medyo marami rami narin ang nainom ni kei. si louise naman, hindi masyado nainom.
"kei, kumusta lovelife mo?" tanong ni nathalie. kaibigan nila.
"ayon may mahal nang iba. hahahha." sabi ni kei at natawa. medyo may tama na siya.
"ha? sino naman?" tanong din ni kate.
"yung bestfriend ko. hahaha. kilala niyo naman diba. diba louise?" sabi ni kei na kinagulat din ni louise.
"si yeonjun?" tanong ni nathalie.
"oo hahaha. pero may girlfriend na yun eh." sabi ni kei.
"kei, dalhin na sa kwarto, lasing ka na oh." sabi ni louise at binuhat na si kei. Si kei, dinala ni louise sa kwarto niya. yung dalawa naman nasa may guest room.
"alam mo ba na mahal ko si yeonjun? ha? hahahha." lasing na sabi ni kei kay louise.
"pero ang tanga ko eh hahahha. sabagay maganda yung girlfriend niya. ano namang panama ko dun? hahaha." sabi ulit ni kei. si louise naman, nakikinig lang.
"sana nalaman niyang gusto ko siya no? pero hindi siguro ako mamahalin non." sabi ni kei. patuloy parin siya sa pagsasalita habang nakapikit siya.
"mahal mo ba si yeonjun?" tanong ni louise kay kei.
"hahaha. oo mahal na mahal ko yung gagong yon. di ko nga alam kung bat gusto ko yon eh." sagot naman ni kei.
"alam mo, kahit na lasing ako, totoo tong mga sinasabi ko. teka saan ba si louise??? LOUISEE!!!!" pagsisisigaw na sabi ni kei.
hinayaan lamang ito ni louise. hindi niya namalayan na umiiyak na siya.
"oh? bat ka umiiyak?" tanong ni kei.
"wala matulog ka na." sabi ni louise.
•

BINABASA MO ANG
as a friend • yeonjun
Fanfic"mahal naman kita, as a friend." • COMPLETED • TXT Yeonjun FF Epistolary "𝐇𝐢𝐧𝐝𝐢 𝐥𝐚𝐡𝐚𝐭 𝐧𝐠 𝐤𝐰𝐞𝐧𝐭𝐨 𝐡𝐚𝐩𝐩𝐲 𝐞𝐧𝐝𝐢𝐧𝐠." Started: July 17, 2019 Finished: July 25, 2019 yowhunie 2019