Surprise. [ONE-SHOT]

307 12 13
                                    

--

"Guys, dali bilisan niyo na!" sabi ko sa buong tropa namin.

Tumatakbo kami ngayon papuntang bahay nila Wendy. 16th birthday niya kasi ngayon at sosorpresahin namin siya. May cake kaming dala, at iba iba pang mga regalo. May libro, may damit, may chocolates at iba pa.

Si Wendy? Napakahinhin niyan! Siya din yung tipo ng taong napaka-sensitive at emosyonal. Yung tipong konting away mo lang sa kanya, iiyak na agad. Kaya kapag may nang-aaway sa kanya, kawawa yung hinayupak na yun sa amin! Lahat kami sa tropa mga matatapang. Si Wendy lang talaga ang hindi. Kaya namin siya pinoprotektahan palagi. Kumbaga.. Siya ang prinsesa ng tropa. Anim lang naman kami sa tropa. Sina Kathy, Sophie , Airah, Joseph, Ako at syempre si Hailey. Kapag sama-sama kaming lahat, walang hanggang katatawanan at kasiyahan. Haha. Mahilig din kasi kaming mang-asar at mantrip.

Nang malaman namin na malapit na ang birthday ni Hailey, nakaisip si Airah ng pagsorpresa.

FLASHBACK:

"Guys! May naisip ako!" sabi ni Airah habang kumakain kami sa gazeebo at pinag-uusapan kung ano ang gagawin sa birthday ni Hailey. Lahat kami nandoon maliban kay Hailey. Nasa library kasi siya. Studious kasi yung babaeng yun eh.

Lahat kami napatigil sa pag kain at napatingin kay Airah.

"Diba halos lahat ng birthdays natin puro kakaiba? Edi gawin din nating kakaiba yung kay Hailey!!"

"Yun nga pinag-uusapan natin teh! Panong kakaiba? Jusko." nakakunot na noong sabi ni Bryan.

Lahat kami napabuntong hininga.

"Eh kung.." sabi na naman ni Airah.

"Oh ano na naman?" sabay sabay naming sinabi nang hindi nakatingin kay Airah at patuloy na kumakain.

"Kunware awayin natin siya tas sa mismong birthday niya, puntahan natin siya sa bahay niya para mapa-tears of joy siya. O diba?!"

*AWKWARD SILENCE*

"Oo nga noh?!" sabi ko. Noys, nakabawi si Airah. HAHAHA!

"In fairness, may panggagamitan ang malaking ulo." asar ni Kathy.

Lahat kami humagalpak sa tawa habang nakanguso si Airah. Hahaha! Bully kami noh?

At ayun na nga. Ilang araw na lang kasi ay birthday na niya kaya sinagad na namin ang pang-aaway sa kanya. To the point na hindi namin siya sinasabayan, hindi din namin siya pinapansin. Tapos kapag class hours sa classroom kapag nakakatinginan namin, iniirapan namin siya.

Meron pa nga one time eh. Kinabukasan na kasi yung birthday niya. Nung chemistry time, mag-eexperiment daw kami.

"Okay class. Please pair up." sabi ni Miss O. Nasa science laboratory kami ngayon.

Shet, saktong 50 kami sa klase. Pag tingin ko, may mga partners na ang tropa. Nang makatinginan ko sila, nag-peace sign silang lahat. *sigh* Tumingin ako sa iba ko pang mga kaklase at nalamang.. Ako at si Hailey na lang ang wala pang partners.

Ah alam ko na!

"Uy," sabi ko sa kanya at napatingin siya sa akin. "tayo na lang partners!" dagdag ko.

Yung seryoso niyang mukha kanina, bigla na lang nagkaroon ng ngiti.

"Talaga?!"

"Oo naman."

Lahat kami ay nagsuot na ng laboratory gowns, gloves at goggles.

Sabi ni Miss O, magmimix up daw kami ng kung anu-anong chemicals. Ang violet at blue substances ay dapat daw maging yellow. LUH. Weirdo ba. Kaya ayako ng subject na chemistry eh! Paano kaya yun? -.- Mahina pa naman kami parehas sa Chemistry. Kaya ayun ang ginawa kong advantage sa plano ko. Bwahahaha.

Surprise. [ONE-SHOT]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon