Chapter 7

1.1K 56 3
                                    


    "Hayop talaga ang lalaking 'yun

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

    "Hayop talaga ang lalaking 'yun.. Masiyado naman atang mataas ang tingin niya sa sarili niya? Mas lalo atang naging demonyo yun ngayon." malakas na singhal ni Jared sa punching bag na binubugbog niya ngayon.

    Si Jared ang naging fitness trainer ko simula ng magtayo siya ng kanyang gym two years after we graduated in college. Siguro ito na talaga ang passion niya. Ang pagandahin ang katawan ng mga taong gustong baguhin ang sarili nila. And Volt Charge is now a very popular gym in the whole country. Kaya naman nakagawian ko naring magworkout kasama siya kapag may panahon ako. During weekends most of the time.

    I was lifting dumbels with 20 kls. on each hand. Physically, nagkalaman ako but I tried to stay on my body shape. Mas gusto ko parin na lean ako dahil sa matangkad ako and it suits me well when I wear clothes. Ayokong palakihin ang katawan ko to a point na mapupunit na lahat ng damit ko.

    "At kailan naman babalik sa Pilipinas ang gagong 'yun? Bakit ba kasi di mo nalang kausapin iyang client mo and turn down that favor he was asking. Baka naman kasi gusto mo rin talaga na makita siya?"

     "Jared? Are you for real? Gustuhin ko mang iturndown yung favor na hiningi sakin ni Mr. Lim. Wala na akong magagawa dahil pumayag na si River.. It will only get things more complicated than what it is right now."

   Isang malakas na suntok ang binitawan niya bago siya tumigil sa kanyang ginagawa.

     "I just don't like the idea of you being around that guy.. Alam nating dalawa kung gaano siya kasama.. You really like being in trouble with him."

      Umiling nalang ako sa sinabi ni Jared at nagpatuloy sa aking ginagawa. I just need to let this all out. Kung kailangan kong bugbugin ang sarili ko ngayon sa gym ay gagawin ko. I just don't want the coming week to happen.

     May bigla namang tumawag sa aking pangalan na kinagulat ko maging si Jared na nasa tabi ko na ngayon.

    "Danny!" tawag pa sakin ni Charles na kinagulat ko talaga.

    "Charles? What are you doing here? Akala ko ba may tinatapos kang client meeting?"

     Lumapit siya sakin at wala siyang pakialam sa paligid niya at hinalikan niya ako sa pisngi.

     Napatigil naman si Jared sa kanyang kinatatayuan dahil wala pa itong alam sa nangyayari sa akin these past few days.

    "Natapos ako kaagad kaya naman naisip ko na puntahan ka nalang dito.. I just miss you a lot." nakangiting paliwanag niya naman na kinangiti ko lang din bago ko harapin si Jared na nakataas ang kilay.

    "Ah--- Jared. This is Charles. Charles-- This is Jared." at nagkamayan ang dalawa bago ko paman masabi kung anong kaugnayan ko kay Charles.

    "The Chess Champion of the University.." sambit ni Jared na kinangiti lang din ni Charles. Kilala na ni Jared si Charles?

Romantically Not (BL/BxB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon