanap ba ang sagot sa iyong mga labiHalika't iyong dinggin
Ang damdaming humihimig
Damdami'y di makapag pigil
Matatanaw ba ang kinabukasan sa iyong mga bibigRamdam mo ba ang pag tibok ng puso
Humiga ka sa aking dibdib
Pagmasdan ang kagandahan ng ating pagtatagpo
Na magsisimula sa unang pag halik◀⏮▶-✒·~〰〽.·.°·✴☪⚫❇.°·*.
BINABASA MO ANG
Haraya ng Puso
PoetryAng Haraya ng Puso ay isang koleksyon ng mga nilikha kong tula sa wikang Filipino. Ito ay tungkol sa mga damdamin na labis kong iparating sa iyong puso't isipan; mga damdaming sinasalamin ng aking kaluluwa. Sa iyong pagbuklat sa mga pahina nito, na...