Lexia's POV
Gumising ako kasi parang may init akong nararamdaman na dumadampi sa aking mukha, pagmulat ng aking mata ay saka ko pa namalayan na umaga na, naghikab muna ako bago ko inayos ang aking kama at dumiretso ako sa banyo.
Naligo ako at nagsipilyo, pagkatapos ay nag-ayos na ako sa aking sarili, nagpulbo ako ng kaunti, at saka nagliptint ng manipis lang, para atleast may kulay ang mukha ko.
Pagkatapos kong mag-ayos ay bumaba na ako at nagtungo sa kusina, at doon ay natagpuan ko ang aking mga magulang at kapatid, saktong sakto na kakalagay pa lang ni mama sa mga panggagamitan namin sa pagkain. Nakita ako ni mama at ngumiti siya sakin sabay sabi ng "Oh lexia andiyan ka na pala" pinaghugot niya ako ng mauupuan, at umupo ako.
"Lexia anak, kumusta na pala si Gino?" Yon agad ang bungad sakin ni mama sa una ko palang na subo kaya nabilaokan agad ako, kumuha si mama ng tubig at binigay niya sakin, "Ma, ano ba yan? Kakasubo ko pa nga lang sa pagkain pero yan na agad ang bungad mo sakin" ani ko na natatawa.
Ang pamilya ko lang ang tanging mga tao na pinagsasabihan ko ng totoo. Dahil alam ko na sila ay nakakaintindi sakin, iniintindi nila ang mga bagay na sinasabi ko sa kanila, at yan ang isa sa dahilan kung bakit ko sila mahal--
"Nak, umiiwas ka nanaman sa tanong ko" sabi ni mama si mahinahong boses. Hindi ko iniiwasan ang mga tanong ni mama, sadyang di ko lang talaga narinig ang susunod na mga sinabi niya kasi iba ang iniisip ko. 'Okay lang ba siya ngayon?, May girlfriend na ba siya?, Ano kaya trabaho niya?' Marami akong tanong na gustong gusto ko talagang itanong kay Gino pero huwag na, tama na, tama na ang lahat ng ginawa niya sakin noon, hinding-hindi na yon mauulit, may boyfriend rin naman na ako eh.
"Ma, di ko po alam kung ano na ang nangyayari sa kanya, at saka kalimutan mo na siya ma, di na kami magkaibigan non eh". Ani ko na pilit na kinukumbensi si mama. "At isa pa ma okay naman kami ni Andre eh, mabuti pa yon, mabait, matalino, pogi at maganda ang katawan, plus may abs pa hihi" ani ko na kinikilig.
"Hay, sabi ko nga nak, oh siya bilisan mo na yan, baka malilate kana sa trabaho mo, sayang naman kung malilate si Engineer Lexia". Sabi ni mama. Hay naku si mama talaga parang di pa rin niya makalimitan yung araw na sinabi ko sa kanya na isa na akong lisensiyadong Engineer.
Tumayo na ako at nagpaalam sa kanila. "Annyeong" huling sabi ko bago naglakad palabas ng aming bahay at nagtungo sa bus station para mag-aabang ng bus, dito kasi sa korea
walang jeep, walang kahit na anong pampasaherong sasakyan maliban nalang ang taxi at bus, nang huminto na ang bus ay sumakay na ako at doon ako umupo sa pinakadulo, sa may bintana, inilabas ko ang aking cellphone at nakinig ng music gamit ang earphones ko.Ilang minuto ang hinintay ko bago huminto ang bus at bumaba na ako para pumasok sa isang malaking building na isa sa sikat dito na kompanya, malaki ang sahod at karamihan sa kanilang mga empleyado dito ay mga inhenyero.

BINABASA MO ANG
How to forget him?
Novela JuvenilPaano kakalimutan ni Lexia ang bestfriend niya noon na hindi naman siya gusto? Nagconfess si Lexia ng kanyang ng kanyang nararamdaman pero bakit kabaliktaran ang nararamdaman nito para sa kanya? Only one way to find out.