Habang tumatagal ang samahan naming dalawa ni Trishia, tuluyan na akong nahulog sa kanya hanggang sa nagtapat na ako sa kanya. Hindi ko akalaing ganoon na din ang nararamdaman niya para sa akin. Naging mag-nobyo kaming dalawa. Maganda naman ang pagsasama namin. Tapat naman ako sa kanya. Hindi ko naisip ang mga sumunod na pangyayari tungkol sa pagsasama namin.
"Pre, sigurado ka 'bang honest sayo si Trishia?" tanong ng classmate kong si Mario.
"Huh? Anong ibig sabihin mo? 'Di kita maintindihan." pagtatakang sabi ko sa kanya na parang nahuhulaan ko na ang mga susunod na sasabihin niya.
"Ayokong sabihin pre, dapat ang girlfriend mo ang tanungin mo ng personal kung nagiging honest ba siya sa'yo. Ayokong manghimasok sa relasyon niyong dalawa." sambit niya sa akin.
"Sabihin mo na! Hindi kasi kita maintindihan eh!" galit na ako nang nasabi ko sa kanya.
"Hindi naman sa gusto kong sirain ang relasyon niyo ni Trishia pero nakita ng dalawang mata ko na si Trishia... may kahalikan sa mall 'nung isang araw." pag- amin niya sa akin.
"Haha, pre 'wag mo naman akong biruin ng ganyan." sabi ko sa kanya.
"Hindi ako nagbibiro pre, nakita ko talaga. Maniwala ka sa akin." pagtatanggol niya sa nakita niya.
"Tigilan mo na nga ang kasinungalingan mo! Hindi ka na nakakatuwa!" sigaw ko sa kanya.
"Edi wag kang maniwala! Ikaw na nga 'tong pinagmamalasakitan, ikaw pa ang ganyan!" sigaw din niya sa akin sabay alis.
Umalis na din ako at umuwi na ng bahay at habang nasa daan pauwi ay paulit- ulit kong inisip ang posibilidad ng sinabi ni Mario. Pagdating ko ng bahay, naabutan ko si Trishia na bumisita sa mommy ko.
"Umamin ka nga sa akin, may itinatago ka ba?" tanong ko sa kanya at nahalata ko na bigla siyang pinagpawisan at parang natataranta na hindi alam ang isasagot sa akin.
"Ah--eh wa-wala ah!" sagot niya sakin.
"Sinungaling! Sabihin mo sa akin may iba ka bang mahal bukod sa akin?" sigaw ko sa kanya.
"Wwala." sabay talikod sa akin.
"Sabihin mo! Sagutin mo ako!"
"Of all the things ba naman ngayon mo pa ako pinaghinalaan? Three years na tayo Carl!", sigaw niya sa akin habang nakakunot ang noo.
"Maraming nakakita! 'Wag mo akong gawing tanga!", tugon ko sa kanya nang hindi ko na mapigil ang sarili ko.
" Sa kanila ka pa ba maniniwala? I am your girlfriend at three years na tayo! Kilala mo ako kaya sa akin ka dapat maniwala!", sabi niya.
"Oo nga, three years na tayo at sa tinagal- tagal ba naman natin ngayon mo pa ginawa sa akin 'to?", nasabi ko nalang nang biglang pumatak ang luha ko.
"Kilala kita at alam ko kung kelan ka nagsisinungaling sa akin." ,dagdag ko pa.
Panandaliang nanaig ang katahimikan sa aming dalawa.
"Oo. Tama ka! May iba na akong mahal at wala ka ng puwang sa puso ko. Siguro tama na. Tama na ang tatlong taon para sa ating dalawa. Hindi na kita mahal!", tugon niya sabay talikod na waring naghahandang mag- walkout pero bago niya nagawa ito ay nakatugon na ako sa kanya.
"Pero bakit? Bakit? Anong mali sa akin babaguhin ko 'wag mo lang akong iwanan. Parang awa mo na. I'm begging you. ", pagsusumamo ko sa kanya ngunit tuluyan niya na akong iniwanan.
Nagpasya na akong umuwi na lang sa bahay at magkulong sa room ko.
"Hindi na kita mahal!"
"Hindi na kita mahal!"
"Hindi na kita mahal!"
Mga salitang pauli-ulit na gumugulo at patuloy na nanunuot sa isipan ko noong mga panahong iyon habang nagkukulong ako sa kwarto ko at hindi alam ang gagawin. Napakasakit ng ginawa niya. Natigilan ako at napaisip.
"Paano niya nagawa sa aking iyon? Masaya naman kami noo eh." nasabi ko nalang.
Hindi na ako kumain ng hapunan dahil nagkulong lang ako sa kwarto ko at lumuluha sa ilalim ng unan ko. Mahal na mahal ko siya pero hindi na pala ganoon ang nararamdaman niya sa akin. Namumugto na ang mata ko kakaiyak hanggang sa nakatulog na ako. Para akong bata 'nung mga oras na iyon na 'pag pinagalitan ng nanay ay umiiyak ng matindi at saka makakatulog. Siguro nga naging bata ang pag-iisip ko noong kami pa ni Trishia kasi hinayaan ko na umikot lang ang mundo ko sa kanya. I'm so dumb! Stupid! Ang tanga ko! Pero alam ko na darating ang panahon na makakalimutan ko siya.
Kinabukasan nagising na lang ako sa haplos ng mommy ko at inaamo ako dahil pati siyan nasaktan sa nasapit ko. Pinayuhan niya ako at pati narin si daddy. Ipinangako ko sa sarili ko na hindi na ulit ako magmamahal kung lolokohin lang ako. Binago ko ang looks and style ko. Dahil nga may pagka-nerd ako ay itinodo ko na talaga to the highest level. At ngayon. I'm officially nerdy wearing braces, eyeglasses, bow ties and bearing lots of books.
BINABASA MO ANG
Kapag ang BITTER, na- inlove...
RomancePaano kung puro BITTERNESS lang ang umiikot sa mundo mo? Isinusubsob na lang ang sarili sa pag- aaral at iba pang makabuluhang bagay at sinasayang ang chances for the lovelife. Paano kung isang araw makahanap ka ng katapat at bigla na lang bumalikta...