Chapter 5

20K 457 14
                                    

CHAPTER 5

Naging mabilis ang pagtakbo ng araw. Halos mag-iisang buwan na rin na hindi nagku-krus ang landas nina Yi Jeong at Gail kahit na nga magkasama sila sa iisang bahay. Wala pa ring tigil sa pakikipag date sa iba't ibang babae si Yi Jeong. At si Gail naman ay nakatagpo nang masugid na manliligaw kay Jake. 

"Mukhang tinotoo ni Jandi na isasali ka sa pageant aha." Balita pa ni Jake kay Gail noong sila ay kasalukuyang naglalakad papunta sa canteen. 

"Seryoso ka?" Kunot-noo pa siya. Talaga palang hindi siya tatantanan ng kaibigan. 

"Yes. Nakita ko sa bulletin board kanina." May kasama pang tango na sagot niya. 

"Naku..." Hindi pa man ay parang gusto niyang kurutin nang pino ang kaibigan. 

"I think mananalo ka dun..." Ngiting-ngiti pa niyang sabi. Sa totoo lang ay magka-kuntsaba rin naman sila ni Jandi sa pag vote dito para maging "Campus Queen 2009". 

"Hay nako..." Dinilatan pa niya ang lalaki. "Isa ka pa!" Kinurot pa niya ito sa braso. 

"Araaay..." Napadaing pa sa sakit ang lalaki. Nanggigigil din yata ito sa kanya. 

"Hindi ako ready sa ganoong pageant! Lakas tama talaga kayo!" 

"Come on, Gail...you fit on that pageant. Besides, it can help you financially..." Hindi pa rin niya maiwasang mailabas ang pagiging inglisero. 

"Mapapahiya lang ako d'yan!" Iiling-iling pa din siya. "Kita n'yo naman kung papaano ang labanan. Pera-pera din diba? At 'yon ang walang wala ako."  

"Tutulungan ka namin. Don't worry too much about it." 

"Ewan ko, Jake.  Hindi ko alam if kakayanin ko 'yan e." Alanganin talaga siya. 

"Ah basta!" Ngiting-ngiti pa ito. "Mamaya nga pala ay may pre-pageant. You'll be wearing a swim suit." Kumindat pa ito sa nagdudumilat namang babae. 

"At saan naman ako kukuha ng swim suit?!"  

"May dala na si Jandi." Ginagap pa niya ang nanlalamig na palad ng babae saka bahagyang hinaltak. "Dali ka na, may klase ka pa diba? After class around 5:00 p.m. e sunduin na kita ha." 

"Hindi kayo nagbibiro 'no?" Pilit pa niyang inaaninag sa mukha nito if pinagti-tripan siya. 

"Ah, ah!" May kasama pang iling na sagot nito. 

Noon na tuluyang napalunok si Gail. Mukhang wala na talagang atrasan pa iyon. Hindi pa man ay kabadong kabado na siya.

At tulad nga ng sabi ni Jake sa kanya ay sinundo siya nito sa klase. Bakas sa mukha nito ang hindi maitagong excitement. 

"Nasaan na si Jandi?" Taka pa siya dahil wala pa rin ang makulit na kaibigan. 

"Nand'un na sa auditorium. Hinihintay na tayo." Kinuha pa niya ang ilang gamit ng babae at siya na mismo ang nagdala para dito. 

Impress pa rin naman si Gail sa pagiging gentlemanly ni Jake. Kung tutuusin ay papasa ito sa standard niya. Pero masyadong mapaghanap ang puso niya. Hindi pa rin niya maturuang palitan ang nilalaman n'un. 

Malayo pa lang ay natanaw na nila si Jandi na hanggang tainga ang ngiti.  

"Dali na, Gail! Magstart na in 30 minutes!" Dali-dali pa nitong hinaltak ang gulantang pa ding si Gail. Dinala siya nito sa dressing room. Ang dadami na ring tao sa loob. At ganoon na lang din ang pagka-sorpresa niya nang makita ang mga babaeng kasali ay puros naka-two piece bikini na. Napalunok siya at 'di niya makita ang sariling nakasuot nang ganoon. 

HEAVEN WILL ONLY KNOWTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon